Chapter 78: Be With You Accidentally

77 8 9
                                    


Lavinia's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nung mag-proposed sakin si Kino at ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan ni Luis.

Wait? Hindi pa ba ako sanay sa treatment niya sakin?

"Girl stop spacing out. Akala ko ba nagpasama ka sakin para tulungan kitang bumili ng ireregalo mo kay Akino, tapos tutulala ka lang pala diyan."

Agad na bumalik ang sense ko sa mundo dahil sa sinabi ni Mika. Nasa mall kami ngayon, nagpasama ako sa kanya kasi alam kong malaki ang maitutulong niya sakin. Birthday kasi ni Kino ngayon at inaya niya akong mag-date kami.

"Sorry." Sabi ko at napa-buntong hininga.

"Iniisip mo si Luis noh?" Tanong niya kaya agad akong tumango sa kanya.

"Ganyan din ako nung ni-reject niya ako. Don't worry, makaka-move on ka rin. Let's go? May alam na akong pwede mong iregalo kay Akino." Sabi niya sabay pat sa likod ko.

°•◇•°◇°•◇•°

"Ang ganda dito noh? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Kino sakin. Agd naman akong tumango at pinagmasdan yung paligid namin.

Ngayon lang ako nakapunta sa enchanted kingdom.

"Thank you Kino." Sabi ko sabay bigay ng gift ko para sa kanya. Agad naman siyang napa-ngiti at bubuksan na sana niya yung gift ko pero agad ko siyang pinigilan.

"Wag mo muna buksan, gusto ko buksan mo yan kapag hindi na tayo magkasama."

"Thank you my loves, pinapakilig mo naman ako eh." Sabi niya at nagulat nalang ako nang bigla niya akong hitakin.

"Hoy Kino! Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sasakay tayo sa roller coaster!" Masayang sabi niya.

Omg? Ano daw? Roller coaster?

°•••°°•••°°•••°

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko matapos naming sumakay ng roller coaster ni Kino. Feeling ko masusuka ako.

"Ang saya diba?" Tumatawang sabi niya.

Ano daw? Masaya? Eh halos mawalan na nga ako ng boses kakasigaw kanina.

"Doon tayo oh!" Excited na sabi ko nang makita namin yung horror house at agad ko siyang hinitak. Gabi na so masaya yon at tsaka alam kong takot siya sa mga multo, gaganti lang ako. h
Halos mamatay kasi ako sa roller coaster kanina eh.

°•☆•°♡°•☆•°♡°•☆•°

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kakatawa ko nung makalabas na kami sa horror house. Sobrang takot na takot si Kino.

"Ano my loves? Masaya kana?" Sabi niya sabay pout kaya hinampas ko siya ng pabiro.

Tumawa lang siya at muli na naman niya akong hinitak.

☆°•☆°•☆°•☆

8:41 PM na at halos lahat yata ng rides nasakyan na namin. Ay may isa pa pala, yung ferris wheel.

Agad kong hinitak si Kino papunta sa ferris wheel at pumila kami.

"Ang haba naman ng pila." Naiinip na sabi ko. Kapag kasi nag 9:00 PM na may fireworks display na. So napaka-perfect timing kung makakasakay kami before mag 9:00 PM.

"Oo nga eh. My loves wait lang, tumatawag kasi si papa. Diyan ka lang babalik ako agad promise." Sabi niya, agad naman akong napatingin sa kanya at tumango.

Nasa likod ko kasi siya.

"Saglit lang promise." Sabi pa niya, kaya muli akong tumango at agad naman siyang umalis.

8:50 PM na pero hindi pa rin bumabalik si Kino. Hindi na namin siguro maabutan yung fireworks display plus mukang puno na yung ferris wheel.

"Miss, diba mag-isa ka lang? Okay lang po ba kung may kasama po kayo? Para mapanood niyo po yung fireworks display. Kasi puno na po yung ferris wheel, kung sa susunod pa po kayo sasakay baka matapos na yung fireworks display."

Agad akong napatingin sa nagsalita. Ako na pala yung susunod.

At dahil sa nataranta ako, agad kong ibinigay sa kanya yung ticket na hawak ko at hindi ko na naisip na kasama ko nga pala si Kino.

"This way ma'am." Sabi niya at inalalayan niya ako papasok sa ferris wheel.

Pagpasok ko sa loob ng ferris wheel ay agad akong napangiti at umupo. Pero agad ding nag-fade yung mga ngiti sa labi ko nang makita ko kung sino yung kasama ko.

"Luis?" Gulat na sabi ko kaya agad siyang napatingin sakin at halata sa mukha niya na gulat na gulat din siya.

Gusto ko sanang bumaba pero umandar na yung ferris wheel.

"Why are you here?" Tanong niya, agad namang kumunot ang noo ko.

Bakit? Siya lang ba pwedeng sumakay sa ferris wheel at tsaka di ko naman ginusto na makasama siya, malay ko ba na nandito siya.

"Bakit masama bang sumakay sa ferris wheel?" Sagot ko sa kanya.

"I mean anong ginagawa mong mag-isa dito sa enchanted kingdom, stupid."

Agad namang akong napa'peace sign dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi tinatanong niya kung bakit ako nandito sa ferris wheel.

"Actually, magkasama kami ni Kino. Dapat nga kami ang magkasama ngayon dito sa ferris wheel pero hindi pa siya bumabalik at nakalimutan ko na kasama ko siya kaya napasakay ako agad."

"Ahh..." Mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko.

"Eh ikaw? Bakit ka mag-isa? Nasan si Terese?" Tanong ko naman sa kanya.

"Well... si Terese din dapat ang kasama ko ngayon. Nag-cr siya pero hindi ko na siya hinintay. Gusto kong mapanood yung fireworks display."

"Ako di-."

°•♡°•♡°•♡•°♡•°

Luis's POV

Magsasalita pa sana si Lavinia pero hindi na niya natuloy yung sasabihin niya. Nagsimula na kasi yung fireworks display kaya agad siyang tumingin sa bintana ng ferris wheel.

"Ang ganda." Namamanghang sabi niya.

"Ang ganda nga, sobrang ganda." Sabi ko naman habang nakatingin sa kanya. Kaya agad siyang napatingin sakin kaya bigla akong kinabahan.

"N-ng fireworks." Dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Super." Masayang sabi niya at muli siyang tumingin sa mga fireworks.

Lord? Eto na ba yung binibigay mong sign sakin? Eto ba yung sign na hiningi ko para hindi ko ituloy yung pagpapakasal ko kay Terese? Please lord give me another sign and I'll make sure na itatama ko ang lahat.

Yung matinding sign na magpapabago sa isip ko.

I want to be with this girl so much, I want to be with her, I want to be with Lavinia so bad...

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon