Luis's POV12:00 AM na pero hanggang ngayon nasa daan parin ako. Sobrang traffic kasi, papunta palang ako sa condo ni Mika. Sobrang late na kami.
Habang nagda-drive ako ay biglang tumunog yung phone ko, agad ko namang kinuha yon at tiningnan kung sino yung nag-text.
"Anak, nasan kana? Kung malayo ka pa please paki-kuha naman yung gift na pinabili ko sa assistant ng papa mo. Sa 7/11, yung may katabing milk tea shop, thank you.- Mama."
Napabuntong hininga nalang ako nang mabasa ko yung text ni mama. Buti hindi ko pa nalalagpasan yung 7/11 na sinasabi niya.
Nang makita ko yung 7/11 ay agad kong pinark yung kotse ko at pumasok sa loob, agad ko din namang nakita yung assistant ni papa.
"Sir, Kayo po ba si Mr. Luis?" Tanong niya. Tumango lang ako at agad niyang inabot sakin yung gift na pinabili ni mama.
"Thanks." Sabi ko at agad na bumalik sa kotse ko.
Pina-andar ko na ito at aalis na sana ako nang makita ko si Meriza. Teka? Kasama niya si Wency? So si Meriza pala yung sinasabi ni Wency na girlfriend niya.
Wait? Ang alam ko dapat kasama siya ni Lavinia sa bahay ngayon? So sinong kasama ni Lavinia? Si Safina?
Agad kong chineck yung ig account ni Safina at tiningnan ko yung story niya. Kaka-post lang niya, si Roi ang kasama niya ngayon.
♧°♧°♧°♧
Akino's POV
"Akino!! Sa table 8." Sigaw ni kuya Dave. Agad ko namang kinuha yung order at dinala sa table 8. Actually dapat kanina pa naka-sara tong restaurant ni papa kaso padami nang padami yung costumer. Pasalamat si papa wala akong family na uuwian para mag-celebrate ng Noche Buena.
Kailan kaya matatapos to? Hanggang ngayon padagdag nang padagdag yung customer. Bakit ba kasi hindi nalang sila mag-handa at sa mga bahay nalang nila sila mag Noche Buena.
"Akino wag kang tumulala diyan, i-welcome mo yung mga bagong dating na customer." Sabi ni kuya Dave. Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa gilid ng pinto ng restaurant.
"Good morning ma'am, sir Merr-." Agad akong napatigil sa pag-sasalita ko nang makita ko si Safina. Teka? Bakit kasama niya yung kaibigan ni Luis? Sila ba? At tsaka ang alam ko sila dapat nila Lavinia at Meriza ngayon ang magkakasama.
"Safina, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Obvious ba? Kasama ko yung boyfriend ko at yung mga parents namin." Masungit na sabi niya sakin.
"Eh diba dapat kayo nila Lavinia at Meriza ang magkakasama ngayon?"
"Oo, pero hindi na ako pumunta. For sure ngayon magkasama na sila ni Meriza. Now pwede na ba kaming maghanap ng table?" Sagot niya sa sinabi ko, tumango nalang ako at agad na kinuha yung phone ko at tsaka ko tinawagan si Meriza.
"Hello? Nasan ka?" - Me.
"Eto, kasama ko yung boyfriend ko nas." - Meriza.
Pagaka-rinig ko palang sa word na boyfriend ay agad kong in-end yung call. Traydor talaga sila. So paano si Lavinia? Kawawa naman yung my Loves ko, mag-isa lang siya.
"Akino nasaan ka ba! Table 6 and table 15!"
Dahil sa sigaw ni kuya Dave ay agad akong napatigil sa mga iniisip ko at agad na bumalik sa pagtatrabaho.
♡☆♡☆♡☆
"Sa wakas natapos na!" Masayang sabi ko habang hinuhugasan yung mga pinggan.
"Pano Akini? Mauna na ako, may pamilya pa akong uuwian eh."
"Sige kuya Dave ako nang bahalang magsarado ng restaurant ni papa, ingat kana lang." Pagka-sabi ko non at agad pinat ni kuya Dave yung balikat ko at umalis na siya.
Sinadya ko kasi na magpa-iwan talaga dito. Dahil ipagluluto ko si Lavinia ng masasarap na pag-kain. For sure sobrang lungkot niya ngayon. Tapos pagkatapos kong magluto kukuhanin ko sa condo ko yung costume ni Santa Claus, isu-surprise ko siya.
Naiisip ko palang yung magiging reaction niya sobrang saya na ng puso ko. Paano pa kaya mamaya?
°□°□°□°
Lavinia's POV
Malapit nang mag 1:00 AM. Gutom na gutom na ako. Hindi pa naman ako kumain ng dinner kanina kasi sabi nila Meriza sila ang mag'dadala ng mga pag-kain, tapos ngayon wala sila dito. Ang daya nila, mga traydor talaga, hindi ko talaga sila papansinin.
At dahil nga gutom na gutom na ako, naghanap ako ng makakain sa kitchen. Tiningnan ko yung ref pero puro soft drinks nalang at tubig ang nandito at tsaka may fresh milk pa pala.
"Hyssst! Dapat pala sumama nalang ako kila tita. Napaka-traydor talaga nung dalawang yon!" Inis na sabi ko at agad na tiningnan yung cabinet, and luckily nakakita ako ng dalawang cup noodles. Hindi naman sana ako magka-UTI pag kinain ko pareho to.
Nang maluto ko na yung dalawang cup noodles ay agad akong pumunta sa living room. Pinatay ko yung ilaw at umupo ako sa sofa at tsaka ako nanood ng tv. Tanging ang tv lang ang nagbibigay ng liwanag sakin. Pero nakaka-inis, yung mga palabas sa tv, lahat sila masayang nag No-Noche Buena kasama yung mga mahal nila sa buhay.
Kung sumama nalang sana ako kila tita eh di sana kasama ko pa si Luis ngayon at nababantayan ko siya kay Mika. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Siguro sobrang saya ni Luis dahil kasama na naman niya si Mika. Sana kasi nagsabi man lang sila Safina at Meriza sakin na ang gusto pala nilang makasama sa Noche Buena ay yung mga boyfriend nila at hindi ang bestfriend nila.
Napa-iling nalang ako dahil sa mga iniisip ko at napabuntong hininga. Bakit ba kasi mag-isa ako? Dapat kanina pa ako naka-kain ng masarap kung pumunta lang sana sila.
"Okay lang yan Lavinia! Masarap naman yung cup noodles diba? At least may kinakain ka. Magka-iba pa yung flavor niyan, beef and seafood." Sabi ko sa sarili ko at agad na sinimulang kainin yung isang cup noodles, which is yung seafood flavor.
Nakaka-dalawang subo palang ako ng noodles nang may marinig akong kakaiba kaya agad kong pinatay yung tv at pinakiramdaman yung paligid ko.
Shemay?!! May nagbubukas ng front door!
Hindi kaya magnanakaw naman to?
Anong gagawin ko?
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss