Chapter 37: Kyron Monterde

71 11 1
                                    


Lavinia's POV

Hindi ako makagalaw dahil sa position namin, nakahawak siya sa likod ko at nakahawak naman ako sa batok niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nakatitig lang siya sakin, yung para bang naka-super glue yung mga mata niya sa akin.

"Ehemmm!" Nagulat nalang ako nang biglang may umubo, at mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino yon, agad akong napabitaw kay Mr. Arrogant slash Mr. Pervert at inayos yung damit ko.

"Luis mali ka ng iniisi-."

"I don't care, sana kasi hindi kayo humaharang sa hallway." Walang emosiyon na sabi niya. Okay? Medyo pahiya ako don ah.

Aalis na sana si Luis nang biglang magsalita si Mr. Arrogant.

"Easy ka lang bro, galingan mo mamaya ah?" Mayabang na sabi niya, nagsmirk lang si Luis at agad na umalis.

"Magkakilala kayo?" Out of nowhere na tanong ko, kaya naman nabaling yung tingin niya sakin.

"Bakit gusto mong malaman?" Mapang-asar na sabi niya.

"Tsk wala, diyan kana nga." Sabi ko at agad na naglakad palayo sa kanya, baka kasi kapag nagtagal pa ako don eh masapak kona siya.

"I'm Kyron Monterde, Ms. Nice butt. What's your name?" Sigaw niya pero hindi kona siya pinansin.

Pagdating ko sa gym ay agad ko silang hinanap, sobrang dami ng tao dito sa gym. Marami kasing out sider ngayon, buti nalang pinauna kona sila Safina kanina.

"Buti bumalik ka pa, ano bang ginawa mo?" Tanong sakin ni Safina nang maka-upo na ako sa tabi nila.

Hala? Oo nga pala hindi ko nakuha sa bwisit na lalake nayon yung bracelet ko, ano nga ulit name niya? Karon? Carron? Kyron?

Napatigil nalang ako sa mga iniisip ko nang biglang magtilian yung mga babae dito sa gym.

"Omg ang gwapo ni Kyron!" Kinikilig na sabi ni Meriza kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Sino diyan si Kyron?" Tanong naman ni Safina kaya agad itinuro ni Meriza kay Safina si Kyron na ngayon ay inaayos yung sintas ng sapatos niya at ang tapang nang hiya niya, suot suot parin niya yung bracelet ko hanggang ngayon.

"Ayon oh! Yung lalakeng matangkad na gwapo. Ang hot niya diba? Ang cool pa at the same time."

Tsk? Naririnig ba ni Meriza yung sinasabi niya? Si Kyron cool at hot? Sa bagay sobrang hangin nga pala nung Kyron nayan.

"Feeling ko nakita kona siya somewhere, pero hindi ko matandaan." Sabi ni Safina habang tinititigang mabuti si Kyron.

Magsasalita na sana ako nang biglang nagtilian na naman yung mga babae dito sa gym, dumating na kasi si Luis at yung mga ka-team niya. So sila pala magkalaban ngayon? Kaya siguro kilala ni Kyron si Luis.

"Ang gwapo talaga ni Roi." Biglang sabi ni Safina kaya agad kaming napatingin ni Meriza sa kanya.

"Wow? Kailan ka pa naging ganyan?" Tanong ko kay Safina. Hindi niya nasagot yung tanong ko dahil nag-ingay nanaman yung mga tao.

10:30 AM mahigit na kasi kaya agad na nag-start yung game. Laging tie yung score nila, nauuna nga lang maka-score yung group nila Kyron. Hindi ko alam pero feeling ko silang dalawa lang yung naglalaro. Pano ba naman kasi halos si Luis at Kyron lang yung nakaka-score.

"Na fe-feel niyo din ba?" Tanong ni Meriza.

"Ang ano?" Sabay na tanong namin ni Safina.

"The tension between Luis and Kyron. Everytime na magkakadikit sila feeling ko gusto na nilang magsuntukan."

"Oo nga, feel ko din. Masyadong mainit ang laban." Pagsang-ayon naman ni Safina sa sinabi ni Meriza. Ako naman nakikinig at patango-tango lang ako dito habang naka-focus ang tingin sa mga naglalaro nang biglang tumingin si Kyron sakin at kinindatan na naman niya ako.

"Oh my gosh! Nakita niyo ba yon? Tumingin sakin si Kyron tapos nag-wink siya sakin." Kinikilig na sabi nung babae sa likod ko, napa-irap naman ako bigla. Ang delusional kasi ni ate, duleng ba siya at feeling niya sa kanya talaga nakatingin yung bwisit na lalakeng yon.

"Ang swerte niya, nakaka-inggit." Bulong sakin ni Meriza. Napatango nalang ako sa sinabi niya at nagfocus nalang sa panonood.

***

Malapit nang matapos yung game at sobrang kinakabahan ako, yung score kasi ng magkabilang group halos dikit lang.

Napabuntong hinga nalang ako nang biglang mag-vibrate yung phone ko, tumatawag si papa.

"Sagutin ko lang tawag ni papa." Sabi ko sa mga kaibigan ko, tinanguan lang nila ako kaya agad akong lumabas ng gym at sinagot yung tawag ni papa.

"Hello pa?"

"Anak, pwede bang maaga kang umuwi ngayon?" -Papa.

"Sige po pa, maaga po akong uuwi, since intrams lang naman po eh."

"Sige anak, kumain ka ng lunch ah, ingat." -Papa.

Pagkasabi ni papa non ay agad kong in-end yung call. Pagpasok ko sa loob ng gym ay napahinto ako sa gilid, halos mabinge kasi ako dahil sa mga sigawan tapos ang gugulo pa nila.

Tapos na yung game? Sinong nanalo?

Hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko since marami naman nang umaalis at tsaka nakita ko din kasi na umaalis na sila Meriza sa seats nila.

"Lavinia, bakit ang tagal mo? Natalo sila Roi." Malungkot na sabi ni Safina nang makalapit sila sakin.

"Ano? Bakit? Pano?" Tanong ko.

"Nagtaka ka pa, eh halos dikit nga yung score nila diba? At tsaka nung malapit nang maubos yung time napunta yung bola sa team nila Kyron at naka-score sila. At tsaka magaling si Kyron kaya hindi malabo na manalo sila."

Kokontrahin kona sana yung mga sinabi ni Meriza nang biglang lumapit samin si Kyron kaya napakapit si Meriza nang sobrang higpit sakin, kilig na kilig siya.

"Thanks sa bracelet mo ah, lucky charm yata to eh. Akin nalang to Ms. Nice butt ah." Natatawang sabi niya, eh kung upakan ko kaya siya?

"Sayo na, hindi kona kailangan yan! And for your information Mr. Pervert, I mean Kyron, may name po ako." Masungit na sabi ko sa kanya.

"How can I call you by your name if I don't know your name?" Natatawang sabi niya at tinaasan pa niya ako ng kilay. Hay nako naiinis na talaga ako sa kanya.

"Lavinia, Lavinia Kleus yung name niya, ang ganda diba?" Singit ni Safina. Napangiti naman si Kyron at tumango.

"Now I know, see you Ms. Nice butt, I mean Lavinia." Sabi niya at umalis na, nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Meriza yung balikat ko.

"Ms. kleus marami kang kailangan i-explain sakin, let's go kumain na tayo ng lunch." Sabi ni Meriza at nagsimula nang maglakad kaya agad ko siyang sinundan pero agad kaming napahinto dahil kay Safina.

"Sorry guys hindi ako makakasabay sa inyong mag-lunch, kita nalang tayo mamaya bye!" Nagmamadaling sabi niya at agad na umalis.

Nakakapagtaka na talaga yung babaeng yon, lagi nalang kaming iniiwan.

"Vinia tara na! Don't tell me balak mo din akong iwan?"

"Sira! Hindi noh! Tara na nga." Sabi ko sa kanya at agad kaming umalis.

Gusto ko sanang i-check si Luis pero hindi kona siya makita sa gym at tsaka ayoko namang iwanan si Meriza.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon