Chapter 36: Missing Bracelet

60 10 0
                                    


Lavinia's POV

"Good morning, kumain kana at baka ma-late kapa." Sabi ni tita nang makita niya akong dumating dito sa dining room.

"Good morning din po." Sabi ko naman at agad na umupo para kumain.

Teka? Bakit kami lang dalawa ni tita?

"Tita nasaan po sila? 6:00 AM palang naman ah? Bakit wala na sila agad?"

"Yung papa at tito mo maagang umalis, ganon din si Luis tapos si Jelo tulog pa." Sagot ni tita sa tanong ko, napatango nalang ako at kumain na.

Ilang months na ang lumipas simula nung nangyari yung first date namin ni Luisbat ilang months na din niya akong hindi pinapansin, lagi niya akong iniiwasan.

***

"Lavinia Kleus! Nasan kana? Magti-time na!" -Safina.

Halos mabinge ako nang sigawan ako ni Safina mula sa phone, 7:50 na kasi. On the way palang ako papuntang school, sobrang sakit kasi ng puson ko kanina meron kasi ako ngayon.

"Malapit na ako, mauna na kayo sa room." Sagot ko sa kanya at inend call na.

Tatawid na sana ako sa kabilang lane ng kalsada nang biglang may bumusina sakin.

Gago to ah?! Papatayin ba niya ako?

Sa sobrang inis ko ay hinampas ko yung kotse niya, hindi ko siya makita dahil tinted yung salamin ng kotse niya.

Imbis na bumaba siya at mag-sorry sakin ay binusinahan niya ako ulit, kaya napa-alis ako sa harap ng kotse niya at pinaandar niya yung kotse ng slight para matapat sakin yung bintana at tsaka niya ito binuksan.

"Hi Ms. Nice butt." Naka-smirk na sabi niya sakin sabay kindat at tsaka niya pinaharurot yung kotse niya.

Ano daw? Nice butt? Gago yon ah? Kagaya niyang bastos yung lala-

Teka? Siya din ba yon?

Napa-iling nalang ako at nagtatakbo na, dahil sobrang late na talaga ako.

***

Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa room namin, sumilip muna ako sa bintana para i-check kung may teacher, buti wala kaya agad akong pumasok.

"Finally!" Sigaw ni Meriza sabay lapit niya sakin at hinitak niya ako paupo sa tabi niya.

"Ayos ah? Sana all late. Pasalamat ka walang klase buong maghapon."

Napatingin naman ako kay Safina dahil sa sinabi niya.

"Huh? Bakit? Anong meron?" Nagtatakang tanong ko. Clueless yata ako sa mga nangyayari ngayon.

"Hindi mo ba alam? Diba ini-announce ni maam sa gc natin na na-move yung intrams natin ngayon? Bakit hindi mo alam? Ang dami ngang dumating na mga basketball players ng ibat ibang school eh." Sagot ni Safina sa tanong ko.

"Oo nga, may mga dumating na kanina. Ang gwapo nung isa." Kinikilig na sabi naman ni Meriza.

"Talaga ba? Eh bakit minamadali mo ako Safina? Eh di sana hindi nalang ako pumasok, ang sakit pa naman ng puson ko ngayon." Nakasimangot na sabi ko.

"Pwede ka namang umuwi eh, hindi mo nga lang mapapanod yung laban nila Luis mamaya."

"Laban? Sumali siya sa basketball this year?" Gulat na tanong ko sa sinabi ni Safina. Hindi yata ako updated, hindi ko pwedeng ma-missed to.

"Yup, ang tagal tagal mo nang crush si Luis pero hindi mo man lang alam na sumali siya sa basketball." Sagot niya.

"10:30 AM yata start nung laban ng college, ano manonood ba tayo?"

"Oo naman, hindi ko pwedeng ma-missed yon." Sagot ko sa sinabi ni Meriza.

***

10:00 AM na, at 30 minutes nalang mags-start na yung laban ng mga college sa basketball kaya eto kami ngayon, pupunta kami ng maaga sa gym para hindi kami maubusan ng seats.

Malapit na kami sa gym nang mapatingin ako sa wrist ko, nawawala yung bracelet na binigay sakin ni Jelo.

"Mauna na kayo sa gym, i-save niyo nalang ako ng seat." Sabi ko at agad na naglakad papunta sa cr. Sa cr at room lang naman kasi ako nagpunta kanina.

"Hoy bakit?!" Sigaw sakin ni Meriza pero hindi kona siya pinansin.

Pagdating ko sa cr ay agad kong chineck yung cubicle na pinasukan ko kanina pero wala akong nakitang bracelet kaya agad akong naglakad papunta sa room, pero wala din.

"Hyssst, bahala na nga." Sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng room. Habang naglalakad ako ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong chineck kung sino yung tumatawag, si Kino lang pala. Sasagutin kona sana yung tawag niya nang bigla akong may makabungguan, sisitahin kona sana siya nang makita ko yung mukha niya.

"Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo dito?" Inis na sabi ko.

"Obvious ba? At bakit parang gulat na gulat ka? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" Sarcastic na sabi niya, napatingin naman ako sa suot niya, naka-jersey siya, so it means na maglalaro siya ngayon.

"Oo nga pala, mahilig ka sa bola. Galingan mo huh? Baka kasi mamaya may tamaan ka nanaman ng bola." Masungit na sabi ko at aalis na sana nang makita ko yung wrist niya, suot niya yung hinahanap kong bracelet.

"Akin yan ah?! Kanina ko pa yan hinahanap, isoli mo sakin yan!" Sabi ko sabay turo sa bracelet.

"Chill, Hindi ko naman ina-angkin, isosoli ko sayo to." Sabi niya at hinubad niya yung bracelet at inabot ito sakin, kukuhanin kona sana nang bigla niya itong itaas.

"Kung maaabot mo." Mapang-asar na sabi niya at lalo niyang itinaas yung kamay niya nang sinubukan kong abutin yon.

"Ano bang problema mo Mr. Arrogant slash Mr. Pervert. Akin na nga yan! Mag te-ten thirty na oh! Mags-start na yung laban!" Inis na sabi ko habang pilit na inaabot yung bracelet sa kamay niya.

"Ah, so papanoorin mo pala ako." Nakangiting sabi niya.

"Yuck! Eww! Wag ka ngang assuming! Ibigay mo nalang kasi sakin yung bracelet." Sabi ko at sinubukang tumalon para maabot yung bracelet pero pagbagsak ng mga paa ko ay na-out of balance ako, akala ko mahuhulog na ako, pero sinalo niya ako.

Hindi ako makagalaw dahil sa position namin. Nakahawak siya sa likod ko at nakahawak naman ako sa batok niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatitig lang siya sakin, yung para bang naka-super glue yung mga mata niya sa akin.

"Ehemmm!" Nagulat nalang ako nang biglang may umubo, at mas lalo akong nagulat nang makita ko kung sino yon.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon