Lavinia's POV4:00 PM mahigit na, actually kanina pa dapat 3:00 yung uwian namin kaya lang nagpatulong pa ako sa mga kaibigan ko mag-isip kung ano yung kakantahin ko.
"Tara sa mall? Para mapag-usapan na natin kung ano ba talaga yung kakantahin ni Vinia para sa audition bukas, 1 minute lang naman pala kailangan eh." Aya ni Safina samin.
"Pass muna ako diyan, nagtitipid ako ngayon. Sabi ni papa kapag naubos ko agad yung allowance ko within one week hindi na niya ako bibigayan." Pagtanggi naman ni Meriza sa sinabi ni Safina.
"Girl kasalanan mo yan! Ang gastos gastos mo kasi eh, matuto ka ngang magtipid! Hindi sa halip na pupunta tayo ng mall eh kailangan mo nang bumili ng kung ano-ano." Napairap nalang si Meriza sa sinabi ni Safina.
"Eh kung nagtitipid ka naman pala, doon nalang tayo sa restaurant ni papa at least doon libre, diba? Tapos tahimik pa, makakapag-isip tayo ng tama." Suggestion ko, hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko kapag hindi ko sila kasama.
"Napakagandang suggestion niyan Vinia, tara na gutom na gutom na kami ni Safina at miss na miss kona yung luto ni tito." Na e-excite na sabi ni Meriza at hinitak na nila ako ni Safina, walking distance lang naman kasi yung restaurant ni papa mula dito sa school.
***
"Papa, kakain po kami dito ngayon." Nakangiting sabi ko nang makita ko si papa, nandito na kasi kami sa restaurant, medyo maraming tao kasi maaga pa naman.
"Sige umupo na kayo diyan at ipapagawa kona yung favorite niyong tatlo." Sabi ni papa kaya agad kaming naghanap ng mauupuan namin, umupo kami sa dulo para medyo malayo sa ibang customer.
"The best talaga si tito noh? Lahat ng gusto mo naibibigay niya." Dahil sa sinabi ni Meriza ay agad kaming napatingin ni Safina sa kanya.
"Girl? Anong drama yan!" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Wala lang, naisip ko lang na sobrang higpit na sakin ni daddy simula nung mabuntis si ate. Tapos lagi pang mainit yung ulo niya, buti nalang maaga pa kaya hindi siya nagte-text or tumatawag para pauwiin na ako." Dahil sa sinabi ni Meriza ay natahimik kaming dalawa ni Safina.
Ilang seconds na din kaming nakatahimik at pinapakiramdaman yung isat-isa, kaya nag-decide na akong basagin yung katahimikan namin.
"It's alright Meriza, iniingatan ka lang ng daddy mo. At least hindi ka niya pinagbabawalan na sumama samin, diba?"
"Oo nga, sundin mo nalang si tito, para sayo din namam yan." Pagsang-ayon ni Safina sa sinabi ko.
Hindi na nakapag-salita pa si Meriza nang dumating na yung mga pag-kain namin.
"Teka? Bakit yung rice ni Vinia punong puno?" Reklamo ni Safina.
"Kasi para sa special na tao lang yan." Nang marinig ko ang boses nung mag serve ng pagkain namin ay agad akong napatingin sa kanya.
"Kino?!" Gulat at sabay-sabay na sabi naming tatlo, ngumiti naman siya at tumabi sakin.
"My loves kumain ka ng marami, ako nagluto niyan, kaya sobrang sarap niyan." Sabi niya habang nilalagyan ng ulam yung plato ko, napatango nalang ako at kumain na.
"Kaya naman pala mas marami rice ni Vinia! Baliw kana talaga Akino." Inis na sabi ni Meriza at kumain nalang din siya.
"Akimo bakit nagtatrabaho ka kay tito?" Tanong ni Safina.
Tamang tama yung tanong niya, gusto ko din kasi itanong kay Kino yan.
"Oo nga, tapos hindi ka pa pumasok sa first day." Dagdag ko pa sa sinabi ni Safina.
"Hindi na ako magco-college." Automatic na lumingon yung ulo kay Kino nang sabihin niya yon.
"Huh? Pero bakit?" Naiinis na tanong ko, akala ko pa naman sabay kaming gagraduate ng college, ang duga niya.
"Sorry, nahanap kona kasi yung pangarap ko. Eto yung gusto ko Vinia, hindi kona kailangan mag-college para matupad yung pangarap ko, balang araw magiging kasing galing ako ni papa, baka nga mahigitan ko pa." Niyakap ko si Kino dahil sa sinabi niya, napakaganda ng mindset ng taong to. Ang swerte swerte ng magiging asawa niya balang araw, dahil napakasipag at napakabait niyang tao.
"Ehem!" Agad akong napabitaw kay Kino nang makita ko si Luis na nasa tapat namin habang nakatayo at nakatingin ng seryoso samin.
Tatawagin kona sana si Luis pero biglang dumating si Mika at kumapit na naman siya sa braso ni Luis. Inis na inis na talaga ako sa babaeng yan, kanina pa yan nakakarami kay Luis at selos na selos na ako.
"Oh, hello Lavinia, I didn't know na maganda pala yung taste mo pagdating sa pag-pili ng restaurant, right Luis?" Sabi ni Mika nang makita niya ako, agad namang napatingin si Kino sa kanila.
"Panong hindi gaganda eh sila may ari ng restaurant nato, at tsaka anong ginagawa mo dito Mr. Genius? nagdala kapa ng hipon!" Dahil sa sinabi ni Kino ay muntik na akong matawa, grabe? Ang ganda at ang sexy na ni Mika tapos tatawagin lang siyang hipon ni Kino. Baliw talaga.
"What did you say?!" Tanong ni Mika kay Kino.
Magsasalita pa sana si Kino pero pinigilan kona siya, baka kung ano nanaman sabihin niya.
Hindi nagsalita si Luis, umupo lang siya sa katabing table namin kaya naman agad siyang sinundan ni Mika.
"Nakakainis na talaga yung Mr. Genius nayan, sira na yung gabi ko." Inis na sabi ni Kino, kaya binatukal siya ng tissue ni Safina.
"Kumain na nga kayo diyan, may gagawin pa pala ako." Sabi niya, tumango naman ako kaya umalis na siya.
"Okay, move on na tayo. Ang kailangan nating isipin ngayon ay kung ano yung kakantahin mo bukas Lavinia." Pag-iiba ng topic ni Safina.
"1 minute lang naman diba?" Tanong ko.
"Yup, alam mo ba yung kantang 12:51?" Tanong ni Meriza, agad naman akong napatango, fan na fan kaya ako nung kantang yon, ang gaganda nung boses nung kumanta non.
"Ayos! Wala na tayong proproblemahin pa. Yan nalang katahin mo, 6:00 pm pa naman start ng audition, may time kapa para magpractice."
"Teka? Kakayanin ko kaya yon? Nahihiya ako, alam niyo namang hindi ako marunong kumanta sa harap ng maraming tao." Sagot ko sa sinabi ni Safina, tumango naman siya at tinapik-tapik yung braso ko.
Good luck sakin bukas...
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss