Chapter 35: Mr. Arrogant

69 11 0
                                    


Lavinia's POV

Medyo malayo pa kami sa bahay ni Luis nang bigla niyang ihinto yung kotse sa gilid ng kalsada.

"Vinia." Banggit niya sa pangalan ko kaya naman napangiti ako at tumingin sa kanya.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong yakapin.

Nung una nagdalawang isip pa ako kung yayakapin ko din ba siya pabalik, baka kasi saglit lang eh. Pero mali ako, mag-iisang minuto na yata siyang nakayakap sakin at hindi ko alam kung paano ako magre-react dahil sa ginawa niya kaya niyakap ko nalang din siya pabalik. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko naririnig niya yon kasi sobrang tahimik namin. Bakit ba lagi niyang ginagawa sa puso ko yon?

At dahil hindi ko na ma-take yung katahimikan namin, nagsalita na ako.

"Luis bakit?" Tanong ko, naramdaman ko naman na napabuntong hininga siya.

"Vinia, matagal ko nang gustong sabihin sayo to, gusto kong sabihin sayo na maha-."

"Kringgggg!!! Kringgggg!!!"

Agad akong napamulat ng mga mata ko at pinatay yung alarm clock ko.

Akala ko pa naman totoo na, panaginip na naman pala.

5:00 AM palang ngayon, actually sinadya ko mag-alarm ng ganitong oras, mag jo-jogging kasi kami nila Safina at Meriza ngayon.

"Teka? Sino nagdala sakin sa kwarto ko?" Tanong ko sa sarili ko at naghanap na ng isusuot ko. Ang naaalala ko kasi nakatulog ako sa kotse ni Luis.

Lalabas na sana ako para pumunta sa cr nang mapatingin ako sa study table ko, agad kong nilapitan yon at napangiti sa nakita ko.

Bakit nandito yung rose na binili ni Luis kagabi? Tapos naka-flower base pa siya.

Binibigay ba niya sakin to? Bakit hindi nalang niya ibinigay sakin personally?

***

"Sexy ah!" Sigaw ni Safina nang makita niya ako.

"Oh nasan si Meriza?"

"Hindi pinayagan ni tito, sayang nga eh." Tumango nalang ako sa sinabi niya kaya nagsimula na kaming mag-warm up bago mag-jogging, walang masyadong tao dito sa park kaya hindi nakakahiya.

***

"Weh talaga?! Nag-date talaga kayo kahapon? Panong nangyari yon? Akala ko ba sila ni Mika ang magka-date kahapon?" Hinihingal na sabi ni Safina nang huminto na kaming mag-jogging, habang nagjo-jogging kasi kami kanina kinukwento ko sa kanya yung nangyari samin ni Luis kahapon.

Nang ma-kwento ko na sa kanya ang lahat nang nangyari ay halos ayaw na niyang tumigil sa kakatanong.

"So anong ginawa ni Luis sa rose?" Tanong niya, magsasalita na sana ako nang biglang may humampas na matigas na bagay sa ulo ko.

"Aray! Hindi ka ba magso-sorry?" Inis na tanong ko sa lalake, pano ba naman kasi dinaanan lang ako para kuhanin yung bola niya. Sure naman na siya yung nakatama sakin ng bola, ang tigas tigas kaya ng bola ng basketball. Wala na ngang laman yung utak ko naalog pa.

"Sorry okay? Akala ko kasi poste." Natatawang sabi niya, lalapitan ko na sana siya para upakan pero pinigilan ako ni Safina.

"Girl, kalma ka lang." Bulong niya sakin kaya huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Ah poste? For your information Mr. Arrogant, park po ito hindi basketball court. Kung gusto mong mag-basketball, wag dito." Mataray na sabi ko at aalis na sana nang mag-salita pa ulit siya.

"Bakit? Sayo ba tong park?" Sarcastic na tanong niya, isa nalang talaga uupakan ko na to.

"Hindi, pero common sense naman Mr. Arrogant. Wala namang ring dito para mag-shoot shoot ka diyan ng bola, ang dami kayang taong nagjo-jogging dito, tara na nga Safina nauubos yung oras ko dito." Sabi ko at hinitak na siya, narinig ko naman yung nakakainis na tawa nung mayabang na lalake nayon.

"By the way Ms. Sungit, nice butt!" Sigaw niya, kaya naman napahawak ako sa butt ko at tiningnan siya ng masama.

***

"Nakakainis, ang bastos bastos niya! Ang yabang pa." Naiinis na sabi ko habang umiinom ako ng milktea. Ganito kaming magkakaibigan, kunyari magjo-jogging pagkatapos naman iinom kami ng milk tea. Kaya bale wala lang din yung pagjo-jogging namin, sayang wala si Meriza.

"Pero aminin! Gwapo si Mr. Arrogant, yieee baka kayo talaga ang para sa isat-isa." Pang tutukso niya sakin kaya naman inirapan ko siya.

"Bakit mo ba ako hinaharot don?! Ang panget niya, si Luis lang ang gwapo para sakin!"

"Ah si Luis? Ayon yung Luis mo oh!" Sabi niya sabay turo sa labas, nandito kasi kami sa loob ng milktea shop, tambayan na namin to tuwing bibili kami ng milktea.

Agad naman akong napatingin sa labas, si Luis  nga. Guess what? Kasama na naman niya si Mika. Mukhang nag-jogging din sila.

Ang gulo gulo niya, gusto ba niya si Mika? Kasi binigyan ko ng meaning kanina yung roses na binigay niya sakin. Bakit naman niya ibibigay sakin yon kung wala lang ako para sa kanya?

***

Nakauwi na ako sa bahay, 8:00 AM na kaya wala na si papa, maaga din kasi siya umaalis para magbukas ng restaurant.

"Good morning Vinia, kanina pa kita hinahanap. Nag-jogging ka din pala, kumain kana." Bati sakin ni tita nang makita niya ako, kumakain palang sila ng breakfast.

"Good morning tita, hindi na po ako kakain, nag-milktea po kasi ako." Nakangiting sabi ko, napatingin naman sakin si Jelo.

"Meron bang nag-jogging tapos iinom ng milktea?" Masungit na sabi niya.

"Meron, ako."

"Jelo tama na yan, kumain kana lang. By the way Vinia may nakita akong roses sa koste ni Luis kagabi, inilagay ko sa kwarto mo." Sabi ni tita.

"Ah sige po tita, magpapalit na po ako ng damit." Sabi ko at agad na umalis sa dining room at pumunta sa kwarto ko.

Okay? Ang assuming ko naman kasi. Bakit naman ako bibigyan ng rose ni Luis, eh bale wala lang naman ako para sa kanya.

Ano bayan? Nasasaktan na naman ako dahil sa pagiging assuming ko.

"Diba nga magkasama sila ni Mika kanina, so it means si Mika talaga ang gusto niya. Wag mo nang pahirapan pa yung sarili mo Vinia, mag-give up kana." Sabi ko sa sarili ko at napahiga nalang ako sa kama, pati sarili ko kinakausap ko na, nababaliw na yata ako.

****
A/N

Omg? 1:10 AM pinilit ko talagang matapos yung chapter nato kahit alam kong may pasok pa ako bukas.

Happy birthday nga pala sa my loves ko, Happy birthday Nayeon💚 and Happy birthday din kay Seungmin 💜 pati na din Kay Jinyoung Happy birthday

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon