Chapter 55: Broken Santa Claus

68 11 0
                                    


Lavinia's POV

Shemay?!! May nagbubukas ng front door!

Hindi kaya magnanakaw naman to?

Anong gagawin ko?

"Okay Lavinia kalma lang." Sabi ko sa sarili ko at dahan-dahan na naglakad papunta sa kitchen.

Pagpasok ko sa loob ng kitchen ay agad kong nakita yung kitchen knife.

No! Hindi naman ako mamamatay tao para gamitin yan. Inikot ko pa yung paningin ko sa buong kitchen, hanggang sa mahagip ng mata ko yung frying pan.

Tama, ito nalang. At least dito magkaka-bukol lang siya.

Agad kong kinuha yung frying pan at agad na nagpunta sa gilid ng front door, sinusubukan parin niyang buksan yung pinto.

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at nag sign of the cross.

"Papa God, kayo na po ang bahala sakin." Mahinang sabi ko at kasabay non ang pag-unlock ng pinto. Dahan dahang bumukas yung pinto kaya agad kong ini-ready yung frying pan na hawak ko.

Pumasok na siya sa loob, hindi ko siya makita dahil nakaharang yung pinto. p
Pag-sarado niya sa pinto ay napapikit nalang ako at agad ko siyang pinaghahampas ng frying pan.

"Walangya ka! Magnanakaw! Magnanakaw!!!!!!!!!!" Sigaw ko at ginamit ko talaga lahat ng lakas ko para lang hampasin siya ng frying pan, sorry nalang kay tita kapag nasira ko to.

"Are you crazy?!" Agad akong napa-dilat at napa-tigil sa paghampas sa kanya nang marinig ko ang galit niyang boses.

"Luis?!! Omg? Sorry sorry, hindi ko sinasadya." Sabi ko at agad kong binitawan yung frying pan. Hahawakan ko sana yung part na nahampas ko ng paulit-ulit sa kanya which is yung ulo niya pero pinigilan niya ako.

Grabe, sobrang nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya.

♤°♤°♤°♤

Akino's POV

"Wag kang mag-alala my loves ko, papunta na ako diyan." Masayang sabi ko sa sarili ko nang matapos ko na yung mga niluto kong pagkain para kay Lavinia.

1:15 AM na, for sure gutom na gutom na yon.

Agad kong nilagay sa isang tupperware yung mga niluto ko at agad na isinarado yung restaurant ni papa.

Oo nga pala, pupunta pa ako sa condo ko para kuhanin yung Santa Claus na costume ko. Wala man akong mamahalin na regalo kay Lavinia pero alam kong mapapasaya ko naman siya ngayon.

●•●•●•●

Nasa condo na ako at agad kong hinanap yung Santa Claus costume, ang alam ko kasi meron ako non.

Nang mahanap ko na yung costume ay agad akong napangiti at isinuot yon. Excited na talaga akong makita siya.

"Wait for me my love! Papunta na ako." Naka-ngiting sabi ko sa sarili ko at agad na umalis sa condo ko. Pagdating ko sa bahay nila ng mga Valtimontar ay nadatnan kong bukas yung gate.

Tsk, di talaga nag-iingat yung babaeng yon. Paano kung may ibang pumasok dito?

Napabuntong hininga nalang ako ng malalim at ngumiti bago ako pumasok. Since gusto ko siyang i-surprise, pumunta ako sa likod ng bahay. Naka patay lahat ng ilaw pwera lang dito.

Pagsilip ko sa bintana ay agad kong nabitawan yung tupperware na dala ko, kasabay non ang unti-unting pagkawala ng mga ngiti sa labi ko.

Akala ko wala siyang kasama, pero meron pala.

Masaya, masayang makita yung taong mahal mo na nakangiti. Pero sobrang sakit pag ibang tao naman yung dahilan kung bakit siya ngumingiti.

Ngumiti nalang ako ng pilit at agad na umalis sa bahay ng mga Valtimontar. Sobrang sakit kasi na makita silang magkasama, si Lavinia at Luis.

○●○●○●○

Lavinia's POV

"Aray, masakit!" Masungit na sabi ni Luis at agad niyang inagaw sakin yung medical ice bag na kakapatong ko palang sa bukol niya sa ulo. Nasa living room kami ngayon, hindi kasi talaga ako makaka-tulog hanggang hindi ko nakikita na okay na siya.

"Sorry talaga. Ikaw naman kasi pwede ka namang mag- doorbell, bakit pinipilit mo pang buksan yung front door." Dahil sa sinabi ko ay agad siyang napatingin sakin.

"So now, sinisisi mo na ako sa ginawa mo? May key ako ng front door, malamang gagamitin ko yon para makapasok." Masungit parin na sabi niya sakin. Napa-peace sign nalang ako at napatingin sa table.

"Hala? Cake? Para sakin ba yan?" Masayang tanong ko. Actually marami siyang dala pero yung cake talaga yung una kong napansin, chocolate flavor kasi eh.

"Wag ka ngang assuming, binili ko yan dahil gusto ko ng cake. Pero dahil mabait ako bibigyan kita."

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya at binuksan ko na yung cake.

♡♡♡♡♡

Luis's POV

"Wag ka ngang assuming, binili ko yan dahil gusto ko ng cake. Pero dahil mabait ako bibigyan kita."

Agad siyang napangiti sa sinabi ko at binuksan niya yung cake at tsaka ito tinitigan. Actually binili ko talaga yung cake para sa kanya. Alam ko kasing gusto niya ng chocolate cake at alam ko din na walang pagkain dito sa bahay kaya bumili na din ako ng isang bucket ng chicken and bumili din ako ng carbonara para saming dalawa.

"Are you hungry?" Dahil sa tanong ko ay agad siyang napa-ayos ng upo at tumingin sakin.

"Kanina pa, trinaydor kasi ako ng mga kaibigan ko. Hindi man lang nila sinabi sakin agad na hindi sila makakapunta. Kaya nag-cup noodles nalang ako." Sabi niya agad naman akong napatingin sa dalawang cup noodles na nakalagay dito sa table. Buti nalang talaga naisipan kong umuwi.

"Oo nga pala, diba dapat nasa Noche Buena kapa sa company? Maaga pa ah." Nagtatakang tanong niya.

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Na hindi ako tumuloy dahil sa kanya?

"Boring kasi don, kaya umuwi ako." Pag dadahilan ko, tumango lang siya kaya agad kong ibinaba yung medical ice bag at binuksan yung isang carbonara sabay bigay sa kanya.

Nung una nagulat siya pero agad din niyang kinuha yon at napa-ngiti ng todo.

"Thank you Luis. Akala ko talaga matutulog ako ng gutom ngayon. Oo nga pala may gift ako sayo, wait lang ah." Sabi niya at agad na umalis.

Pagbalik niya ay may dala siyang isang maliit at malaki na gift, agad niyang binigay sakin yung maliit kaya naman agad ko din itong binuksan.

Niregaluhan niya ako ng isang bracelet. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa, hindi ko magawang ipakita sa kanya na masaya ako dahil sa kanya.

"Look, couple tayo." Masayang sabi niya sabay pakita sakin nung wrist niya, tumango lang ako at ipinakita sa kanya yung serious face ko.

"Sorry, eto pa." Sabi pa niya sabay abot sakin nung isa pa niyang gift.

Pagbukas ko sa regalo niya ay agad akong napatingin sa kanya.

So alam niyang gusto kong maging doctor? Niregaluhan niya ako ng book about sa pagiging doctor.

"Pasensya kana ah? Yan lang kasi naisip ko na gusto mo." Masayang sabi niya.

Magsasalita na sana ako nang mapatingin ako sa cellphone ko na ngayon ay vibrate nang vibrate.

Pag open ko ng cellphone ko ay bumungad sakin ang napaka-daming text ni Mika.

Hindi ko nalang siya nireplayan at kumain nalang. Kahit na kaming dalawa lang ni Lavinia ang magkasama ngayon feeling ko masaya na ako.

Hindi pa ako sure sa nararamdaman ko kaya ayokong magpa-kita ng motibo sa kanya.

♡♡♡♡♡

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon