Chapter 66: Did he Confess?

73 10 4
                                    


Safina's POV

"Dali na babe, subuan mo ulit ako. Mas ginaganahan akong kumain eh." Pangungulit sakin ni Roi at ngumanga siya sa harap ko with matching pikit pa ah. Napa-irap naman ako at isinubo ko sa kanya yung inihaw na squid, agad naman siyang napa-dilat at iniluwa yon.

Hindi kasi siya mahilig sa squid.

"Babe naman?!" Naka-ngusong sabi niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Lavinia at Luis.

Agad naman akong napatingin sa naka-hawak na kamay ni Luis sa wrist ni Lavinia kaya agad binitawan ni Luis si Lavinia nang mapansin niyang lahat kami nakatingin sa kamay nila.

Hindi sila nagsasalita at nakatayo lang sila sa harap namin.

So ano yon? Wala silang balak na kumain? Tititigan lang nila kami, ganon?

"Bakit ang tagal niyo? Ang takaw pa naman ni Wency, mauubos na niya yung pag-kain." Biglang sabi ni Meriza. Siguro naramdaman niya na parang awkward na kaya siguro nagsalita na siya.

"Oo nga, kumain na nga kayo. Kung hindi uubusin ko na lahat to." Sabi pa ni Wency, kaya agad na umupo yung dalawa sa harapan namin at tahimik na kumain.

"Awkward, ano kayang nangyari sa dalawang yan?" Bulong sakin ni Roi. Napansin din pala niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ko na yung pag-kain ko. Hindi pa ako nabubusog dahil itong bakulaw kong boyfriend pasubo nang pasubo, feeling baby.

◇°••°◇°••°◇

Lavinia's POV

Nang matapos na kaming kumain ay agad kong chineck yung oras. 8:26 PM na, ilang oras na lang aalis na kami dito.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Papasok na sana ako sa loob ng cottage namin nang biglang dumating yung president namin sa room kasama niya si Ren. Ang alam ko, vice president si Ren ng section nila Luis.

"Guys? Matutulog na kayo? Nag-decide kasi kami ni Ren na pagsamahin yung section nila at section natin. Magtu-truth or dare lang naman tayo doon sa gitna ng buhangin. Hindi naman tayo complete so baka nasa twenty plus lang tayo." Sabi nung president namin na si Mina.

"Sumunod na lang kayo kapag gusto niyo ah? Luis? Roi? Wency? Sunod kayo ah." Sabi ni Ren at agad silang umalis. Nagkatinginan naman kami nila Meriza.

"Go ako. Ikaw babe?" Tanong ni Roi kay Safina.

"Go din ako, kaya go din kayo! Tara na!" Sabi ni Safina at agad silang umalis ni Roi. Sinundan naman sila nila Wency at Meriza.

Kaya naiwan kaming dalawa ni Luis na nakatayo dito sa labas ng cottage.

"Let's go." Matipid na sabi niya at naglakad na. Napabuntong hininga nalang ako at agad na naglakad para masabayan ko siya.

Pag dating namin sa pwesto nila ay agad silang nagbigay ng space para maka-upo kami ni Luis. Kaya agad akong tumabi kay Meriza, si Luis naman katabi niya si Ren.

"So lahat naman siguro kayo alam na ang game na truth or dare. Basta bawal maduga ah? Kung ano yung itinanong sayo sagutin mo ng totoo, kung ano yung dare sayo gawin mo. So without further ado, simulan na natin to." Pagkasabi non ni Ren ay agad niyang pina-ikot yung bottle na kanina pa niya hawak at tumapat ito kay Roi.

"Truth or dare?" Tanong ni Ren sa kay Roi. Since siya ang nagpa-ikot ng bottle.

"Truth." Matapang na sabi naman ni Roi.

"Bukod kay Safina. Sino dito sa mga kasama nating babae ang nagagandahan ka?"

Agad namang napatingin si Roi kay Safina. Tumango si Safina kaya tiningnan ni Roi yung mga kasama naming babae.

Kilig na kilig sila dahil tiningnan sila ni Roi.

"Actually dalawa yung nagagandahan ko dito." Sabi niya, agad namang kumunot ang noo ni Safina.

"Syempre si Lavinia at Meriza." Dugtong niya. Agad namang napa-ngiti si Safina at hinampas niya ng pabiro si Roi.

Hysst? Ang sweet nila? Hindi ko ma-imagine na mararamdaman ko yung kilig na nararamdaman ng mga kaibigan ko ngayon.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalaro ng truth or dare hanggang sa makaramdam ako ng antok.

"Yes! Sakto!" Dahil sa sigaw ni Wency ay nawala yung antok ko. Pano ba naman kasi siya yung nag-spin ng bottle at tumapat ito kay Luis kaya automatic na si Wency ang mag tatanong sa kanya.

"Truth or dare?" Excited na tanong niya kay Luis.

"Dare." Sagot naman ni Luis.

Bigla namang nag-smirk si Wency.

"Tabihan mo at makipag-holding hands ka sa babaeng gusto mo hanggang sa matapos yung game natin. Umikot ka lang sa circle natin at hintuan mo yung babaeng gusto mo."

Dahil sa dare ni Wency ay agad akong kinabahan. Nandito kaya yung babaeng gusto ni Luis?

Agad na tumayo si Luis at tumingin muna siya samin bago umikot sa circle. Napa-yuko na lang ako at pinaglaruan yung daliri ko. Handa na akong masaktan. Nandito yung babaeng gusto niya, napaka swerte ng babae na yon.

"Yieeeeeeeee!!" Rinig kong sigaw nila. So may gusto nga si Luis dito? Sino?

Dahil sa curiousity ko ay agad akong tumingin sa kanila, pero hindi ko nakita si Luis. Nasan siya?

Nagulat na lang ako nang biglang dumasog si Meriza palayo sakin at mas lalo akong nagulat nang biglang umupo si Luis sa tabi ko at inilahad niya yung kamay niya sakin.

At dahil sobrang shock ako hindi ko alam yung gagawin ko.

"Hawakan mo na! Hawakan mo na! Hawakan mo na! Hawakan mo na!" Sigaw nila. Agad naman akong napatingin sa paligid ko at nakita ko si Mika na nakatingin sakin. Ngumiti siya kaya dahan dahan kong ipinatong yung mga palad ko sa kamay ni Luis at nag-holding hands na nga kami. Kasunod non ang malakas na sigawan at pangtutukso ng mga schoolmates namin sa aming dalawa ni Luis. Agad naman silang huminto nang umawat na si Ren.

"So eto last na. Ako na mags-spin para naman ma-enjoy ni Luis yung dare niya." Mapang-asar na sabi ni Mina sabay spin sa bottle at tumapat ito kay Mika.

"Truth." Agad na sabi ni Mika kahit hindi pa naman siya pinapapili ni Mina.

"Mika, alam ng lahat na sobrang talino at ganda mo at alam din namin na halos lahat ng lalake sa university natin ay may gusto sayo. Pero curious lang kami Mika. Have you ever experienced being rejected?" Agad akong napatingin kay Mika dahil sa tanong ni Mina. Ngumiti siya ng pilit bago magsalita.

"Me? Being rejected?" Huminto siya sa pagsasalita at tumawa siya. Pero mahahalata mo agad na fake lang yung tawa niya.

"I can't imagine myself being rejected. Nakakahiya mang sabihin... but yes, I already experienced that. May nan-reject na sakin. And quess what? Kanina lang yon nangyari. But I'm happy for him. I'm sorry, I have to leave!" Sabi niya at kasabay non ang pagtulo ng mga luha mula sa mata niya. Agad siyang tumayo at umalis, naiwan naman kaming tahimik at speechless dahil sa nangyari.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon