Lavinia's POVDahil sa kaba ay agad kong tinawagan sila tita pero hindi sila sumasagot. Hindi ko naman alam yung bagong number ni Luis, nagpalit na kasi siya ng number simula nung umalis siya dito.
Ayoko mang istorbohin si Kyron ng 1:00 ng umaga pero kailangan talaga.
So nag-decide ako na tawagan siya. Nakakadalawang ring palang sinagot na niya agad yung tawag ko. Thank god gising pa siya ng ganitong oras.
"Hello Kyron, na istorbo ba kita?" Natatarantang sabi ko.
"Hey? What happened? Bakit ganyan boses mo? Umiiyak kaba?" - Kyron.
"Kyron help me, hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Calm down okay? take a deep breath and tell me what happened to you." - Kyron.
"Kyron si Jelo kasi, sobrang taas ng lagnat niya at nagsusuka pa siya, then puro rashes yung likod niya. Iyak lang siya nang iyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"It might be dengue Lavinia. Just wait me, we will rush him to the hospital." - Kyron.
"Thank you so much, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."
"Diba I told you, anytime na kailangan mo ako dadating ako. Now get ready and don't panic, just wait me there." - Kyron.
Napatango nalang ako kahit hindi naman niya ako nakikita at in-end kona yung call.
Buti nalang talaga gising pa siya.
♧°♧°♧°
Kyron's POV
Pagdating na pagdating ko sa tapat ng bahay nila Luis ay agad akong bumusina, agad namang lumabas si Lavinia at pinapasok niya ako.
Pagpunta namin sa kwarto ni Luis ay nadatnan namin si Jelo na nakatayo.
"Jelo, anong masakit sayo?" Nag-aalalang tanong ni Lavinia at agad niyang nilapitan si Jelo. Nagulat nalang kami nang bigla siyang himatayin.
"Let's go, we need to go." Sabi ko at agad kong binuhat si Jelo.
"Mauna na kayo sa sasakyan, ilo-lock ko lang yung mga pinto at gate." Tumango nalang ako sa sinabi niya at agad na dinala si Jelo sa kotse ko.
Siguro mga 2 minutes bago dumating si Lavinia.
▪︎■▪︎■▪︎■▪︎
Pag dating namin sa hospital ay agad siyang chineck nung nurse at may problem kami ngayon.
"Po? Hindi po ba pwede?"
"Sorry miss pero kailangan namin makausap yung family ng bata. Kahit one of his family lang miss before namin siya i-confine." Sabi nung nurse kay Lavinia. Agad namang siyang napahilamos sa mukha niya.
"Pano to?" Naiiyak na sabi niya.
"Si Luis, saan ko siya pwedeng puntahan?" Tanong ko sa kanya agad naman siyang napatingin sakin at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam. Wala din naman akong number niya, kaya ikaw talaga yung naisipan ko na tawagan kan-." Bigla siyang napatigil sa sinasabi niya.
"Why?" I asked.
"Hindi kaya alam ni Mika kung saan siya nakatira?"
"Ako nang bahala, iiwan ko muna kayo dito." I said at agad akong umalis kahit alam kong may sasabihin pa siya.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss