Lavinia's POVIt's been a week since nung umalis si Luis sa bahay. Mas lalong lumiit yung chance para saming dalawa, ni hindi kona nga siya nakikita araw-araw eh. Tapos lagi pa silang magkasama ni Mika. Hindi ko ba alam kung friends or may something na sa kanila.
"Ms. Kleus!" Agad akong napatigil sa mga iniisip ko at napatayo.
"Yes ma'am?" Kinakabahan na tanong ko. Omg baka tanungin niya ako about sa diniscuss niya, wala pa naman akong naintindihan ngayon.
"Spacing out again huh?"
"Sorry ma'am, masama lang po pakiramdam ko." Sabi ko nalang. Well masama naman talaga pakiramdam ko ngayon, ang sakit sakit ng ulo ko.
"Okay I understand, goodbye class." Sabi niya at umalis na. Agad naman akong nilapitan nila Safina at Meriza.
"Girl ano bang nangyayari sayo? Like what the heck?! Mag-iisang linggo ka nang lutang sa klase."
"Sorry okay? Lagi ko parin kasing naiisip si Luis. Ang hirap na once ko nalang siya nakikita, sobrang insecure na talaga ako kay Mika. Sa tingin ko sobrang close na talaga nilang dalawa, nakakainggit diba?" Sagot ko sa sinabi ni Safina, agad naman akong inakbayan ni Meriza.
"I feel you girl, ganyan din na fe-feel ko kapag naiisip ko kayo ni Kyron noh." Napakunot naman ako ng noo at agad na tumingin sa kanya.
"What do you mean?"
"What do you mean kapa diyan ah. Akala mo ba hindi ko alam na pinuntahan ka ni Kyron sa restaurant ni tito kahapon. Ang tagal tagal kona siyang crush pero hanggang ngayon di parin kami close. Pero okay lang may love life naman ako." Dahil sa sinabi ni Meriza ay mas lalong kumunot yung noo ko.
"Love life?!!! May boyfriend kana?" Gulat at sabay na tanong namin ni Safina sa kanya.
"Easy lang kayo okay? Naging kami kagabi. Don't worry ipapakilala ko kayo sa boyfriend ko soon. Sa ngayon kailangan ko munang umalis kasi may date pa ako, byeee!" Nagmamadaling sabi niya at agad na umalis.
"Gaga talaga yung babaitang yon, bigla bigla nalang nagkakaroon ng boyfriend."
"Okay lang yon, college naman na tayo at tsaka mukhang in love nga talaga siya. Hayaan nalang natin. Tara na, samahan mo nalang ako mag-ice cream ngayon libre ko." Sabi ko, napangiti naman siya at tumango, kaya agad kaming lumabas ng room. Wala pa kami sa kalagitnaan ng hallway nang biglang may tumawag sa kanya.
"Wait lang ah." Sabi niya at medyo lumayo sakin, tumango nalang ako at chineck yung ig ko.
Pagbalik ni Safina ay bigla niya akong niyakap at naramdaman ko na basa na yung balikat ko.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko at mas lalo lang siyang umiyak at bumitaw sa pagkakayakap sakin.
"Yung lola ko, wala na yung lola ko. Sorry Vinia pero kailangan ko nang mauna. Hinihintay pala kasi ako ng tito ko sa labas, ingat ka ah, text mo ako kapag naka-uwi kana."
"I understand Safina, ingat din and condolence." Sabi ko kaya naman niyakap niya ako ulit.
"Thank you, text me ah. Babawi ako promise mag i-ice cream tayo ako ang manlilibre, byeee." Sabi niya at agad na umalis.
Napabuntong hininga nalang ako at agad na naglakad. Medyo dumidilim na, magsi-six PM na kasi eh.
Paglabas ko ng gate ay tatawid na sana ako sa kabilang lane nang biglang may bumusina sakin. Teka? Parang nangyari nato ah? Deja Vu? Tarantado yung nagda-drive ng kotseng to, papatayin yata ako.
Kumuha ako ng bato at hahampasin kona sana yung kotse nang biglang bumukas yung pinto.
"Kyron?!" Gulat na sabi ko.
"Grabe ka Lavinia, kakabili lang ng kotse ko gagasgasan mo agad." Natatawang sabi niya kaya agad kong binitawan yung bato at nag-peace sign nalang. Kaya pala hindi ko nakilala yung kotse niya kasi bago yung gamit niya. Kahapon kasi black, tapos ngayon naka-white, ang yaman din talaga ng family nila. Lumapit siya sakin at bigla niyang ginulo yung buhok ko.
"So saan ka pupunta?"
"Balak ko sanang mag-ice cream kaya lang wala na akong kasama kaya uuwi nalang ako. Sige mauna na ako." Sabi ko at aalis na sana pero agad akong napahinto nang makita ko si Luis. Syempre kasama niya ulit si Mika. Ano pa bang bago don? mukang may pinag-uusapan sila, tumatawa kasi si Mika.
Nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Kyron yung kamay ko at sakto nakita nila kami.
"Kyron Monterde?" Gulat na sabi ni Mika.
Napatingin naman ako kay Luis, nakatingin lang siya ng walang emotion samin.
"Yup, excuse me may date pa kasi kami eh." Sabi ni Kyron at agad niya akong hinitak at pinasakay sa kotse niya.
***
"Girlfriend niya?" Biglang tanong ni Kyron sa kalagitnaan ng pagda-drive niya.
"Hindi, ewan? Wala akong alam. Ang alam ko lang may gusto si Mika sa kanya. Hindi ko alam kung may something ba sa kanila." Sabi ko. Wala siyang naging reaction sa sinabi ko, 3 minutes din siguro kaming nakatahimik bago siya nagsalita ulit.
"Ice cream tayo? Treat ko ulit." Tanong niya. Agad naman akong napangiti at tumango sa kanya.
"Treat mo ah." Sabi ko. Tumingin siya sakin at kinindatan ako. Nako kung hindi ko talaga siya naging ka-close baka hanggang ngayon manyak parin ang tingin ko sa kanya.
Pagdating namin sa ice cream shop ay agad kaming bumili, syempre mint chocolate chip again. Favorite ko talaga kasi yon eh.
Since gabi na, tinake out nalang namin yung ice cream.
"So hahatid na kita?" Tanong niya nang makasakay na kami sa kotse niya.
"Pwede idaan mo muna ako sa malapit na convenience store dito, may kailangan lang akong bilin." Sabi ko habang naka-peace sign. Ngumiti nalanag siya at tumango.
***
"Saglit lang ako promise." Sabi ko at agad na pumasok sa convenience store. Bumili lang ako ng chocolate, ang takaw ko puro pag-kain na nasa isip ko.
Paglabas ko ng store ay pupunta na sana ako kung saan nag-park si Kyron nang makita ko si Luis.
****
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss