Chapter 57: A fight in the cafeteria

51 8 7
                                    


Lavinia's POV

January na, one week and four days na ang lumipas simula nung i-celebrate namin ang new year at ngayon may pasok na ulit kami. Mas gusto ko na nga ngayon na may pasok eh, sa bahay kasi magkasama at nakikita ko nga araw-araw si Luis pero hindi naman niya ako pinapansin. Kaya mas okay na sakin yung may pasok, at least makakasama ko yung mga traydor kong bestfriends, plus mapapasaya pa nila ako.

Agad akong napatigil sa mga iniisip ko nang makita kong nag-aayos na ng gamit si ma'am, it means mag di-dismiss na siya ng klase.

"Class dismissed. By the way wag niyong kakalimutan na sabihin sa mga parents niyo na may camping tayo next week. Dito lang naman sa university natin gaganapin yung camping so sana payagan kayong lahat dahil sinisiguro ko sa inyo na sobrang saya non, lalo na makakasama pa natin yung iba pang mga college students. So bye class, enjoy your lunch time."

Pagkatapos ni ma'am sabihin yon ay agad siyang umalis ng classroom at agad din na nagka-gulo yung mga classmates namin. Kanya kanyang punta sa mga kaibigan nila, at ako naman agad akong tumayo at inayos yung mga gamit ko.

"So? Sasama kaba sa camping Ms. Kleus?" Tanong ni Safina nang makalapit sila ni Meriza sakin. Agad naman akong nag kibit-balikat sa tanong niya.

"Anong hindi mo alam? Sasama ka, ipagpapaalam kita kay tito. Hindi pwedeng may hindi sasama satin." Biglang sabi naman ni Meriza. Kokontra pa sana ako sa sinabi niya nang bigla akong hitakin ni Safina palabas ng room.

"Wag ka nang komontra samin okay? At pwede ba ngumiti ngiti ka naman diyan dahil pupunta tayo ng cafeteria. Gusto mo bang makita ka ni Mika na ganyan yung itsura mo at isipin niya na sobrang affected ka sa hindi pagpansin sayo ni Luis?"

Agad akong napa-isip dahil sa sinabi ni Safina. Bakit nga ba kasi sobrang affected ako sa ginagawang pag-iwas sakin ni Luis? Wala namang kami, wala naman siyang pake sakin, at mas lalong never siyang magkaka-gusto sakin. So anong karapatan ko para mag-emote?

°▪︎°▪︎°▪︎°

Pagdating namin sa cafeteria ay agad na bumungad samin ang sobrang daming students. Dati kasi sobrang unti lang ng kumakain sa cafeteria tuwing lunch time, forbidden na kasi ngayon ang paglabas ng mga student dito sa university namin kapag lunch time.

"Kami na ni Meriza bibili ng lunch natin, Humanap kana ng mauupuan natin." Sabi ko kay Safina. Tumango lang siya at agad na umalis kaya agad din kaming pumila ni Meriza. Sobrang haba ng pila ngayon nakakapanibago, buti nalang agad kaming nakapila.

"Ate next kana."

Agad akong napatigil sa mga iniisip ko nang biglang may kumausap sakin, napangiti nalang ako at nag-peace sign.

Nang maka-order na kami ni Meriza ay agad naming hinanap si Safina.

"Ayon siya sa dulo." Excited na sabi ni Meriza nang makita niya si Safina na kumakaway samin.

Papunta na sana kami sa table namin nang biglang madapa si Meriza. At nagsimula na ngang magtawanan ang lahat nang makita nila si Meriza na ngayon ay puro ulam ang uniform at umiiyak and I know na sinadya yon. How did I know? Because pagbagsak ni Meriza nakita ko si Mika na mabilis na ibinabalik yung kaliwang paa niya sa ilalim ng table.

Agad namang lumapit samin si Safina na ngayon ay pasugod na sa pwesto nila Mika kaya agad ko siyang hinawakan. Siguro nakita din niya yung ginawa ni Mika.

"Calm down, hindi na dapat pinapatulan pa yung mga ganyan." Bulong ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang si Safina at agad naming nilapitan si Meriza at tinulungang tumayo.

"Na-video niyo ba? Nakakatawa noh? Mas masaya sana kung silang tatlo, diba girls?"

Paalis na sana kami nang biglang magsalita si Mika na kinainit ng ulo ko.

"What did you say?!" Pasigaw pero kalmadong sabi ko habang palapit sa table ni Mika at nang mga kaibigan niya.

"Ang sabi ko mas masaya sana kung ikaw at yung isa mo pang kaibigan na chaka ang makikita namin sa sahig nayan habang umii-."

Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya dahil sa ginawa ko.

Itinapon ko lang naman sa pagmumukha niya yung pagkalamig-lamig na chocolate shake na iniinom niya. Agad namang nagsigawan ang mga tao sa buong canteen. Mukang tuwang tuwa yata sila sa nangyayari ngayon.

"You deserved it!" Sigaw ko sa kanya.

Aalis na sana ako nang pigilan niya ako at tinapunan din niya ako ng strawberry shake sa uniform ko which is drink ng kaibigan niya.

"Now we're even, baka pwede na akong umalis." Mapang-asar na sabi ko at tinalikuran na siya.

"No! Hindi pa tayo tapos." Rinig kong sabi niya. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hitakin yung buhok ko. Hindi ko man gustong gawin pero no choice na ako kaya sinabutan ko na din siya. Hindi naman yata ako papayag na buhok ko lang yung magkaka-damage sa away nato.

"Baliw kana!"

"Oo baliw na ako at kakalbuhin talaga kita!" Inis na sagot niya sakin.

"Ikaw ang kakalbuhin ko, bitawan mo nga yung kaibigan ko!" Sabi ni Safina at aawat sana samin pero nilapitan siya nung isang kaibigan ni Mika at ngayon sila naman ang nag-aaway. Ganon din si Meriza na aawat lang din sana pero nauwi nadin sa pakikipag away.

"Alam mo Mika? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit inis na inis ka sakin!" Sigaw ko sa kanya habang nagsasabunutan parin kami. Nakakahiya, college na kami pero eto kami nakikipag-rambulan dito sa cafeteria.

"Hindi mo talaga maiintindihan dahil wala kang utak! At dahil wala kang utak kaya kahit kailan hinding hindi ka magugustuhan ni Luis! Kaya don't assume na magkakagusto siya sa isang panget, weird! bobo! happy go lucky! feelingera! lampa! tanga! At malan-."

"Stop it Mika!"

***

A/N

Annyeong! Sorry for not updating this story for too long, nag celebrate kasi ako ng 17th birthday ko which is nung October 30 pero kahapon lang kami nag celebrate, and nung naka raan naman nag focus ako sa exam ko, so I will try to update everyday this week kahit performance week namin.

By the way Happy 2k reads, sana dumami pa kayo, napaka gandang gift nito guys💜

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon