Lavinia's POVNang makarating kami sa kabilang isla ay mabilis na binitawan ni Luis yung kamay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa wakas wala na kami sa gitna ng dagat o malulungkot dahil na fefeel ko na lalayuan na naman niya ako.
"Luus, Vinia!" Sigaw ni tita, agad naman kaming pumunta sa kinaroroonan nila ni Jelo. Nasan kaya yung iba?
"Pasensya na kayo, si Jelo kasi gustong gusto nang sumakay sa bangka, kaya nauna na kami." Pag e-explain ni tita samin.
"Okay lang po yon tita." Nakangiting sabi ko. Okay nga sakin yon eh, nagkasama kami ni Luis nang mahigit isang oras na kaming dalawa lang.
"Hin-." May sasabihin sana si Jelo kaya lang tinakpan ni tita yung bibig niya.
"Sige maiwan ko muna kayo, enjoy!" Masayang sabi ni tita at umalis na sila.
Naiwan naman kaming dalawa ni Luis, walang nagsasalita samin. Ano bang dapat kong gawin? Okay kakausapin ko siya para hindi awkward.
"Lui-."
"Lavinia!" Sigaw ng mga kaibigan ko, galing talaga ta-timing ng mga kaibigan ko, buti dumating sila.
"Vinia tara na sa cottage natin." Na e-excite na sabi ni Safina at hinitak na nila ako. Nilingon ko naman saglit si Luis na ngayon ay may kausap na babae.
Wait? Teka? Babae?
Nilingon ko ulit siya, may kausap nga siyang babae. Sexy, maganda at mukhang matalino. Yan yata ang type niya sa mga babae, oh no! walang wala ako.
"Bakit?" Tanong ni Meriza at lumingon din sila ni Safina.
"Girl mukhang talo kana ah." Natatawang sabi niya, kaya inalis ko na yung tingin ko kay Jaeron.
"Sakit noh? Ganyan din si Roi kanina may kasamang babae." Malungkot na sabi ni Safina.
Iniba ko nalang yung usapan namin, nasasaktan kasi ako eh, oa na kung oa pero... Masakit talaga.
***
Nasa cottage na kami nila Safina agad kong nilabas yung rash guard ko dahil ready na ready na akong mag swimming kahit na hanggang bewang lang naman yung kaya kong puntahan. Pupunta na sana ako sa cr para magpalit pero bigla nila akong pigilan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi ka magsusuot niyan eto isuot mo." Sabi ni Safina sabay abot sakin ng swimsuit at kinuha naman sakin ni Meriza yung rash guard ko.
"Seriously? Two piece bikini swimsuit?! Nagbibiro ba kayo?!" Seryosong sabi ko, binatukan naman ako ni Meriza.
"Hindi kami nagbibiro, isuot mo yan dahil mag gaganyan din kami. Tsaka hindi kana bata para mag-rash guard. Mag lagay ka ng lotion para hindi ka umitim." Masungit na sabi niya, magsasalita pa sana ako nang bigla nila akong tinulak papunta sa cr, bahala nga sila, basta ako papatungan ko to ng maong short.
Nang masuot ko na yung swimsuit ay agad akong lumabas ng cr, tuwang tuwa naman sila nang makita nila ako.
"Happy? Papatungan koto ng maong short ah." Sabi ko, tumango lang sila at nag paunahan papunta sa cr.
Hindi ko nalang sila pinansin at agad na kumuha ng maong short sa maleta ko, buti nagdala ako.
Nang makapag-palit na kami ay agad kaming lumabas sa cottage naming tatlo, nag decide kasi si tita na mag bayad ng tatlong cottage para saming lahat.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss