Chapter 21: In danger

71 14 0
                                    


Lavinia's POV

Pagpikit ng mga mata ko ay agad ko din itong naidilat dahil sa mga naririnig kong tunog na nanggagaling mula sa baba.

Mukhang nandiyan na si Luis.

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ko, baka kasi hindi pa siya kumakain ng dinner.

"Bakit ngayon ka lang Lui-." Hindi kona natuloy yung sasabihin ko nang biglang may humitak sakin papunta sa guest room na tapat lang ng kwarto ni Luis.

"Wag kang maingay! Kung hindi gigilitan kita."

"K-kuya w-wag po, marami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pa pong magtapos ng college at magtrabaho, at bibigyan ko pa ng bahay yung papa ko. Tapos ikakasal pa ako kay Luis at magkaka-anak pa kami, hindi ako pwedeng mamatay kuya!" Natatakot na sabi ko sa magnanakaw. Isang galaw ko lang sure na hiwa tong leeg ko.

"Wag ka ngang maingay diyan! Kung gusto mo pang mabuhay at pakasalan yang sinasabi mong Luis, ibigay mo sakin lahat ng pera at mga alahas ng mga kasama mo dito sa bahay, dali! Kapag hindi mo naibigay sakin lahat tatanggalan talaga kita ng ulo." Galit na sabi niya at tinulak niya ako. Aba?! Makatulak tong si kuya akala mo namang close kami. Liit-liit ng kawatan kong to tapos siya ang laki-laki pero pumapatol sa babae, bakla siguro siya.

"Lahat? As in lahat?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Bingi ka ba? O tanga ka lang talaga? Lahat nga diba?!!! Lahat!!! Dalian mo."

"Sige, pero... Habulin mo muna ako." Mapang-asar na sabi ko at tinuhod ko siya sa private part niya tsaka ako nagtatakbo palabas ng kwarto.

"Walangya kang babae ka! Magtago kana! Dahil kapag nakita kita tanggal yang ulo mo!" Sigaw niya na lalo kong ikinatakot.

Hindi ko alam kung saan ako magtatago, bwisit naiiyak na ako.

Okay, aalis nalang ako ng bahay tapos tatawag ako ng pulis, okay tama yon.

Hindi pa ako nakakalapit sa front door ng biglang may humitak sakin papunta sa madilim na part ng bahay, nakatakip siya sa bibig ko kaya hindi ako makasigaw. Ito na ba ang katapusan ko Lord? Gigilitan na ba niya yung leeg ko?

Wala nalang akong nagawa kundi ang umiyak, sobrang nanghihina na yung mga tuhod ko. Mas gusto ko pang mamatay sa isang malalang sakit kaysa mamatay na para akong isang hayop na ginigilitan.

"Shhh wag ka ngang umiyak, at wag ka ding maingay." Nang marinig ko ang malamig at masungit na boses ni Luis ay agad na nawala yung kaba sa dibdib ko.

"Luis!" Umiiyak na sabi ko at agad akong humarap sa kanya para yakapin siya.

"Kakasabi ko lang diba? Wag kang maingay. Dito ka lang okay? Kahit anong mangyari wag kang aalis dito, tumawag na ako ng pulis." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ako, agad niyang inalis yung pagkakayakap ko sa kanya at iniwan na ako.

◇♡◇♡◇

Luia's POV

Nang makarating ako sa kitchen ay agad akong nagtago sa gilid ng refrigerator. Nandito yung magnanakaw, hinahasa niya yung kutsilyo niya. He's crazy.

"Magtago kana ah! Pinapatalim ko lang saglit yung kutsilyo ko. Para kapag ginilitan na kita patay kana agad. At least hindi kana maghihirap diba?" Tumatawang sabi niya. Tsk for sure naka-drugs siya.

Matapos niyang hasain yung kutsilyo niya ay agad siyang naglakad ng dahan-dahan.

Nang malapit na siya sakin ay agad ko siyang hinawakan sa balikat niya, dahilan para mabitawan niya yung kutsilyo na dala-dala niya. Susuntukin na sana niya ako kaya lang masyado siyang mabagal kaya naunahan ko na siya.

Susuntukin ko pa sana siya nang biglang may humawak sa balikat ko. Nandito na pala yung mga pulis.

"Kami na ang bahala dito sir."

Tumango nalang ako sa sinabi nung pulis at agad na pinuntahan si Lavinia. Hanggang ngayon ay nandito parin siya sa pinag-iwanan ko sa kanya, naka-upo siya sa sahig habang nakayuko. Siguro takot na takot siya nung mga oras na siya lang mag-isa.

"Lavinia." Tawag ko sa kanya, agad naman siyang napatayo at lumapit sakin.

"Luis buti talaga dumating ka, Kung hindi baka tulu-." Hindi na niya tinuloy yung sinasabi niya nang yakapin ko siya. Nafe-feel ko na hanggang ngayon kinakabahan parin siya.

"Luis..." Umiiyak na sabi niya at niyakap na niya ako pabalik.

"Shhh tahan na, okay na ang lahat."

♧◇♧◇♧

Lavinia's POV

Ilang araw na ang lumipas simula nang pasukin ng magnanakaw yung bahay nila Luis, nung time na nangyari yon hindi namin agad pinaalam kila tita dahil ayaw namin silang mag-alala, pero ngayon na nasa bahay na sila tsaka palang sinabi ni Luis, ayan todo react tuloy sila.

"Omg, wala kabang sugat? Sinaktan kaba niya? May ginawa ba siyang masama sayo? Ano? Sabihin mo Vinia?" Sunod sunod na tanong ni tita habang chine-check ako, ngumiti naman ako at umiling.

"Wala pong nangyari na masama sakin tita dahil dumating po si Luis, at wala po siyang nakuha na kahit ano dito." Nakangiting sabi ko, niyakap naman ako ni tita. Nafe-feel ko na sobrang saya niya.

"Luis, maraming salamat sa ginawa mo. Kung hindi baka pinagluluksaan ko na si Lavinia ngayon. Pagpasensyahan niyo na ah? Eh yung bata kasi nayan ay sobrang burara." Sabi naman ni papa kay Luis. Si papa naman pinapahiya pa ako.

"Wala po yon, ginawa ko lang po ang tama. Next time kasi matutong mag-lock ng gate." Masungit na sabi niya sabay tingin sakin at agad na umalis dito sa living room.

Tsk ito talagang si Luis napakasungit parang nung nakaraan na araw lang niyakap pa niya ako, tapos ngayon sinu-sungit sungitan na naman niya ako.

"Next time ija, mag-iingat ka, marami pa namang mga magnanakaw dito sa lugar natin." Sabi ni tito, nakangiti naman akong tumango sa kanya.

"Opo tito, sige po tita, papa, maliligo lang po ako." Sabi ko at agad na pumunta sa kwarto ko.

Naalala ko kasi na may lakad nga pala kami nila Safina at Meriza ngayon, kailangan ko nang maligo at baka dumating pa sila. Kapag naabutan nila ako na hindi pa nakagayak for sure sesermunan na naman ako ng dalawang yon.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon