Lavinia's POV"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Mika, mage-explain na sana ako nang biglang...
Biglang may highschool student na kumapit sa braso ni Luis. Para siyang si Mika kapit nang kapit.
"Hi kuya Luis." Masayang sabi niya at napatingin siya sakin.
"Oh? Lavinia Kleus right? I'm Maica." Gulat na sabi niya, agad namang kumunot ang noo ko.
"Paano mo nalaman?"
"By your looks. You look weird and madalas kang i-kwento sakin ni ate, right ate?" Sabi niya at tumingin kay Mika. Tsk kaya naman pala parang linta din tong Maica nato, kapatid pala siya ni Mika.
"Oh yeah, baka gusto mong pumasok na. For sure late kana." Sagot naman ni Mika sa kapatid niya.
"Fine, by the way kuya Luis thank you for tutoring me. Mas lalo akong gumaling sa math, mamaya ulit punta ka sa condo ni ate ah?" Sabi niya at agad na umalis.
"Tutor?" Pabulong na sabi ko.
"Yup, nagpa-tutor yung kapatid ko kay Luis. Sobrang bait nga ni Luis eh, kasi kahit sobrang layo ng condo ko sa condo niya pumupunta parin siya para lang tutoran yung kapatid ko, right Luis? Let's go." Sabi ni Mika at agad na kumapit sa braso ni Luis.
"Bye." Tanging nasabi ni Luis bago sila umalis. Nang makalayo na sila ay dahan dahan akong napangiti. Akala ko nagli-live in talaga sila. I'm so happy, wala palang dahilan para sumuko ako agad.
"Byeeeeeee!" Masayang sabi ko, lumingon naman si Mika at inirapan niya ako.
☆▪︎☆▪︎☆
"Good morning!" Masayang bati ko kila Safina at Meriza. Halata sa mga mukha nila ang pagkagulat.
"Omg? Totoo ba to? You're back!" Sabi ni Meriza at niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya.
"Finally, ngayong okay kana. Baka pwede mo nang sabihin samin kung anong problem mo?" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Safina at bumitaw ako sa pagkakayakap kay Meriza at agad na umupo.
"Fine sasabihin kona, basta wag niyo akong pagtatawanan? Okay?" One hundred percent sure kasi ako na pagtatawanan ako ng mga to.
"Oo namam, may problema bang nakakatawa? Sabihin mona dali." Sabi ni Meriza. Madaling madali naman siya.
"Nung time kasi na iniwan ako ni Safina dahil nga namatay yung lola niya nakasalubong ko si Kyron sa labas ng school. Syempre nilibre niya ako ng ice cream tapos bago umuwi nagpadaan ako sa kanya sa isang convenience store tapos nakita ko si Luis sa tapat ng isang condominium building." Mahabang sabi ko at huminto muna ako, tinaasan naman ako ng kilay ni Safina.
"Yon na yon? Yon lang problem mo?nakita mo si Luis?" Sabi niya kaya naman inirapan ko siya.
"Hindi pa ako tapos okay. So yon na nga nakita ko siya tapos lalapitan ko sana siya kaya lang biglang dumating si Mika tapos pumasok sila sa loob ng condominium building, tapos yon akala ko nagli-live in sila. Tapos kanina nalaman ko na tutor pala nung kapatid ni Mika si Luis sa math kaya siya pumupunta don."
Matapos kong sabihin yan wala silang naging reaction, buti naman hindi si-.
"Wahahahahahaha!!!" Sabay na tawa nila. Sabi ko na nga ba eh, pagtatawanan nila ako.
"Ang sama niyo talaga sakin." Sabi ko at inirapan sila.
"Next time kasi i-sure mo muna bago ka mag-emote okay?! Grabe LT ka girl!"
"Kaya nga, maraming namamatay sa maling akala Ms. Kleus." Dagdag pa ni Meriza sa sinabi ni Safina. Tsk de sila na perfect. Masama bang magkamali?
Hindi ko nalang sila pinansin at nag-cellphone nalang.
°•°•°•°
Ilang months na ang lumipas, at ngayon December na.
"So paano? See you all next year, enjoy your Christmas break." Sabi ni maam. Agad namang naghiyawan yung mga classmate ko nang maka-alis na si ma'am.
"Finally dumating na yung araw na pinaka hinihintay ko." Masayang sabi ni Meriza.
"Oo nga eh, tara na. Excited akong umuwi eh." Sabi naman ni Safina. Ako naman napatango nalang. Buti pa sila excited umuwi. Ang lungkot lang kasi na wala si Luis sa bahay ngayong Christmas break. Hindi namin alam kung saan yung condo niya pero sabi niya kay tita uuwi daw siya sa Christmas.
Paglabas namin ng gate ay nagulat nalang ako nang biglang tumakbo si Safina palapit sa isang lalaki na naghihintay sa pathway at niyakap niya ito. Teka? Si Roi yon ah?
Agad namin silang nilapitan ni Meriz. Boyfriend niya si Roi?
"Girls, boyfriend ko nga pala si Roi." Nakangiting sabi niya.
"Hi Lavinia, hi Meriza." Bati samin ni Roi.
"Hi?? Pero paano nangyari yon?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa call nalang ako magkwekwento. For now kailangan na muna naming umalis, bye girls ingat kayo." Nagmamadaling sabi niya at agad silang umalis. Napatingin naman ako kay Meriza na ngayon ay may ka-text sa cellphone niya. Siguro boyfriend din niya.
Oo nga pala? Ang tagal tagal na niyang may boyfriend pero hindi pa namin nakikilala.
"Oh ano? Iiwan mo din ako?" Tanong ko sa kanya, kaya naman tumigil siya sa pagce-cellphone.
"No! Sasamahan kita sa restaurant niyo. Diba pupunta ka ngayon don? Masarap tumambay ngayon don kasi diba kapag 4:00 PM unti palang tao don."
"Oo, gusto mo lang yata kumain eh, tara na nga." Sabi ko at agad kaming naglakad. Remember? Malapit lang sa school yung restaurant ni papa.
》》》》》
Pagpasok namin sa restaurant ni papa ay agad ko siyang nakita kasama niya sa isang table si Kyron. May kasama din silang babae at masaya silang nag-uusap. Siguro mother siya ni Kyron.
"Good afternoon papa, Good afternoon po." Bati ko nang makalapit na ako sa kanila. Si Meriza naman pumunta sa kitchen. For sure kukulitin niya si Kino.
"Good afternoon ija." Bati din niya sakin, ngumiti naman ako at agad na tumabi kay papa.
"Kumain na tayo?" Tanong ni papa.
"Dadalin kona po dito yung mga pag-kain." Sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni papa.
"Okay na anak, si Akino na bahala don. Pagpasensyahan mo na tong anak ko huh? Nasanay kasi na laging nagse-serve dito sa restaurant ko."
"Ano kaba, nakakatuwa nga yung anak mo eh. Totoo nga yung sinasabi ng Kyron ko. Napaka-bait at napaka-gandang bata niyang si Lavinia." Sabi nung mama ni Kyron.
"Ma naman wag mo akong ilaglag." Bulong niya, teka? Bulong nga ba yon? Eh rinig na rinig ko eh. Tumawa lang yung mama niya dahil sa naging reaction niya. Hindi siya makatingin ng straight sakin, siguro nahihiya siya.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss