Lavinia's POVTeka? Anong nangyayari?
"Tita? Bakit po?" Nalilitong tanong ko. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin at tumingin kay Luis na ngayon ay wala sa mood.
"Vinia, paano kasi itong si Luis ayaw na niya dito sa bahay." Napa-kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni tita.
"Lilipat na po tayo ng bahay?" Tanong ko.
"Hindi Vinia, gusto nang bumukod Luis tapos nagpa-paalam siya kung kailan aalis na siya. Siguro sawang sawa na siya dito at siguro hindi na niya kami kailangan ng papa niya kaya gusto na niyang umalis dito."
"My decision is final ma. Bubukod ako hindi dahil sa ayaw kona sa inyo. Bubukod ako kasi I want to be more independent, please understand me. Excuse me." Sabi niya at agad siyang umalis sa living room. Naiwan naman kami dito, ni isa walang umiimik samin.
Hindi ko alam kung anong ma fe-feel ko ngayon.
Hindi ako naniniwala na gusto lang niyang maging mas independent pa. Siguro gusto na niya akong layuan. Sobrang bilis pa niyang mag-decision. Ngayon lang siya nagpaalam tapos mamaya aalis na siya, ni hindi pa nga pumapayag sila tita eh.
Habang tumatagal palayo nang palayo yung loob sakin ni Luis at ngayon tuluyan na siyang lalayo sakin. Sa hinaba haba ng panahon naming magkasama sa iisang bahay never pa nagkaroon ng improvement saming dalawa.
Pero... hindi to dahilan para tumigil ako sa pagmamahal ko sa kanya. Kahit anong gawin ko sa puso ko, alam kong siya at siya parin ang nilalaman nito.
♧◇♧◇♧◇
Agad akong napabangon nang mag-ring yung phone ko.
Tumatawag si Kino, agad kong ni-reject yung call niya at matutulog na sana ulit nang maalala ko si Luis. 12:25 AM na so naka-alis na siguro siya.
Nag-decide nalang ako na magpunta sa kitchen para maghanap ng makakain. Nagutom kasi ako bigla, kanina kasi hindi ako kumain kasi feeling ko sobrang nabusog ako sa ice cream. Gusto yata akong patabain ni Kyron eh.
Speaking of Kyron, hindi ko pa nga pala siya nafo-follow back sa ig.
Habang kumukuha ako ng fresh milk sa refrigerator ay ini-stalk ko yung ig account niya.
Famous pala talaga siya, as in super famous. Kung gaanong kadami yung followers niya ganon din kadami yung likes ng mga post niya.
*Blaggg!!*
Bigla kong nabitawan yung phone ko dahil sa gulat at napatingin kung saan nang-galing yung tunog.
"Luis?!" Gulat na sabi ko. Nasa likod ko lang pala siya.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" Walang kaemo-emotion na sabi niya at napatingin siya sa phone ko na ngayon ay nasa sahig kaya dali dali ko itong kinuha. Nakakahiya nakita niya na nang i-stalk ako ng lalake. Baka kung anong isipin niya about sakin.
"B-bakit na-nandito ka pa? Hindi kana ba aalis?" Nauutal na tanong ko at ibinaling ang tingin ko sa glass na hawak ko.
"Bakit minamadali mo ako?" Pagbabalik niya ng tanong sakin habang nilalagyan naman niya ng tubig yung glass na hawak niya. Hindi nalang ako nagsalita at ininom nalang yung fresh milk. Na-misinterpret niya siguro yung sinabi ko, baka akala niya tuwang tuwa ako na aalis siya. Well... no, sobrang lungkot at sobrang bigat sa feeling na hindi kona siya makakasama sa iisang bahay.
Nang maubos kona yung fresh milk ay agad kong hinugasan yung ininuman ko kasabay non ang paglapag ni Luis ng basong ininuman niya sa harap ko kaya hinugasan kona din yon.
"Good night."
Muntik ko nang mabitawan yung basong hinuhugasan ko dahil sa sinabi niya. Pagharap ko sa kanya ay wala na siya, maggo-good night din sana kasi ako.
♡○♡○♡○
"Omg girl! Sign na yan para tigilan mo na yung kahibangan mo kay Luis, Wag ka nang umasa. Tingnan mo siya na ang gumagawa ng paraan para tigilan mo siya." Sabi ni Meriza. Grabe parang hindi ko sila kaibigan, wala man lang comfort. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa milktea na kanina pa namin binili pero hanggang ngayon walang bawas.
"Oo nga, diyan ka umasa." Sabi ni Safina at ngumuso kaya napatingin ako sa direction na tinuturo ng nguso niya.
"Lavinia." Sabi ni Kyron nang makalapit siya sakin.
"Upo ka." Sabi ko kaya naman tumabi siya sakin at inakbayan ako. Tsk nasanay na yata ako sa pag-akbay nang lalakeng to. Intrams parin kasi ngayon kaya nakakapasok pa si Kyron, at oo nga pala ngayon yung laban nila dito.
"Hi." Pabebeng sabi ni Meriza kaya naman siniko siya ni Safina.
"Pasensya kana sa mga kaibigan ko. By the way this is Safina and this is Meriza."
"Nice to meet you girls, I'm Kyron." Sabi niya sabay kindat kaya naman kilig na kilig ngayon si Meriza. Nakakahiya siya.
"I know! I know! Fan na fan mo ako, omg! Hin-." Agad sinubuan ng chips ni Safina si Meriza sa bunganga dahilan para matigil ito sa pagsasalita niya.
"So anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ni Safina kay Kyron. Siguro para maiba naman yung topic. Kung ano ano naman kasi sinasabi ni Meriza.
"May laban ulit yung school namin dito. Manood kayo mamaya ah? Kaya lang 6:00 PM pa start, kung okay lang sa inyo hahatid kona lang kayo."
Magsasalita na sana ako para komontra kaya lang hinawakan ni Meriza yung kamay ko at mabilis itong nagsalita.
"Okay na okay samin." Excited na sabi niya.
"Alright see you girls mamaya, especially you." Sabi niya sabay wink sakin at umalis na. Napa-ngiti nalang ako at uminom na ng milktea.
"Omg! Especially you daw, yieeeee." Pangtutukso sakin ni Safina.
"Yieee kinikilig na yan." At sinabayan pa nga ni Meriza si Safina sa pangtutukso sakin.
Akala ko okay na ako, pero hindi pa pala. Nung nandito si Kyron hindi ko naaalala si Luis at ngayon naaalala ko na naman siya at nakita ko pa. Yung mga ngiti sa labi ko kanina agad ding nag-fade.
Kasama na naman niya si Mika.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss