Lavinia's POVOne week na ang lumipas simula nung ma-hospital ako at one week na din akong hindi nakakapasok dahil sa paa ko. Buti na lang naiintindihan ng mga teachers ko yung situation ko at ngayon camping day na namin. Magaling naman na yung paa ko at nag-promise ako sa mga kaibigan ko na sasama ako sa camping.
"Anak, sure ka ba na sasama ka talaga sa camping na yan?" Agad akong napa-tigil sa pag-aayos ng mga gamit ko at napa-tingin kay papa na ngayon ay naka-silip sa kwarto ko.
"Sure na po ako papa, wag na po kayo mag-alala kasi po okay na po ako." Sagot ko sa tanong ni papa. Napa-ngiti naman si papa at tumango.
"Sige, gusto mo bang ihatid kita?" Tanong pa ni papa.
"Hindi na po papa, ako na pong bahala. Pumunta na po kayo sa restaurant, for sure madami na kayong costumer ngayon." Muling tumango si papa sa sinabi ko at sinarado na niya yung pinto ng kwarto ko, kaya inayos ko ulit yung mga gamit ko. Actually 5:30 AM na and before mag 6:00 Am yata kailangan nasa school na kami.
Nang matapos kong ilagay sa bag yung mga kailangan kong dalin para sa camping ay agad akong nagpalit ng damit at pumunta sa living room para magpaalam kay tita.
"Tita, aalis na po ako." Agad na sabi ko kay tita. Napa-tayo naman siya sa pagkakaupo niya at nagpunta ng kitchen.
Maya-maya lang ay bumalik na siya na may dalang paper bag at inabot yon sakin.
"Ano po ito tita?"
"Nag-bake kasi ako ng cookies, cupcakes and cake para sa inyo ng mga kaibigan mo. Kaya ubusin niyo yan dahil sobrang sarap niyan." Masayang sabi ni tita, agad naman akong napa-ngiti at niyakap ko siya.
"Thank you tita, promise po uubusin namin to. By the way tita kailangan ko na pong umalis baka po kasi ma-late pa ako." Sabi ko at bumitaw na sa pagkakayakap ko kay tita.
"Oh teka? Saan ka sasakay?" Tanong pa niya, ngumiti naman ako sabay pakita ng pamasahe ko kay tita.
"Taxi po."
"Nako hin-." Agad na napa-tigil si tita sa sinasabi niya nang biglang dumating si Luis dito sa living room.
"Sumabay kana sakin. Ma alis na kami." Sabi ni Luis at umalis siya matapos niyang sabihin yon. Nagkatinginan naman kami ni tita.
Tumango siya sakin kaya tumango din ako.
"Go! Sundan mo na baka magbago pa isip non." Excited na sabi ni tita. Ngumiti ako at niyakap ko ulit si tita saglit at agad kong sinundan si Luis, nakasakay na siya sa kotse niya kaya sumakay na din ako at umupo sa front seat which is sa tabi niya.
Napa-tingin naman ako sa relo ko.
Omg?! 5:45 PM na? Baka ma-late kami.
"Hindi ba tayo mala-late?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi umaalis.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sakin, kaya napa-pikit ako.
Narinig ko naman yung mahinang tawa niya kaya agad akong dumilat.
"Aayusin ko lang yung seatbelt mo." Sabi niya. Napatango na lang ako. Hindi ako makapag-salita, sobrang lapit niya sakin.
Matapos niya akong kabitan ng seatbelt ay agad siyang lumayo sakin at pina-andar na niya yung kotse niya at agad itong pinaharurot.
Malapit na kami sa school dahil sa sobrang bilis niyang mag-drive, pero nagulat na lang ako nang lagpasan namin yung school.
"Teka? Lumagpas na tayo sa school." Gulat na sabi ko. Napa-tingin naman siya sakin at agad na ibinalik yung tingin sa daan.
"You don't know?"
"Ang ano?" Nalilitong tanong ko.
"Hindi na sa university natin gaganapin yung camping, sa isang beach resort na." Sagot niya sa tanong ko. Agad naman akong nag-open ng mga conversation namin nila Safina.
Kaya pala pinag-uusapan nila yung mga bikini dahil sa beach na gaganapin yung camping. Bakit hindi man lang nila sinabi sakin? Mga traydor talaga mga kaibigan ko.
°•♡°•♡°•♡•°
Habang nasa biyahe kami ni Luis ay hindi ko maiwasan na titigan siya. Isang oras na siyang nagda-drive, hindi kaya siya napapagod?
"Stop staring at me like that, you should sleep." Biglang sabi niya kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya, hanggang sa maalala ko na hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagligtas sakin kaya in-open ko yung topic na yon.
"Thank you." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"For what?" Tanong naman niya sakin.
"For saving my life. Sobrang thankful ako na dumating ka nung time na yon. And, thank you din kasi sinamahan mo ako sa hospital."
"It's nothing, ginawa ko lang yung sa tingin ko ay tama." Sagot niya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumawag sa kanya. Napa-tango na lang ako at agad na tumingin sa bintana nang makita ko kung sino yung tumawag sa kanya.
Si Mika lang naman. Well... okay naman na kami ni Mika. Pero simula nung ma-hospital ako hindi ko pa siya nakikita. We're fine but it doesn't mean na friends kami, may closure pwede pa, she's still my rival in Luis's heart after all.
°•☆°•☆°•☆•°
"Sleeping beauty! Wake up!!!" Agad akong nagising nang biglang may sumigaw sa tenga ko at bumungad sakin yung pagmumukha ng mga kaibigan ko.
"Si Luis?" Agad kong tanong sa kanila.
"Si Luis nasa cottage nila which is katabi lang ng cottage natin. And kasama niya si Roi at Wency." Sagot ni Meriza sa tanong ko.
Agad naman akong napa-upo at tiningnan yung paligid ko.
"Tanong lang. Sinong nagdala sakin dito?" Tanong ko pa sa kanila.
"Girl?! Tinatanong pa ba yan? Eh di si Luis. Alam mo bang kilig na kilig kami nung lapitan niya kami habang buhat buhat ka. Kaya mag-ready ka mamaya sa paglabas mo dahil for sure madami na namang galit sayo. Lalo na si Mika, kung nakita mo lang yung mukha niya kanina parang gusto na niyang pumatay." Sagot naman ni Safina sa tanong ko. Napa-ngiti naman ako at agad kong inabot sa kanila yung paper bag na dala ko. Syempre hindi na sila nagtanong, agad nilang kinain yung nga binake ni tita.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/175151734-288-k799669.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss