Chapter 70: The Contract

63 10 19
                                    


Luis's POV

Napa-upo na lang ulit ako sa sofa nang talikuran ako ni Lavinia at agad siyang umalis.

"No! Hindi ako papayag anak! Hindi ko nga kilala yung anak nung Mr. Vasco na yan eh! Hindi mo naman siya gusto diba?"

"No ma, I liked her. Unang kita ko pa lang sa kanya gusto ko na agad siya, kaya pumayag din ako agad. Makukuha ko na yung kaligayahan ko maisasalba ko pa yung company." Sagot ko sa sinabi ni mama kahit hindi naman talaga totoong gusto ko yung anak ni Mr. Vasco.

"Pero anak, marami pa namang way para maisalba yung company natin. Ayokong ikasal ka." Sabi pa ni mama. Napa-buntong hininga na lang ako at umiling.

"Wala nang ibang way para maisalba ko yung company natin. My decision is final. Sa saturday pupunta tayo sa kanila, and sa sunday sila naman ang pupunta sa bahay natin dahil hindi pwedeng mapagod si papa." Sabi ko at aalis na sana pero biglang nagsalita si papa.

"Anak, sure ka ba talaga na gusto mo yang gawin? Alam ko din na wala nang ibang paraan para maisalba yung company pero... Gusto mo nga ba talaga yan?" Tanong ni papa. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Yes pa, sure na ako. Now I have to go, good night." Sabi ko at agad na naglakad paalis sa living room.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay agad akong napa-tingin sa pinto ng kwarto ni Lavinia at nilapitan ko ito.

Gusto kong kumatok at mag-explain sa kanya pero parang may pumipigil sakin.

By the way, why do I have to explain to her? Wala namang kami.

♧°•♧•♧•°♧

Lavinia's POV

"Pumayag ako sa alok ni Mr. Vasco, pakakasalan ko yung anak niya."

"Pumayag ako sa alok ni Mr. Vasco, pakakasalan ko yung anak niya."

"Pumayag ako sa alok ni Mr. Vasco, pakakasalan ko yung anak niya."

"Pumayag ako sa alok ni Mr. Vasco, pakakasalan ko yung anak niya."

Napa-pikit na lang ako at tinakpan ko ng unan yung mukha ko. Nagsisimula na naman akong umiyak.

3:38 AM na pero hanggang ngayon gising parin ako. Why? Paulit ulit lang naman pumapasok sa isip ko yung sinabi ni Luis.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang magpakasal? Para saan? Para maiahon niya ulit yung company? O dahil gusto niya yung pakakasalan niya? Hindi ko maintindihan kung bakit. Kailangan ko ng explanation niya, ang sakit sakit, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

◇°•◇○◇•°◇

Agad akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. It's 6:00 o'clock in the morning kaya agad akong bumangon at ginawa yung morning routines ko, pagkatapos ay agad akong bumaba para pumunta sa dining room.

"Good morning Vinia, kain kana." Bati sakin ni tita nang makita niya akong dumating sa dining room kaya agad na napa-tingin si Luis sakin. Ngumiti lang ako kay tita at agad akong tumabi kay Jelo, since wala naman si papa.

"Diba doon ka?" Biglang sabi ni Jelo habang nakaturo sa upuan na katabi ni Luis. Uminom na lang ako ng konting gatas at agad akong tumayo.

"Teka Lavinia, kakaupo mo lang ah?" Gulat na sabi ni tita.

"Busog ako tita kaya uminom na lang ako ng konting gatas. Alis na po ako." Sagot ko sa sinabi ni tita. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at agad akong umalis.

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon