Chapter 65: No More Rival?

69 7 8
                                    


Lavinia's POV

Ilang days na kami dito sa beach at puro activities lang yung ginagawa namin. Pero masaya naman kahit papano at the same time malungkot din, hindi nanaman kasi ako pinapansin ni Luis.

"Broken nanaman? Kung ako sayo kumain kana lang, eto barbeque oh." Agad akong napatingin kay Meriza at kinuha sa kanya yung barbeque.

"Hindi kaya! By the way ilang days nga ulit tayo dito?" Tanong ko kay Safina na ngayon ay tinutulungan si Meriza na mag-ihaw ng barbeque, habang ako naman kumakain sa harap nila.

"5 days, pang limang araw na natin ngayon. And ibinigay ng mga teachers yung last day natin para mag-enjoy." Sagot ni Safina sa tanong ko.

"Huh? Talaga?" Gulat na sabi ko, tumango naman sila.

Ang tanga ko, kaya pala wala kaming mga activities ngayon kasi day namin to para mag-enjoy. Kanina pa kami walang ginagawa pero ngayon ko lang naisipang magtanong sa kanila.

"Pa-join kami ah? Okay lang ba Lavinia?" Agad akong napatingin sa nagtanong. Si Roi lang naman, ang boyfriend ni Safina at kasama pa niya si Wency which is boyfriend naman ni Meriza.

Wow?! So ano to? Pinapamukha ba talaga nila sakin na single ako?

Pero bakit hindi nila kasama si Luis?

"May hinahanap ka?"

"Wala kaya, sino namang hahanapin ko." Sagot ko sa mapang-asar na tanong ni Wency.

"Sus, nagde-deny pa!" Singit naman ni Meriza.

Eh kung pag-untigin ko kaya yung mag-jowa nato?

"Hindi nga kasi! Bahala nga kayo diyan." Inis na sabi ko at nag-walk out.

"6:30 PM na, bumalik ka bago mag 7:00 ah?! Kakain tayong dinner!" Rinig kong sigaw sakin ni Safina. Nag-thumbs up lang ako nang hindi tumitingin sa kanila at agad akong pumunta sa gilid ng dagat at umupo sa maputing buhangin ng beach.

Hinahanap ko naman talaga si Luis eh. And hindi ako galit sa kanila, nag-walk out ako para makatakas sa mga couple na yon, babalik nalang ako kapag 7:00 na para sa dinner.

Napa-pikit nalang ako nang biglang humangin ng malakas. Ang ganda siguro kung pumunta ako dito before mag-sunset. Puro dilim nalang kasi nakikita ko ngayon, pero still ang ganda pa rin nung dagat kahit gabi na.

"Luis! Let's go there!" Agad akong napa-dilat at nagtago sa malaking bato malapit sakin nang marinig kong may tumawag sa pangalan ni Luis, plus kilala ko kung kaninong boses yon.

Sumilip ako ng konti para maka-sigurado ako na si Mika nga yung narinig ko.

At tama nga ako, naglalakad sila papalapit sa pwesto ko.

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ni Luis nang maka-rating na sila ni Mika malapit dito sa malaking bato na pinagtataguan ko.

Nagulat na lang ako nang bilang yakapin ni Mika ng sobrang higpit si Luis. Walang naging reaction si Luis sa ginawa niya, cold lang siyang nakatingin sa malayo.

"Luis, I know na alam mong gustong gusto kita, no! Mahal na kita Luis and I know din na same lang tayo ng nararamdaman para sa isat-isa. So tonight, gusto kong marinig mula sayo na gusto mo talaga ako." Sabi ni Mika habang nakayakap pa rin siya kay Luis. Hindi nag-respond si Luis kaya dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap niya at nakita kong nang-gigilid na yung mga luha niya.

"Why? You don't love me? You don't like me?"

"Sorry, I don't." Maikling sagot ni Luis sa tanong ni Mika, at nagsimula na nga siyang umiyak.

"But why?! Please Luis love me back! Maganda naman ako, matalino naman ako, sexy at mayaman ako and I can give you everything you want! Everything you need! So please love me! Mahalin mo din ako gaya nang pagmamahal na ibinibigay ko sayo." Umiiyak na sabi ni Mika at hahalikan niya sana si Luis pero agad siyang pinigilan nito.

"Stop it Mika, I can't. Wag mo nang ipilit yung sarili mo sakin, kaibigan lang ang turing ko sayo. You're like a sister to me." Cold na sabi ni Luis na lalong nagpa-iyak kay Mika.

"But why Luis?! Why can't you kiss me? Bakit kapatid yung turing mo sakin? Tell me! Sabihin mo sakin kung bakit? Hindi ba ako maganda? O dahil may iba kang gusto?"

"You're right! May iba akong gusto."

Napa-kapit na lang ako ng madiin sa bato nang sabihin yon ni Luis. Sino kaya yung gusto niya?

"So wh-who's the lucky gi-girl?" Naka-yukong tanong ni Mika. Hindi ko man makita yung reaction niya pero alam kong nasaktan siya ng sobra dahil sa tono ng pananalita niya.

"11 months ago I kissed a girl. That girl changed my life so much. I didn't expect na magkakagusto ako sa kanya. You don't need to know who she is, I'm in love with that weirdo girl. So please stop loving me cause my heart is already taken by that girl."

Hindi ako pwedeng magka-mali, akong ako yung tinutukoy ni Luis.

Totoo ba to? Please God wake me up kung panaginip lang to.

"So that's the reason why you can't love me back or even kiss me. Sorry Luis, sorry sa pag-assume na gusto mo din ako, I'm so sorry, bye." Matapos sabihin ni Mika yon ay agad siyang umalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag kasi akala ko aalis na din si Luis pero hindi pa pala.

"Lumabas ka na, I know na kanina ka pa nandito."

Napa-ngiti na lang ako ng awkward at agad na nag-peace sign sa kanya nang lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

Ang cold ng tingin niya sakin kaya agad kong ibinaba yung kamay ko na naka-peace sign.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya na makinig sa usapan niyo at tsaka totoo ba lahat ng sinabi mo kay Mika?"

"Sinabi ko lang yon dahil wala akong ibang maisip na idahilan para tigilan na niya ako, so don't assume anything, okay? Let's go." And without letting me say anything, hinitak niya ako agad pabalik sa cottage namin. Dahil magkakasama nga yung mga kaibigan niya at kaibigan ko at kailangan naming kumain kasama ang dalawang couple.

***

A/N

So kamusta naman po kayo? Actually dapat kagabi kopa ito nai-publish kaya lang nawalan ng kuryente due to heavy rain and strong wind, keep safe everyone, grabe sunod sunod yung bagyo 😢

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon