Chapter 29: Thank you, Mika!

60 11 0
                                    


Meriza's POV

"Anong gagawin ko? Mamaya na kami kakanta ni Luis, pero bakit hanggang ngayon hindi parin niya ako tine-text para mag-practice, siguro sobrang saya at payapa na ng buhay niya ngayon dahil wala na kami sa bahay nila, siguro sinisimulan na niya na makalimutan ako." Nakasimangot na sabi ni Lavinia habang pinaglalaruan yung pagkain niya, lunch time kasi kaya nasa cafeteria na naman kami.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang siya kalimutan? Since hindi naman na kayo magkasama sa i-isang bahay madali nalang gawin yon. Isa pa it makes more sense kung magkakatuluyan kayo ni Akino, gwapo din naman yon eh tapos si Akino literal na amy gusto talaga sayo." Sabi ko sabay abot ng tubig kay Safina.

"Oo nga, alam mo girl mas worth it pa mahalin si Akino. Bigyan mo naman siya ng chance, gwapo, masipag, at mabait naman siya, kinulang lang sa katinuan ng pag iisip pero napakamadiskarte naman non." Pagsang ayon naman ni Safina sa sinabi ko.

Napatigil si Lavinia sa paglalaro sa pag-kain niya at tumingin samin.

"Sa tingin niyo ba makakalimutan ko yung taong nakakuha ng first kiss ko?" Sabi niya, jusko kiss lang pala, teka? Kiss? As in lips to lips?

"Ano? First kiss? As in lips to lips?" Sabay at gulat na sabi namin ni Safina, agad namang sumenyas samin si Lavinia na wag kaming maingay.

"Oo, as in lips to lips, kaya sobrang nahihirapan talaga ako na kalimutan siya." Pabulong na sabi niya samin.

"Omg? Kailan nangyari yon?" Tanong naman ni Safina.

"Noong Grand Ball, yung time na hinitak niya ako papunta sa rooftop ng hotel."

Magtatanong pa sana ako sa kanya nang biglang tumunog yung phone niya kaya agad niya itong tiningnan.

"Bye, sabi ni Luis magkita daw kami sa rooftop, ingat nalang kayo ah!" Sabi niya at nagmamadali pa talaga siyang kuhanin yung bag niya, tsk kapag talaga kay Luis ang bilis ng babaeng yon.

"Oo nga pala, satin satin lang yon ah? Bye!" Sabi pa niya at agad na umalis.

"Hay nako, adik na talaga kay Luis yon. Tara cutting nalang tayo? may ipapakilala ako sayo." Agad na kuminang yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Safina.

"Omg?! pogi? game ako diyan!" Excited na sabi ko at agad kaming lumabas sa cafeteria.

"So saan tayo pupunta? Sa mall? Sa bahay niyo? O sa-." Hindi ko na tinuloy yung sinasabi ko dahil hindi naman pala nakikinig sakin si Safina.

"Hoy?" Tawag ko sa kanya.

"Diba si Mrs. Valtimontar yon?" Sabi niya sabay turo sa puno na pinagtataguan nung mother ni Luis.

Hinawakan ko naman yung kamay ni Safina at hinitak ko siya papunta sa mother ni Luis.

"Hi tita, wag na po kayo magtago alam po naming ikaw yan." Sabi ko kaya agad na tinanggal ni tita yung shades niya.

"Tita anong ginagawa niyo dito? Tsaka bakit kailangan mo pang magtago?" Tanong ni Safina.

"Gusto ko kasing makita si Vinia, miss na miss kona siya. Akala ko pa naman may pag-asa na maging sila ng anak ko."

"Oo nga po eh, akala ko nga din po, lalo na po nag-kiss na sila at sa lips pa talaga ah, for sure sobrang hirap para kay Lavinia na kalimutan yung anak niyo tita." Tuloy tuloy na sabi ko, late na nung ma-realized ko lahat ng sinabi ko kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Ano? Kiss? Si Vinia at ang Luis ko nag-kiss? Sa lips?" Gulat na tanong ni tita.

"Hindi po, mali po kayo ng narinig tita, wala pong sinabi si Meriza na ganon." Pagde-deny pa ni Safina.

"Don't deny it girls! Rinig na rinig ko." Masayang sabi ni tita.

"Tita please wag mong sasabihin kay Vinia. Kapag nalaman niya na sinabi namin sayo patay kami don." Naka-pout na sabi ko kay tita.

"Oo naman! Bye girls may kailangan akong asikasuhin, enough na yung nalaman ko ngayon!!" Masaya paring sabi ni tita.

Nahampas naman ako ng malakas ni Safina nang maka-alis na si tita.

"Daldal mo talaga girl, lagot tayo kay Vinia niyan." Inis na sabi niya.

"Sorry okay? Quiet na ako promise, ililibre nalang kita."

***

Lavinia's POV

5:00 PM na, nandito kami ngayon sa music room at nagpe-perform na ngayon si Warren at Mika, magaling sila, sobrang galing nilang kumanta tapos ang lakas ng chemistry.

Napatingin naman ako kay Luis na tahimik lang na nanonood kila Warren.

"Luis, paano kung matalo tayo?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumingin siya sakin.

Ayon, tumingin lang siya, wala siyang sinabi kahit isang words. Well hindi naman ako nagrereklamo, sanay na ako sa ugali niya.

Natapos nang kumanta sila Mika at agad silang umupo ni Warren para kami naman ni Luis yung makapag-perform, pagdaan ko sa tapat ni Mika ay bigla nalang akong bumagsak, pinatid lang naman ako ni Mika. Nakakainis na talaga yung babaeng to, pag to sinabunutan ko panigurado kalbo to.

"Opss? Sorry." Maarteng sabi niya habang tumatawa, nag-make face nalang ako at tatayo na sana ako pero biglang kumirot yung isang paa ko na pinatid niya, omg na dislocate yata mga buto ko sa paa.

"Aray." Mahinang sabi ko, nagulat nalang ako nang biglang lumapit sakin si Luis at tiningnan niya yung paa ko.

"I think, hindi na tuloy yung competition nato, kayo na panalo, congratulations." Sabi ni Luis at mas lalo akong nagulat nang buhatin niya ako, yung pa bridal style kaya kinapit ko yung isang braso ko sa balikat niya. Omg feeling ko kasing pula na ng mga kamatis yung magkabilang pisnge ko.

Nakita ko naman agad yung lukot na mukha ni Mika kaya dinilaan ko siya, lalo yata siyang nainis dahil nag-walk out na siya. Thank you talaga sa ginawa niya dahil binigyan niya ng dahilan si Luis para buhatin ako.

And, sino ba namang makakakanta habang kumikirot yung isang paa? I'm so glad na mas inintindi ni Luis yung paa ko kaysa sa competition.

"Luis, saan mo ako dadalin?" Tanong ko.

"Sa clinic obvious ba?, na-sprain yung kaliwang paa mo kaya kailangang mabigyan agad ng first aid yan." Tumango nalang ako sa sinabi niya at napangiti, halos lahat ng madaanan naming students sa hallway ay nakatingin samin. Bakit? ngayon lang ba sila nakakita ng isang gwapo na may buhat buhat na isang weirdo na babae?

***



Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon