Lavinia's POV"Tara? Stalk?" Nakangiting sabi ko sa kanya sabay pakita ng dalawang ticket at popcorn na hawak ko, agad naman siyang napangiti at hinitak na ako papasok sa sinehan.
Pagpasok namin sa loob ay agad naming nakita sila Luis at Mika. Buti nalang wala pang naka-upo sa likod nila kaya agad kaming umupo ni Warren don. Naka buhay pa yung ilaw kaya ginawa kong pang harang sa mukha ko yung popcorn, mahirap na baka makita pa nila kami.
"Pano kapag nahuli nila tayo?" Bulong ko kay Warren.
"Eh di sabihin natin nagda-date din tayo yon naman yung alam nila diba? Na may something tayo." Sagot niya sa sinabi ko, tumango nalang ako at tiningnan sila. Tsk hindi pa man nagsisimula yung movie pero todo kapit na si Mika sa braso ni Luis, nakakainis talaga siya, nakakarami na siya, talong talo na ako.
Nag-start na yung movie at hindi ko alam kung saan ako magfo-focus, sa movie ba? o kila Luis? sobrang arte naman kasi ni Mika. Parang gusto na yata niyang tanggalin yung braso ni Luis at iuwi, kapit nang kapit daig pa yung linta.
"Luis, ang ginaw pala dito noh?" Rinig kong sabi niya kay Luis, natawa nalang ako dahil tinanguan lang siya ni Luis. Akala siguro niya aakbayan siya ni Luis kapag sinabi niya yon, sorry nalang siya, dakilang cold hearted kaya yung taong yon.
Napatakip nalang ako ng mukha ko nang biglang tumingin samin si Mika, siguro narinig niya yung tawa ko.
"Babe maman eh, aakbayan lang naman kita ano bang nakakatawa don?" Biglang sabi ni Warren, napakunot naman ako ng noo at tumingin sa kanya, pinanlakihan niya ako ng mata kaya napatango naman ako.
"Babe kasi, may kiliti ako sa balikat, tsaka ang init-init kaya." Medyo malakas na sabi ko, yung sapat lang para marinig ni Mika.
Sinilip ko ng konti si Mika para makita yung reaction niya. Umirap lang siya at nakasimangot na humarap sa malaking screen ng sinehan. Naiinggit siguro siya, hindi man lang kasi siya pinapansin ni Luis, matatawag bang date yon? Hahaha.
"Ahhhhh!" Sigaw ni Mika at yumakap kay Luis. Hindi ko alam pero automatic na gumalaw yung kamay ko, tinapunan ko lang naman siya ng popcorn.
"Opssss! Sorry." Natatawang sabi ko.
Tumingin lang siya at umirap habang pinapagpag yung damit niya.
"Tsk, kainis panira." Rinig kong sabi niya. Bagay lang sa kanya yon. Ang oa kasi hindi naman nakakatakot yung multo sa movie tapos kung makatili at makayakap kay Luis parang kinakatay na ewan.
"Galing mo don ah." Bulong ni Warren at nakipag-high five sakin.
***
Natapos na yung movie at ngayon nandito kami sa Jollibee kumakain, akala ko pa naman kasi uuwi na sila Luisbdahil malapit nang mag-dilim ang kalangitan pero hindi pa pala. Kaya eto kami ngayon ni Warreb, nakasunod parin sa kanila. Syempre medyo lumayo kami ng upuan sa kanila para hindi nila kami makita.
Hindi pa nauubos yung pag-kain namin ni Warren nang biglang tumayo si Luis at agad naman siyang sinundan ni Mika.
Hala? Aalis na sila? Bakit ang bilis?
Agad kong minadali yung kinakain kong spaghetti at uminom ng soft drinks, sana naman umuwi na sila.
"Tara na." Sabi ko kay Warren at hinitak ko siya.
"Teka lang, sayang yung burger ko." Reklamo niya, hindi ko siya pinansin at nag-focus nalang kila Luis. Shemay? Hindi pa sila uuwi.
"Anong gagawin nila sa luxury shop?" Tanong ni Warreb nang pumasok sila Luis sa isang luxury shop.
"Hindi kaya bibilhan ni Luis ng singsing si Mika?" Out of nowhere na sabi ko kaya pinitik ni Warren yung noo ko.
"Aray! Bakit? Hindi naman malabong mangyari yon, sa tingin mo magda-date sila kung walang something sa kanila?" Sabi ko at umirap.
"I don't think so! Let's find out." Sabi niya at this time siya naman yung humihihitak sakin.
Pagdating namin sa luxury shop ay agad namin silang nakita, hindi na kami pumasok sa loob since medyo maliit tong luxury shop at possible na magkita kami kaya dito nalang kami sa labas, kita naman sila eh.
"Look at this Luis, sa tingin mo ba bagay sakin to?" Tanong ni Mika habang pinapakita niya kay Luis yung hawak niyang ring. Tsk nakalunok ba siya ng mike at hanggang dito sa labas rinig yung pabebe niyang boses?
"Oo naman, kahit anong ring naman magandang tingnan basta ikaw ang magsusuot." Nakangiting sagot naman ni Luis sa kanya. Teka? Nakikipag-flirt ba siya kay Mika?
"Oh really? Gusto mo ba akong tulungan na isuot to?" Tanong pa ni Mika kay Luis, tumango naman siya at kinuha yung singsing at isinuot ito kay Mika. What the heck? Singsing nalang kailangan may katulong pa sa pag-suot? Napaka-arte talaga.
"See? Bagay na bagay sayo." Sabi ni Luis matapos niyang masuot sa daliri Mika yung singsing.
"I knew it Luis! Maganda at mataas talaga ang standards mo pagdating sa mga babae, so I gues-."
Hindi ko na alam yung sunod na sinabi ni Mika dahil nag-walk out na ako. Oa na kung oa pero masakit para sakin yon, masakit para sakin na makita si Luis na may ibang babaeng kasama at ang worst don, gusto niya yung babaeng kasama niya.
"Lavinia? Saan ka pupunta?" Rinig kong sabi ni Warren, sinundan pala niya ako hanggang dito sa labas ng mall.
"Sorry pero uuwi na ako, hindi ko na kaya yung mga naki-."
Muntik na akong tumilapon nang may mabunggo akong malaking lalake, buti nalang nasa likod ko si Warren kaya nasalo niya ako.
"Kuya sorry po, hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng sorry sa lalake, tumapon kasi sa damit niya yung iniinom niyang coffee.
"Tsk! Ang tanga kasi eh! Tingnan mo ginawa mo sa damit ko! May date pa ako ngayon." Sigaw niya sakin at feel na feel ko yung galit niya dahil yuping yupi na yung hawak niyang naka-can na coffee, which is yung tumapon sa damit niya.
"Ku-kuya, Pasensya na po talaga, babayaran ko nalang po." Nakayukong sabi ko, agad naman akong napa-angat ng ulo nang ibalibag niya yung kawawang can na niyupi yupi niya.
"Sa tingin mo mababayaran mo to?! Mas mahal pa sa buhay mo to." Galit na sigaw niya sakin.
Hinawakan naman ni Warren yung balikat ko at pinunta ako sa likod niya.
"Sir, baka naman pwede nating pag-usa-" Hindi na natapos ni Warren yung sinasabi niya dahil tinulak siya nung lalake.
"Wag kang makiki-elam dito!" Sigaw niya.
"Ahh alam ko na kung pano ka makakabayad, sumama ka sakin." Dagdag pa niya. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan yung wrist ko at pilit akong hinitak.
"Kuya, ayoko po!" Naiiyak na sabi ko, at dahil sa hindi ko na alam kung anong gagawin ko, kinagat ko nalang yung kamay niya dahilan para mabitawan niya ako at yon din ang dahilan para magalit siya lalo sakin.
Napapikit nalang ako nang makita ko yung kamay niya, sasampalin niya ako.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss