Lavinia's POV
Pagmulat ko ng mga mata ko ay ang maamong mukha agad ni Luis ang bumungad sakin.
"Good morning Luis." Nakangiting bati ko sa kanya kahit natutulog pa siya. Ano bayan?! Ang aga-aga kinikilig agad ako.
"Sleep well, good luck sa exam."
***
Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay agad akong pumunta sa kitchen para gumawa ng coffee, gusto ko kasing maka-bawi kay Luis, alam kong napuyat siya dahil sakin.
"Oh? Lavinia ako na diyan, anong oras naba? Nako?! late ba ako ng gising? Umalis naba si Luis?" Natawa nalang ako dahil sa sunod-sunod na tanong ni tita.
"Nako hindi po, maaga lang po talaga akong gumising para makapag-review pa po ako nang mas mahaba, tsaka po gumagawa po ako ng coffee para kay Luis." Sagot ko sa sinabi ni tita. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumili na parang kinikilig.
"Sabi kona nga ba eh, may gusto ka sa panganay ko." Masayang sabi ni tita.
"Nako wala po, sino po ba magkakagusto sa napaka sungit na tao? tinutor po kasi ako ni Luis sa math at alam ko pong napuyat siya, gusto ko lang po makabawi."
"Hay nako, akala ko pa naman may gusto ka sa kanya. Pero pag dumating yung time na nagkagusto kana sa kanya wag kang mahiya na sabihin sakin okay?"
"Opo tita." Sagot ko at isinalin kona yung coffee na ginawa ko sa isang cute at pink na mug.
***
"Tita, aalis na po ako." Sabi ko kay tita nang mag 6:30 am na.
"Hindi ka ba kakain maluluto nato oh."
"Hindi na po tita, sige po bye." Sabi ko at nagsimula na akong maglakad pero hindi pa man ako nakakalabas ng bahay nang bigla akong tinawag ni tita.
"Bakit tita?"
"Good luck sa exam mo Lavinia, eto buksan mo to kapag nakita mo na ang results ng mga exams mo, good luck ulit, ingat." Sabi ni tita sabay abot sakin ng isang envelope, hinug ko naman si tita at agad na umalis ng bahay.
♤♤♤♤
Luis's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, pagdilat ng mga mata ko ay ang long quiz ni Lavinia at isang sticky note ang bumungad sakin. Nakatulog pala ako sa kwarto niya.
Agad kong kinuha yung long quiz niya at chineck, unang tingin ko palang sa quiz niya alam kong tama lahat. Napatango nalang ako at kinuha yung sticky note.
"Good morning Luis! Alam kong puyat ka dahil sa pag-tututor sakin, gumawa ako ng coffee baka sakaling gusto mo. Good luck na din sa exam mo kahit expected naman na yung magiging results. -Lavinia."
Masarap naman siguro siyang gumawa ng coffee kahit papano? Agad akong bumaba at pumunta sa kitchen matapos kong mabasa yung notes niya at nadatnan ko nga sa kitchen yung sinasabi niyang coffee na nakalagay sa pink na mug.
Nag-iisip ba siya o hindi? Guess what? Malamig na yung kapeng tinimpla niya. Sana hinayaan nalang niyang nakalagay sa coffeemaker. Napa-iling nalang ako at agad na inilagay sa initan yung coffee na ginawa niya.
"Good morning Luis." Napatingin ako sa pinto ng kitchen kung saan nakatayo yung papa ni Lavinia.
"Good morning tito." Bati ko din sa kanya, napangiti siya nang makita niya yung isinasalin kong kape sa tasa.
"Si Vinia... masarap gumawa ng kape yan." Sabi ni tito at ngumiti siya sakin bago siya umalis.
Pano naman niyang nalaman na si Lavinia gumawa nito? Napabuntong hininga nalang ako at tinikman yung coffee na ginawa niya. Hindi ko alam pero napangiti nalang ako bigla. Akala ko pati sa pag-gawa ng coffee palpak siya.
♧♧♧♧
Safina's POV
"Safina, kanina kapa dito?" Tanong ni Meriza nang makita niya ako sa room.
"Oo, ang tagal niyo nga ni Vinia eh, nasan na kaya yon?" Sagot ko naman sa tanong niya.
"Ewan? Alam mo nagtataka nga ako eh." Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Nagtataka saan?"
"Nagtataka ako kung bakit ayaw na niya tayong kasabay tuwing uwian, tsaka never pa niyang binanggit kung saan sila nakatira ni tito ngayon." Napa-isip naman ako sa sinabi Meriza, may point siya. Bakit nga ba lagi niya kaming tinatanggihan kapag nag-aaya kami na ihatid siya?
"Well, tanungin nalang natin siya mamaya." Sabi ko nalang, kailangan ko pa kasing mag-review, hindi naman pwede na mga kaibigan ko lang ang papasa sa final exams diba?
Kakabukas ko palang ng reviewer ko nang bigla akong kalabitin ni Meriza.
"Ano ba?"
"Tingnan mo yon oh!" Sabi niya kaya naman napatingin ako sa pintuan kung saan siya nakaturo.
"Hala girl? Anong nangyari sa kaibigan natin?" Gulat na tanong ko sa kanya, nandito na kasi si Lavinia at sobrang dami niyang reviewer na binabasa at hindi pa siya namamansin, tuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa maka-upo siya.
"Hayaan nalang natin siya, desidido talaga siyang masama sa bulletin board ng math." Tumango nalang ako sa sinabi niya, good luck nalang saming tatlo mamaya.
◇◇◇◇
Lavinia's POV
"Good morning class, go back to your proper seats. One seat apart tayo ngayon, itago lahat ng reviewers at mag s-start na tayo agad. Paalala ko lang huh? No cheating! Pupunitin ko ang paper ng mahuhuli kong magche-cheat at automatically na zero sa subject kung saan kayo nag cheat, maliwanag?!" Mahabang sabi ni ma'am pagpasok palang niya ng room.
"Yes ma'am." Sagot naman naming lahat.
Agad na pinamigay ni ma'am yung mga test paper, bawat subject ay may 600 items na kailangan sagutan. Kalahati ng 600, which is 300 ay pasang-awa lang, 400 ay pwede na, ang mga may score lang na 550 pataas ang pwedeng masama sa bawat bulletin board ng mga subject.
***
"Last subject nato, galingan niyo class, good luck sa inyong lahat." Sabi ni ma'am.
Finally ang pinaka pinaghandaan kong subject, ang math. Kinakabahan ako, baka kasi ma-mental block ako, o kaya baka sobrang hirap nang mga sasagutan. Habang palapit nang palapit sakin si ma'am habang pinapamigay yung test paper, lalo naman akong kinakabahan. My ghad kaka-kape ko siguro to.
"Kleus, are you listening? Ang sabi ko mag start kana!" Napatingin sakin ang lahat nang sigawan ako ni ma'am, nasa harap ko na pala siya at kanina pa niya inaabot sakin yung test paper, agad ko namang kinuha yon at hindi na sila pinansin.
Sobrang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung sasagutan, itong ito yung pinasagutan sakin ni Luis kagabi pero nadagdagan lang ng 300 items pa, kaya ko to, good luck self, you can do it!
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss