Lavinia's POVNang buksan nung dalawang guard yung pinto ay agad akong pumasok, hindi ko alam kung bakit sobrang tahimik nila, lahat sila nakatingin sakin.
Agad hinanap ng mga mata ko yung dalawa kong kaibigan pero imbis na sila yung mahanap ng mata ko ay si Luis yung nahanap. Omg! Nagkatinginan kami, bakit ganon? Tingin palang yon pero kilig na kilig na ako, sobrang gwapo talaga niya, kahit anong isuot niya bagay na bagay talaga sa kanya, lalo akong na i-in love.
"My loves!" Bumalik ang sense ko sa mundo nang marinig ko ang boses ni Kino, nasa tabi ko na pala siya. Agad niyang hinawakan yung kamay ko at ikinapit yon sa braso niya, dahil ayoko naman na mapahiya si Kino, hinayaan ko nalang siya. Agad namang nawala yung atensiyon sakin nung mga tao nung maka-upo na ako at ngayon ko lang na realized na malapit lang pala si Luis samin.
"Girl! Agaw pansin ka, ang ganda mo." Bulong sakin ni Meriza. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi naman, kayo nga ang maganda diyan eh." Pa-humble na sabi ko.
"Sus! Pa-humble pa si Lavinia, by the way ang gwapo ni Mr. Valtimontar bagay kayong maging Queen and King." Napairap naman ako sa sinabi ni Safina. As if naman na magiging queen ako eh ang dami kayang magaganda dito.
"Okay good evening everyone, I am Dani Lee and I will be the mc for tonight. Because all the students are here now, we will start dancing with our dates and then we will eat while watching some performances and after that I will announce who will be the King and Queen for tonight, thank you and enjoy." Sabi nung mc which is yung president namin sa buong school.
Agad namang inilahad sakin ni Kino yung kamay niya at tinanggap ko naman yon. Why not? Magsasayaw lang naman kami. Habang nagsasayaw kami ni Kino ay hindi ko maiwasan na hanapin si Luis nakaupo lang siya kasama yung mga kaibigan niya. Maya-maya lang ay may lumapit sa kanilang tatlong magaganda at sexy na mga babae mukhang inaaya sila na magsayaw, kilaka ko sila sa mukha pero hindi ko alam yung mga names nila.
Nang makita ni Luis na nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang nag-smirk at hinawakan niya yung kamay nung isang babae na lumapit sa kanila at hinitak niya papunta sa gitna ng dance floor. Syempre nakaramdam ako ng kirot, sana may gamot para makalimutan yung crush.
"Ang ganda mo." Agad akong napatingin kay Kino nang sabihin niya yon.
"A-hhh Thank you." Nahihiya na sabi ko. Hindi ko alam pero bigla nalang ako nakaramdam ng hiya sa kanya, dahil siguro sa titig na titig siya sa mukha ko, naiilang ako.
"Ako? Hindi mo ba ako pupurihin? Ang gwapo ko kaya ngayon." Nawala yung awkwardness ng humirit si Kino sa pagiging mahangin niya, natawa naman ako at hinampas siya ng mahina.
"Tsk, hangin mo talaga." Tumatawang sabi ko, napatigil nalang ako sa pagtawa nang may bumangga sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Luis at yung babaeng ka-date niya na nasa tabi na namin. Magkasayaw sila pero nakatingin sakin si Luis. Bwisit? Bakit parang pinapa-fall niya ako lalo?
"Alright pagbilang ko ng 5 kailangan nakapag-switch na kayo ng mga kasayaw niyo." Sabi ng mc at nag simula na nga siyang mag bilang.
"In 5, 4, 3, 2 and 1." Nung marinig ko yung word na one ay bibitaw na sana ako kay Kino kaya lang mukhang ayaw niyang bitawan yung kamay ko.
Nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa kabilang kamay ko at hinitak ako, dahilan para mabitawan na ako ni Kino.
"L-luis?" Nauutal na sabi ko nang makita ko kung sino yung humitak sakin. Hindi siya nagsasalita, agad niyang hinawakan yung bewang ko kaya naman humawak na ako sa balikat niya, tsaka niya hinawakan yung isang kamay ko at nagsimula na kaming magsayaw. Nakatitig lang siya sakin ng seryoso at patuloy sa pagsayaw kaya tinitigan ko nalang din siya at inenjoy yung bawat sandali na siya yung kasayaw ko.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
Fiksi PenggemarWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss