Chapter 22: A rival emerges?

68 13 4
                                    


Lavinia's POV

"Lavinia!!!" Agad akong napamulat ng mga mata ko nang marinig ko yung boses ng mga kaibigan ko. Ang aga-aga pa nakakainis.

"Anong ginagawa niyo dito?" Inaantok na tanong ko sa kanila at kinuha yung isa kong unan at natulog ulit.

"Come on Ms. Sleepyhead! Time to get up!" Rinig kong sabi ni Safina at hinitak niya ako paupo sa kama ko.

"Ano ba? Bakit ba kasi?!" Inis na tanong ko, napa-irap naman siya.

"For your information Ms. Sleepyhead, tapos na po ang vacation. Baka gusto mo pong maligo at mag-ayos na dahil malalate lang naman tayo sa first day of school!" Dahil sa sinabi ni Meeiza ay agad akong napatingin sa phone ko.

"Omg?! First day of school nga pala ngayon, diyan lang kayo maliligo na ako." Nagmamadaling sabi ko at agad na kinuha yung towel ko.

Paglabas ko ng kwarto ay agad akong pumunta sa cr at dahil sa pagmamadali ko ay nadulas ako pagpasok ko ng cr.

"Aray, bakit ba naman kasi ang dulas-dulas mong sahig ka!" Reklamo ko habang nakasalampak sa sahig.

"Tsk, lampa talaga."

Agad akong napatingin sa nagsalita at tumayo.

"Luis?" Gulat na sabi ko. Kanina pa pala siya dito sa loob ng cr at nakatingin lang siya sa salamin.

Tumingin lang siya saglit sakin at agad na umalis ng cr, tsk ang sungit talaga niya hindi man lang ako tinulungan tumayo.

***

"Omg! Ang daming bago at mga gwapo na students." Kinikilig na sabi ni Meriza nang makapasok na kami sa loob ng Tokiwadai. Nandito kami sa college area, actually ngayon lang kami nakapunta dito kasi bawal dito yung mga highschool and senior high lalo na yung mga elementary.

"Hi Lavinia!" Bati nung mga dumaan na lalakeng student sakin kaya naman agad na kumunot yung noo ko.

"Grabe Lavinia ano ba secret mo? bakit bigla kang naging famous? ang gwagwapo pa nung mga student na bumabati sayo." Kinikilig nanamang sabi ni Meriza.

Hindi ko din akam kung anong nangyari, basta pagpasok ko sa school ang dami agad bumabati sakin.

"Anong nangyayari? What's the secret Ms. Kleus." Manghang sabi ni Safina.

"Basta, para sakin si Luis parin ang pinakagwapo." Nakangiting sabi ko, bigla naman silang napahinto sa paglalakad kaya huminto din ako.

"Bakit? Totoo naman diba?" Sabi ko sa kanila, pero nakatulala lang sila na para bang nakakita sila ng anghel.

"Hoy? Ano ba?" Inis na sabi ko, hinawakan naman ni Meriza yung balikat ko at iniharap ako sa tinitingnan nila.

"Ang ganda niya, diba?" Sabay at namamanghang sabi nila, agad ko namang tiningnan yung babaeng tinititigan nila.

Maganda nga siya, sexy tapos ang ganda pa niyang manamit.

"Oo nga ang ganda nga niya, pero... Baka malate kasi tayo sa first subject natin, tara na." Sabi ko at magsisimula na sanang maglakad nang bigla nila akong pigilan.

"Ano b-." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita yung magandang babae, kasama na niya si Luis.

Wait? Si Luis?

"T-teka? Bakit kasama niya si Luis?" Gulat na tanong ko.

"Hala ka girl! Mukhang may rival ka nanaman ngayon kay Luis."

"Oo nga, and this time mukhang mahihirapan kang talunin siya. Kasi tingnan mo naman girl kakakilala palang nila ngayon pero close na agad sila." Dagdag pa ni Meriza sa sinabi ni Safina.

Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula na kaming maglakad. Bahala na, wala naman akong magagawa, siguro iiwasan ko nalang siya.

***

Kakasabi ko lang kanina sa sarili ko na iiwasan ko na siya, pero eto ako ngayon sinusundan siya.

"Bakit pumasok sila sa club room?" Tanong ni Meriza.

"Baka sasali si Luis sa basketball." Sagot naman ni Safina.

"Eh bakit kasama pa yung babaeng yon?" Tanong ko naman.

"Girl, paalala lang, wag mag
selos kapag walang kayo. Kung gusto mong malaman pumasok tayo sa club room." Agad kaming sumang ayon ni Safina sa sinabi ni Meriza.

Papasok na sana kami sa loob ng club room nang biglang lumabas si Luis kasama yung babaeng kanina pa kapit nang kapit sa braso niya.

Agad siyang napahinto sa paglalakad nang makita niya kami.

"Hello?" Awkward na sabi ko.

"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan moba ako?" Masungit na tanong ni Luis sakin.

"Hoy Mr. Valtimontar hindi ka sinusundan ng bestfriend namin, nandito siya para sumali sa singing club, diba Vinia?" Sabi ni Safina at siniko ako.

"A-ahh oo, gustong gusto ko kasi ang pagkanta." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan hindi ako marunong kumanta. Never pa akong kumanta sa harap ng maraming tao.

"Wow, what a coincidence, nagpalista din kasi kami ni Luis para sa singing club."

"Epal, di naman kinakausap sabat nang sabat." Rinig kong bulong ni Meriza kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Ah ganon ba? Sige papasok na kami, para makapag-palista na ako." Sagot ko nalang sa sinabi niya.

"Hmm okay, by the way I'm Mika, Mika Tan." Sabi niya at inabot niya yung kamay niya sakin.

"Lavinia Kleus." Maiksing sabi ko at tinanggap ko yung pakikipag-shake hands niya.

"Luis let's go, nagugutom kasi ako. Good luck nalang Lavinia sa audition mo bukas." Sabi niya sabay kapit sa braso ni Luus at umalis na sila.

"Audition lang pala, easy lang sayo yon." Sabi ni Meriza at inakbayan ako.

"Ano? Audition?!" Late reaction ko sa sinabi ni Mika.

"Oo, kaya tara na palista na natin name mo."

"Wait! Sandali! Ayoko na." Sagot ko sa sinabi ni Safina.

"Ayaw mona? Suko kana? So hahayaan mo nalang na makuha nung Mika nayon si Luis ganon?" Inis na sabi ni Meriza. Napa-isip naman ako sa sinabi niya, tama siya hindi dapat ako magpatalo kay Mika.

"Let's go, magpapalista na ako." Desididong sabi ko at pumasok na kami sa loob ng club room. Sobrang daming nakapila sa singing club para makakuha ng form, ang alam ko tatanggap lang sila ng 50 singers, sana palarin ako.

Ilang minutes din ako naghintay para makakuha ng form.

"Good luck sa audition bukas." Sabi nung teacher na nagbigay sakin ng form, ngumiti nalang ako at agad na sinulatan yung form.

Matapos kong sulatan yung form ay agad ko itong binalik sa teacher.

"Tapang ah, good luck sayo bukas." Tumatawang sabi ni Meriza, sinapok naman siya ni Safina.

"Wag mo ngang pine-pressure yung kaibigan natin! Kaya niya yan diba?" Napatango nalang ako sa sinabi niya, ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na eh.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon