Lavinia's POVPagpasok ko sa room ay nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nagkukumpulan sa tabi ng upuan ko. Parang may pinag-uusapan yata sila. Napatigil lang sila sa pag-uusap nang mapansin nila ako. Hindi ko alam kung bakit iba yung tingin nila sakin parang may something. Hindi ko nalang sila pinansin at agad na ibinaba yung mga libro na hawak ko sa desk ng upuan ko. Wala ako sa mood na makipag-usap sa kanila pero nakakabothered yung mga tingin nila, hanggang ngayon nakatingin parin sila sakin na para bang may ginawa akong mali.
"Anong issue niyo?" Tanong ko habang nakahawak ang isa kong kamay sa bewang ko.
"Saan ba talaga kayo ni papa nakatira ngayon?" Seryosong tanong ni Kino.
"Bakit ba gusto niyong malaman?" Tanong ko din sa kanya.
"Kila Luis Valtimontar kaba naka tira?" Tanong pa ni Meriza.
"Bakit tinatanong niyo pa? Eh diba kitang-kita naman natin na pumasok siya sa bahay ng mga Valtimontar." Sabat naman ni Safina, dahil sa kaba ay nagkunyari nalang akong inaayos yung mga libro ko.
"My loves sagutin mo naman mga tanong namin."
Hysst hindi talaga nila ako lulubayan, lalo na itong si Kino.
"Ano bang pinag sasasabi niyo? Baka naman hin-." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang may nahulog mula sa book ko. Yung envelope na bigay ni tita nung isang araw, sabi niya buksan ko daw to kapag nakita ko na yung results ng exam ko.
Kukuhanin ko na sana yung envelope nang biglang kunin yon ni Meriza.
"Ano to?" Tanong niya, agad ko namang kinuha sa kanya yon.
"Hindi ko alam, pero sabi ni tita buksan ko daw to kapag nakita ko na yung results ng exam ko." Sabi ko at agad na binuksan yung envelope at nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng envelope. Agad itong inagaw sakin ni Safina at tinitigang mabuti.
"Nagpa-tutor ka kay Luis?!" Sigaw niya, kaya lahat ng mga classmate namin ay nagsi-lapitan na at naki-chismis. Patay talaga ako kay Luis. Hindi ko naman kasi akalain na yung laman nung envelope nayon ay picture namin nung nakatulog kaming pareho sa mini table ko.
"So nakatira nga kayo sa iisang bubong?" Tanong ni Meriza. Wala na akong lusot, tatanggi pa ba ako?
Nag-peace sign nalang ako at dahan dahan na tumango, nagulat nalang ako nang bigla akong hawakan ni Kino sa magkabilang braso ko.
"My loves hindi pwede to! Sabihin mo sakin may ginawa ba siyang masama sayo? Ano? Sabihin mo sakin, sasapakin ko talaga yung gunggong nayon!" Parang ewan na tanong niya sakin kaya itinulak siya ni Safina.
"Pwede mga classmate lahat ng nalaman niyo ngayon secret lang? Kasi patay talaga ako kay Luis kapag kumalat to sa school." Nakangiting paki-usap ko sa kanila.
"Oo naman!" Sigaw nila, kaya sobrang saya sa section nato eh, walang plastikan, lahat nagtutulungan.
Pero... Kinikilig ako sa ginawa ni tita, Grabe si tita! hindi ko akalain na palihim pala niya kaming kinukuhanan ng mga videos and pictures ni Luis.
♧◇♧◇♧◇
Luis's POV
"Dude let's go, kumain na tayo gutom na gutom na kasi ako eh." Pag-aaya ni Roi samin ni Wency, tumango lang ako at agad kaming lumabas ng classroom.
"Anong problema ng mga tao ngayon? Bakit parang gulat na gulat sila pag nakikita tayo?" Tanong ni Wency, binatukan naman siya ni Roi.
"Bakit ba?!"
"Sira! Si Luis lang naman yung tinitingnan at pinag-uusapan nila." Sagot niya kay Wency.
Papasok na sana kami sa loob ng cafeteria nang bigla kaming harangin ng president namin sa room, si Paul.
"Bakit Paul?" Tanong ko sa kanya, para kasing important yung sasabihin niya, hingal na hingal pa siya.
"Luis! You need to see this! Tara!" Sabi niya at dahil sa curious ako at ang mga kaibigan ko, kahit nagugutom kami sinundan namin siya. Pagkakita ko palang sa bulletin board ay literal akong nainis.
Hindi ba talaga ako naintindihan nung babaeng yon?! O sadyang stupid lang talaga siya? Agad akong naglakad papunta sa classroom ni Lavinia. Sumusobra na talaga yung babaeng yon.
Pagpasok ko sa room nila ay natahimik at napahinto ang lahat sa mga ginagawa nila, pati si Lavinia na kumakain ng lunch katabi yung asungot na si Akino."Oh Lui-." Hindi ko na pinatapos si Lavinia sa sasabihin niya at agad ko siyang hinatak papunta sa bulletin board.
Halos lahat ng madaanan namin sa hallway ay nagbubulungan, siguro dahil sa nakita nilang picture or dahil magkasama kami ngayon at nakahawak ako sa kamay niya.
"Luis, bakit ba?" Tanong niya, hindi ko sinagot yung tanong niya dahil nandito na kami sa harap ng bulletin board.
♤◇♤◇♤◇
Lavinia's POV
"Huh? Paanong nangyari to?!" Gulat na tanong ko at napatingin kay Luis na ngayon ay sobrang sama ng tingin sakin.
"Wala akong kinalaman dito Luis, I swear."
"What did I told you?! Diba sabi ko stop ruining my life!" Sigaw niya sakin, oo sinigawan niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kahit hindi ako tumingin sa paligid alam kong maraming mata ang nakatingin at nagmamasid sa akin ngayon.
"So-sorry Luis." Nakayuko at nauutal na sabi ko, wala naman talaga kasi akong kinalaman kung bakit kumalat yung picture namin na magkasama sa iisang bahay, so bakit sakin siya galit na galit?
"You don't need to be sorry! All you need to do is stay away from me!" Galit na sabi niya at iniwan akong pinagtitinginan ng mga tao, this time nararamdaman ko na ang mainit na likido na lumalabas mula sa mga mata ko. Nagulat nalang ako nang biglang may humitak sakin palayo sa maraming tao, papunta sa rooftop.
"Sorry Vinia, kami ni Safina ang nagpakalat nung picture, sorry talaga hindi namin intention na magalit sayo si Luis sorry." Umiiyak na sabi ni Meriza at lumuhod sila ni Safina sa harap ko, agad ko naman silang itinayo at niyakap.
"Okay lang, hindi ako galit."
"Eh bat ka umiiyak, kung hindi ka galit sa samin?" Tanong ni Safina.
"Naiyak lang ako sa mga sinabi ni Luis, okay lang ako." Sabi ko at ngumiti, kahit puro kagagahan pa gawin ng mga kaibigan kong to, hindi ako magsasawa na intindihin sila.
Simula talaga sa araw na ito iu-uncrush na kita Luis Valtimontar.
****
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
ФанфикWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss