Lavinia's POV"Good morning!!!!" Agad akong napadilat ng mga mata ko nang marinig ko ang boses nung mga kaibigan ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Hala ka girl? Naapektuhan ba yung ulo mo nung nabagok ka?" Tumatawang sabi ni Meriza kaya binatukal ko siya ng unan.
"Graduation Day ngayon! Gusto mo bang ma-late tayo? Sabi mo sabay sabay tayong pupunta sa school kaya eto nagpunta kami dito tapos madadatnan ka lang pala namin na tulog pa." Masungit na sabi naman ni Safina. Alam ko namang graduation day ngayon, ang nakalimutan ko lang ay yung sinabi ko na sabay sabay kaming pupunta ng school.
"Sige na, lumabas muna kayo maliligo at mag-aayos lang ako." Sabi ko, agad naman silang lumabas kaya agad din akong tumayo para ihanda yung susuotin ko at maligo.
***
Nang matapos na akong gumayak ay agad akong lumabas ng kwarto ko at nadatnan ko sila sa living room na nagpi-picture taking.
"Finally! Tara dito Vinia, kanina kapa namin hinihintay para makuhanan ko kayo ng picture ng mga kaibigan mo." Sabi ni tita, agad naman akong pumagitna sa pagitan nila Meriza at Safina at nagposing-posing na nga kami.
"Solo naman para sa Vinia ko." Sabi ni tita, kaya humanap ako ng magandang place, magpo-pose na sana ako nang biglang dumating si Luis.
Hala?!! Bakit sobrang gwapo niya? Totoo ba to? bagay na bagay talaga sa kanya yung uniform niya.
"Luis anak! Picture please?" Tanong ni tita, tumango lang si Luis kaya agad siyang kinuhanan ng picture ni tita, hindi pa nakuntento si tita at hinitak niya ako sa tabi ni Luis.
"Isa lang anak, please?!!" Masayang sabi ni tita kay Luis, napabuntong hininga naman siya at tumango. Agad namang ni-ready ni tita yung camera niya. Nahihiya ako kay Luis kaya medyo naka-distance ako sa kanya.
"Ano ba yan! Dikit pa!" Sabi ni tita kaya naman medyo dumasog pa ako palapit kay Luis, nagulat nalang ako nang bigla niya akong hitakin sa tabi niya at inakbayan niya ako, as in sobrang dikit namin. Kilig na kilig naman yung mga kaibigan ko, grabe ayaw na naman tumigil ng puso ko sa pagtibok ng napaka bilis, bakit ganito ka magpakilig Luis?
"Ayan! Yan ang gusto ko, oh ngiti kayo ah." Nae-excite na sigaw ni tita.
"Alam mo bang may lipstick ka sa ngipin mo." Dahil sa sinabi niya ay agad akong napatingin sa kanya at inalis yung pagkaka-akbay niya, ang ending hindi maganda yung kuha namin.
°°•••°°
"Mag-iingat kayo sa pagpasok, susunod kami don okay?" Sabi ni tita, nakipagbeso-beso naman kami kay tita at agad na umalis ng bahay, mamaya pa ata aalis si Luis dahil hinihintay pa niya yung mga kaibigan niya.
***
"My loves!!" Sigaw ni Kino nang makita niya kami nila Meriza, kakapasok palang namin sa room.
"Ang aga-aga, Ang ingay!" Reklamo ni Safina.
"De takpan mo tenga mo!" Sagot naman sa kanya ni Kino. Yung dalawa talaga nato, gagraduate nalang nag-aaway pa.
"Good morning class, complete na ba kayo?" Tanong ni maam samin nang dumating siya.
"Yes ma'am." Sagot naman nung secretary namin.
"Ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo sa gym."
Agad kaming pumunta sa gym, dahil sa sobrang daming nag-aaral dito sa Tokiwadai halos mapuno na yung mga seats, buti nalang may nakalaan talaga na seats para sa bawat sections.
***
Nagsimula na ang ceremony, isa isa nang tinawag ang pangalan ng bawat students.
"Omg ka Safina! tinitilian ka ng lahat!" Masayang sabi ni Meriza pagbalik ni Safina sa pwesto niya. Pano kasi sobrang ganda ni Safina ngayon as in tapos ang ganda ng speech niya, nagustuhan yata siya ng mga tao.
At ngayon si Luis na mags-speech. Halos mamatay sa kilig lahat ng babae dito sa loob ng gym nang simulan na niya yung speech niya. Grabe sobrang cool niya, ni hindi man lang siya kinakabahan, ganitong ganito yung nakita at naramdaman ko noong una ko siyang makita 7 years ago, sobrang tagal ko na siyang crush, pero hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya din ako, kasi alam ko naman na never siyang magkakagusto sa isang tulad ko.
Nagulat nalang ako nang bigla akong kurutin ni Meriza kaya napatigil ako sa pagda-day dream ko.
"Ikaw na!" Sabi niya.
"Huh?" Tanong ko naman sa kanya.
"Uulitin ko. Kleus, Lavinia, Sekral." Agad akong napatayo nung marinig ko yung pangalan ko kaya nagtawanan ang lahat, kanina pa pala ako tinatawag.
Umakyat na ako sa stage at tinanggap yung diploma ko, matapos kong mag-speech ay agad na nagpalakpakan ang lahat.
"My loves ko yan!" Sigaw ni Kino. Natawa nalang ako sa ginawa niya at agad na bumaba ng stage.
***
Natapos na ang ceremony at nagsimula nang magkagulo ang lahat, yung iba pumupunta sa mga kaibigan nila at yung iba naman ay pumupunta sa mga magulang nila.
Agad akong lumapit kay tita since wala naman si papa, umalis siya agad pagkatapos ng speech ko, may aasikasuhin pa kasi yon sa restaurant.
"Congratulations sa inyong tatlo, good luck sa college." Masayang sabi samin ni tita habang naglalakad kami palabas ng gym.
"Pi-picturan ko muna kayong tatlo." Sabi pa niya, at nag pictorial na nga kami dito.
Gulat na gulat si tita sa mga nakikita niya, halos lahat ng makita niyang mga students na couple ay pinipicturan niya.
"Ahhh grabe nakaka-miss maging student." Natatawang sabi niya. Para talagang kaedad lang namin si tita, ang cute.
Naagaw naman ang pansin namin nang isang babae na hinihingi yung second button nung lalakeng kausap niya. Kapag kasi ibinigay sayo ng crush mo yung second button sa coat niya it means na mahalaga ka para sa kanya.
"Omg Vinia, hingin mo yung second button ni Luis." Mapang-hamon na sabi sakin ni Meriza. Napatingin naman ako kay Luis na ngayon ay pinapalibutan ng mga babae na nanghihingi ng second button niya.
"Vinia, kaya mo yan." Sabi ni tita, nagulat nalang ako nang bigla nila akong itulak ng malapit na si Luis sa pwesto namin, teka? Parang nangyari nato ah? Deja Vu?
"Bakit?" Cold na tanong niya.
"A-hh e-hh a-no kasi."
"Gusto niyang hingin yung second button mo!" Sigaw ni Safina.
"Ayoko." Tipid at masungit na sabi niya tsaka siya umalis, naiwan naman akong nakayuko.
"Okay lang yan." Sabi ni tita, tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa parking lot, nandito din kasi si tito at dala niya yung kotse niya
***
"Bye Lavinia, kita-kits mamaya sa grand ball." Sabi ni Safina, nag-wave naman ako sa kanila bago sumakay sa kotse.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
Fiksi PenggemarWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss