Lavinia's POV"Ano to?" Biglang sabi ni Jelo sa kalagitnaan ng pag-kain namin, kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Ah eh medyo nasunog ko kasi yung ado-."
"Medyo?! Eh lasang uling na ata to eh." Mapang-asar pa na sabi niya kaya naman pinalo ni tita yung kamay niya.
"What's this?" Turo naman ni Luis sa niluto kong scrambled eggs na durog durog. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong mapapahiya na naman ako.
"Pagpasensyahan niyo na yung anak ko, hindi niya kasi nakuha yung galing ko sa pagluluto. Kaya kapag nag-asawa yan for sure mahihirapan ang mapapangasawa niya." Sabi naman ni papa. Nakakainis ako na naman pinag-uusapan nila.
"Nako Ray, hindi mo na dapat alalahanin yon dahil si Vinia at ang Luis ko ay magpapakasal balang araw." Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ni tita.
"Ano?!" Sabay na sabi namin ni Luis.
"Wag na kayong mahiya alam ko namang type niyo ang isat isa, diba?"
"O- hindi po! Hindi po si Luis ang type ko." Pagre-react ko sa sinabi ni tita.
"Talaga lang huh?" Napatingin naman ako kay Luis dahil sa sinabi niya, ano bang gusto niyang palabasin?
"Anong ibig mong sabihin?" Inis na tanong ko sa kanya.
"Dear Luis Valtimontar, Ako nga pala si Lavinia Kleus, you can call me Vinia for short. First time ko lang gumawa ng love letter kaya sana maintindihan mo kung may mali man sa love letter na ito. Gusto ko lang na malaman mo na crush na crush kita, simula pa lang noong highschool crush na kita, ang cool at ang ang talino mo kasi, sobrang kinikilig ako sa tuwing nakikita kita." Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilan yung sarili ko na sampalin siya, magkatapat lang kasi kami kaya madali ko siyang naabot. Agad naman siyang napatayo sa kinauupuan niya at hinampas yung lamesa.
"Bakit mo ako sinampal?!" Inis na tanong niya sakin.
"Bakit mo ni-recite sa harap nila yung love letter?!" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.
"Bakit? Kasalan ko ba na nakabisado ko agad yung letter? At tsaka para sakin naman yon diba?!"
"Oo para sayo yon! Pero hindi ibig sabihin non na pwede mong basahin yon matapos mong tanggihan!"
"Bakit nagde-deny ka pa kasi? Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanila yung totoo?" Bwisit na lalakeng to, pahamak.
"Vinia, gusto mo ba talaga si Luis?" Tanong ni papa. Ano pa bang magagawa ko? Nasa hot seat na ako eh.
"Opo, pero wag po kayong mag-alala matagal ko na po siyang in-uncrush." Pagpapaliwanag ko kay papa.
"Omg! Sabi ko na nga ba, hindi pwedeng magkamali ang isang ina! ang saya saya ko, please Lavinia si Luis nalang ulit." Masayang sabi ni tita. Nako kung alam lang ni tita na hanggang ngayon baliw na baliw parin ako sa anak niya, kahit ilang beses ko pang subukan na kalimutan siya mukhang hindi na yata mawawala. Magsasalita na sana ako nang biglang may kumalampag sa glass door malapit dito sa dining room.
"Kino?" Gulat na sabi ko.
"Teka sino ba sila?" Tanong ni tito.
"Pasensya na po mga kaibigan at classmate ko po sila."
"Classmate? Eh di mga stupid din yan kagaya mo." Sabat naman ni Jelo.
"Nako papasukin mo." Tumango ako sa sinabi ni tita at agad na binuksan yung pinto, nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Kino agad din naman siyang bumitaw at pumunta kila papa at tita para magmano.
"Pasensya na Vinia hindi namin napigilan si Akino." Sabi sakin ni Meriza. Tumango nalang ako, wala naman talaga silang magagawa, si Kino yan eh.
"Ikaw! Pwede bang tigilan mo na si Vinia ko? Wala ka namang gusto sa kanya diba? Kaya wag mo na siyang paasahin pa!" Sigaw ni Kino kay Luis. Hindi ba siya nahihiya? Nasa bahay siya ng mga Valtimontar tapos sinisigaw sigawan niya si Luis.
"I knew it! Isa ka ding stupid!" Sabat na naman ni Jelo.
"Manahimik ka diyan duwende!" Sigaw ni Kino sa kanya, kaya naman natahimik siya at kumain nalang. Si Kino naman nag-peace sign lang siya kila tita. Grabe naka-drugs ata tong si Kino.
"Bakit? Malay mo bukas gusto ko na pala siya. Hindi mo masasabi kung ano ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw. Lalo na lagi kaming magkasama ni Lavinia, at tsaka wala naman siyang gusto sayo diba? Sa pagkaka-alam ko baliw na baliw siya sakin. Tapos na akong kumain." Matapos niyang sabihin yon ay agad siyang umalis sa dining room at naiwan kaming lahat na speechless. Bakit ganon siyang ka confident na baliw na baliw ako sa kanya? Well totoo naman yon pero...
Totoo bang nangyayari to? Sinabi ba niya talaga yon? Na possible siyang magkagusto sakin? O ginawa niya lang yon para inisin si Kino?
Hyssst Luis Valtimontar naman! Bakit ba ang paasa mo?
***
Maaga akong nagising ngayong araw dahil maaga akong natulog kagabi, 4:30 am palang. Akala ko kasi kapag natulog ako makakalimutan ko na kinabuksan yung mga sinabi ni Luis kagabi, pero mali pala ako, dahil pagka mulat palang ng mga mata ko yon agad ang pumasok sa isip ko.
Pipikit pa sana ulit ako para matulog, since hindi naman ako papasok dahil complete naman na ako sa lahat kaya lang biglang may kumatok.
"Wait po!" Sigaw ko at agad na bumangon at binuksan yung pinto.
Bumungad sakin si tita na may dalang maleta.
"Tita saan po kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.
"Tayo, aalis tayo ngayon. Igayak mo na yung nga gamit mo dahil aalis na tayo ng 5:30."
"Saan po ba kasi pupunta?" Pagtatanong ko ulit, bakit ba? Makulit ako eh.
"Sa Beach!"
"Sa Beach?!" Na eexcite na sabi ko, tumango naman si tita.
"Pano? Tutulungan ko lang si Jelo na mag-gayak ng damit niya, igayak mo na din yung sayo ah, 3 days tayo don."
"At oo nga pala isama mo si Safina at Meriza, natutuwa kasi ako sa dalawang yon. Tsaka kasama kasi ni Luis yung mga kaibigan niya, okay?" Dagdag pa ni tita sa sinabi niya at agad na umalis.
Dahil sa sinabi ni tita ay lalo akong na excite. Makakasama ko pa yung mga kaibigan ko ngayong summer vacation, na iimagine ko palang alam ko nang magiging masaya yung mangyayari.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss