Chapter 27: Practice

57 12 0
                                    


Lavinia's POV

"Luis saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang makalabas na kami ng music room, hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa paghitak sakin.

"Luis, bakit ka pumayag? Kung ako partner mo sure na talo ka." Dahil sa sinabi ko ay huminto siya sa paglalakad at binitawan na niya yung kamay ko na kanina pa niya hawak.

"Practice makes perfect, so bukas mag pa-practice tayo sa music room after class hours, let's go."

"Huh? Bakit?" Tanging nasabi ko sa sinabi niya.

"Okay, umuwi ka mag-isa." Masungit na sabi niya at iniwan ako, napa-ngiti nalang ako at agad na naglakad at sinabayan siya.

"Sungit talaga, nagtatanong lang naman eh." Napa-iling nalang siya sa sinabi ko at hindi na niya ako pinansin.

Hindi ko alam kung bakit nakukuha ko pang ngumiti kahit na sinusungitan at hindi naman niya ako pinapansin madalas, siguro nasanay na ako sa pakikitungo niya sakin.

"My loves!" Napahinto kami sa paglalakad ni Luis nung marinig namin yung boses ni Kino. Tumingin lang saglit si Luis sa kanya at naglakad na siya ulit, ako naman hinintay ko na makalapit sakin si Kino.

"Kino bakit ka nandito?" Tanong ko at agad na naglakad, medyo malayo na kasi si Luis samin.

"Sinabi kasi sakin ni Safina na wala kang kasabay, kaya nandito ako para samahan kang maka-uwi." Sabi niya at umakbay sakin, napangiti nalang ako ng awkward at tumingin kay Luis. Nasa harap lang namin siya, ni hindi siya lumilingon samin.

"Oo nga pala bakit kasabay mo si Luis?" Malakas na sabi ni Kino, ine-expect ko na lilingon siya samin pero hindi.

"Bakit? Pareho lang naman kami ng bahay na uuwian." Sagot ko naman sa tanong ni Kino.

"Okay, basta simula ngayon susunduin na kita tuwing uwian." Tumango nalang ako sa sinabi niya at hindi na siya pinansin.

***

"Good evening tita." Bati ko nang madatnan namin ni Luis si tita sa living room, si Luis naman pumunta agad sa taas. Hindi nanaman niya ako pinapansin.

"Bakit sabay kayong umuwi? Omg!" Kinikilig na sabi ni tita, kaya naman nagkwento ako ng slight kay tita.

"Ay? Talaga? Epal naman pala ni Akino." Sabi ni tita, natawa nalang ako sa sinabi niya at nagpaalam na ako sa kanya na pupunta na ako sa kwarto ko, inaantok na kasi ako.

***

Luis's POV

Pagpasok ko ng gate dito sa school ay tilian na naman ng mga babae yung naririnig ko, hindi ba sila nagsasawa?

Kasi ako? Sawang-sawa na ako.

"Agang nakasimangot." Napatingin ako sa nagsalita, si Wency lang pala, kasama niya si Roi na kanina pa nakangiti habang hawak yung phone niya.

"Tsk."

"Sungit talaga." Sabi naman ni Roi nang hindi tumitingin sakin, kung hindi ko lang talaga sila kaibigan baka sinapak ko na yung dalawang to.

"Bakit niyo ba ako ginugulo?" Tanong ko sa kanila, nanggugulo lang naman kasi sila kapag may gusto silang malaman.

"Hmm gusto lang naman namin malaman kung totoo na hinamon ka ni Warren." Sabi pa ni Roi.

"Oo nga at kung totoo din ba na si Lavinia yung partner mo, kung totoo yon talo kana agad eh hindi naman marunong kumanta yon."

"First of all marunong kumanta si Lavinia, in fact sobrang ganda ng boses niya, second totoo lahat ng tanong niyo, manood nalang kayo next week ah." Sabi ko at iniwan ko na sila.

"Valtimontar!" Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng room nang may tumawag na naman sakin.

Guess what? Si Warren lang naman.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso.

"Inform lang kita, nakalimutan ko kasing sabihin kahapon, parehong music lang yung kakantahin natin at para fair ipo-post online yung magiging video ng performance natin, kung sino ang pinaka madaming likes and views yon ang panalo, paano? Good luck." Sabi niya at agad na umalis.

Tsk.

***

"Class dismiss, see you tomorrow."

Agad kong niligpit yung mga gamit ko pagka-alis ng teacher namin, 5:00 PM na kasi magpa-practice pa kami.

Paglabas ko ng room ay agad kong nakita si Lavinia, napatayo naman siya sa inuupuan niya nang makita niya ako.

"Tara ready na ako." Masayang sabi niya, tumango nalang ako at agad na naglakad papunta sa locker room ng mga boys para makapagpalit na.

***

Lavinia's POV

"Ano? But that's unfair!" Inis na sabi ni Luis kay Warren. Nandito kami ngayon sa labas ng music room. Pinagbawalan ni Warren na gamitin namin ni Luis yung music room, gusto kasi nila solo lang nila yung music room.

"Ako president, ako masusunod." Sagot niya kay Luis at agad na pumasok sa loob ng music room.

Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko yung rooftop, kaya agad kong hinawakan yung kamay ni Luis at hinitak ko siya papunta sa rooftop.

***

"Tada!! Oh diba? Dito sobrang nakaka-relax yung view, tapos mahangin pa." Nakangiting sabi ko, tinanguan lang niya ako at agad niyang binuksan yung phone niya.

"Ano nga palang kakantahin natin?" Tanong ko sa kanya.

"Best part by Daniel Caesar amd H.E.R."

"Bets part!?" Gulat na sabi ko, inirapan naman niya ako.

"Kaya mo naman siguro yon diba?" Tanong niya habang naghahanap siya ng minus one nung kanta, tumango nalang ako kahit hindi naman talaga ako sure kung kaya ko ba talaga yon.

***

"I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Then you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part." Napaupo nalang ako sa sahig nang ma-perfect namin ni Luis yung kanta, hindi ko akalain na ganito pala siya kagaling kumanta, as in sobrang ganda ng boses niya. Alam din niya yung mga technique na dapat gagawin. Marami akong natutunan sa kanya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itsyahan ng water bottle, buti nasalo ko agad.

"Thank you." Sabi ko at agad na uminom ng tubig, uhaw na uhaw na ako kanina pa.

"Hindi ka naman pala mahirap turuan, tara na. Late na, for sure hinahanap na tayo ni mama." Sabi niya, tumango naman ako at agad na tumayo.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon