Chapter 50: A Sweet Soft Kiss from an Angel

74 12 2
                                    


Luis's POV

Agad akong nagising nang biglang nag-ring yung phone ko. Agad kong sinagot yung tawag nang hindi tinitingnan kung sino yung tumatawag sakin.

"Hello?" Inaantok na sabi ko habang nakapikit pa.

"Anak! Nasan ka? Nasa hospital kana ba? Ano nang lagay ng kapatid mo? Hindi ko kasi ma-contact si Lavinia." - Mama.

Nang marinig ko yung boses ni mama ay agad akong napabangon at tumingin sa orasan.

8:43 AM na, baka mamaya wala si Lavinia sa hospital.

"On the way na ako ma, bye ingat." Sabi ko nalang kahit ang totoo naghahanap palang ako ng isusuot ko. Agad kong in-end yung call. For sure kapag sinabi kong wala pa ako sa hospital lalong mag-aalala yon.

Nang makahanap na ako ng susuotin ay agad akong lumabas ng kwarto. Pupunta na sana ako sa cr nang makita ko yung coffee maker na nakalagay sa table at may nakalagay na sticky note.

"Good morning Luis, alam kong sobrang puyat at pagod ka din kagaya ko. Iinit mo nalang yung coffee dahil alam kong malamig nayan paggising mo. Don't worry kukuha lang ako ng damit ni Jelo sa bahay at agad ko siyang pupuntahan sa hospital, ako ang magbabantay sa kanya. - Lavinia."

Pagkatapos kong mabasa yung note niya ay agad kong ininit yung coffee na gawa niya. Hindi na ako magrereklamo dahil alam kong masarap naman talaga siyang gumawa ng coffee.

Nang mainit ko na yung coffee ay agad akong naglagay sa mug at uminom. Bigla nalang akong napangiti dahil sa lasa ng coffee, hindi nagbago yung lasa, ganitong ganito yung unang timpla niya ng coffee para sakin which is yung time na tinulungan ko siya sa pagre-review niya.

♡¤♡¤♡¤

Pagpasok ko sa hospital ay agad na napatingin sakin yung mga tao, hindi naman lahat pero karamihan puro babae.

"Uy ang gwapo, sino kaya dadalawin niya?" - Nurse 1

"Oo nga, ang gwapo niya. Kung ganyang ka gwapo ang makikita ko sa araw-araw baka ganahan akong magtrabaho." - Nurse 2

"Ang landi niyo, back to work nga! Kita niyong may flowers na hawak diba? Ibig sabihin may girlfriend yan na dadalawin." Sabi naman nung isang nurse na nakarinig sa pag-uusap ng dalawa pang nurse. Siya yata si nurse Anne, yon ang pagkakaalam ko.

Nang umalis na yung dalawang nurse ay agad na lumapit sakin si nurse Anne na may dalang tray ng pag-kain.

"Good morning sir Luis, nilipat po pala namin ng room si Jelo kaninang madaling araw samahan ko na po kayo. Doon din po kasi yung punta ko." Sabi niya kaya naman tumango ako.

Pagdating namin sa room ni Jelo ay agad na bumungad sakin si Lavinia na natutulog habang naka-upo at naka dukdok ang mukha sa gilid ng kama ni Jelo. Si nurse Anne naman agad na inilapag yung pag-kain sa side table.

"Sir, ito ang breakfast ni Jelo. Paki tawag nalang po ako kapag naka-kain na siya dahil kukuhanan po siya ulit ng dugo ng aming medtech para i-check ang platelets niya." Sabi niya. Tumango nalang ako at lumapit kay Lavinia at tsaka ako umupo sa gilid ng kama, kung saan siya nakadukdok at ibinaba yung bouquet na dala ko. Hindi ko ba alam kung bakit ako bumili nito.

"By the way sir, sobrang bait ng girlfriend niyo. Sobrang aga niyang nandito sa hospital para asikasuhin yung kapatid mo, kaya ayan nakatulog sa sobrang pagod, bagay na bagay po kayo." Sabi niya bago siya umalis, napa-ngisi nalang ako at napatingin ulit kay Lavinia na hanggang ngayon ay tulog na tulog parin.

Hindi ko alam pero para akong na hypnotized nung tumingin ako sa mga labi niya. Dahan dahan kong inilapit yung mukha ko sa mukha niya, hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang hinalikan nang walang dahilan.

Pagkatapos ko siyang halikan ay nagulat nalang ako nang bigla kong makita si Jelo na gising at gulat na gulat siya sa nakita niya, nakita niya yung ginawa ko.

"Kuya bakit mo hina-." Agad akong ngumiti at sinenyasan ko siya na wag siyang maingay kaya hindi na niya tinuloy yung sinasabi niya.

"Kainin mo to, kapag gising na si Lavinia ibigay mo sa kanya yung flowers, okay? Ikaw nang bahala mag-dahilan kung saan galing yan." Sabi ko at ginulo ko yung buhok niya. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at agad akong lumabas. Alam ko naman kasing gagawin niya yon, sobrang laki ng tiwala ko kay Jelo.

☆◇☆◇☆◇

Lavinia's POV

"OMG SECOND KISS!" Sigaw ko nang magising ako. Hyssst panaginip lang pala, akala ko pa naman totoo na may second kiss na kami ni Luis.

Nagulat nalang ako nang makita ko si Jelo na gising na at sobrang sama ng tingin niya sakin.

"Hala? Sorry nagising ba kita?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk, para sayo." Sabi niya sabay turo sa flowers na nasa paanan niya. Agad ko namang kinuha yung flowers pero wala man lang note na nakalagay.

"Kanino galing?" Tanong ko.

"Kay mint chocolate chip ice cream." Sagot niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, mukhang alam ko na kung sino ang nag bigay nito.

Si Kyron, ang sweet talaga nung lalakeng yon.

"Ang haba naman ng tawag mo sa kanya, Kyron ang name niya." Natatawang sabi ko pero inirapan niya lang ako. Tsk bakla yata tong si Jelo eh, irap nang irap manang mana sa kuya niya.

"Teka? Yung kuya mo nag-punta na ba siya dito?" Tanong ko sa kanya at napatayo ako sa pagkaka-upo ko.

"Kanina pa." Masungit na sabi niya.

"Bakit hindi niya ako ginising?" Sayang, for sure paglabas ni Jelo dito sa hospital hindi ko na ulit siya makikita pero at least alam ko na kung saan yung condo niya.

"Malay ko." Sabi niya at nagtalukbong ng kumot. Tsk kung hindi lang siya bata at kung wala lang siyang sakit baka nasapok ko na siya. Tumango tango nalang ako at agad na chineck yung phone ko, wala man lang signal sa hospital nato. Nasaan na kaya sila papa? Sana safe silang makabalik dito.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon