Chapter 77: Fighting as if we had a Relationship

76 10 12
                                    


Luis's POV

It's 9:00 o'clock in the morning pero hanggang ngayon hindi ko parin maalis sa isip ko si Lavinia. Hindi ko maalis sa isip ko na lagi na niyang kasama si Akino. Gusto na kaya niya yung lalakeng yon? May relasiyon na kaya sila?

Wait? Bakit ko ba siya pino-problema? Bakit ko ba siya iniisip?

*Knock knock*

Agad na bumalik yung sense ko sa mundo nang biglang may kumatok. Napa-buntong hininga na lang ako at inayos yung necktie ko bago mag-salita.

"Come in." Tipid na sabi ko at bumungad sakin yung secretary ko na may dalang coffee.

"Mr. Valtimontar, here's your coffee." Masayang sabi niya. Tumango naman ako kaya agad niyang ibinaba yung coffee sa table ko. Saktong sakto may hangover ako ngayon dahil sa pag-inom ko kagabi.

Naalala ko tuloy yung ginagawang coffee ni Lavinia para sakin. Hindi man siya masarap magluto ng mga pag-kain pero sobrang sarap niyang mag-timpla ng coffee.

"Oo nga pala Mr. Valtimontar, don't forget po na may meeting po kayo mamayang 10:00 AM to 11:30 AM with Mr. Misashige. And 3:00 PM to 4:00 PM with Mr. Lopez."

"Okay Joy, thank you for reminding me." Sabi ko naman sa kanya kaya agad siyang napa-ngiti.

"Welcome po. By the way Mr. Valtimontar baka gusto mong sabay na tayong mag-lunch ka-"

Hindi na natapos ni Joy yung sinasabi niya, bigla kasing dumating si Terese.

"Oh? Anong tinitingin tingin mo diyan?! Umalis ka nga! Nilalandi mo pa yung fiancé ko." Sigaw niya kay Joy. Agad namang napa-yuko si Joy at lumabas ng office ko.

Tsk, kailangan ba niya talagang sigawan si Joy ng ganon? Lagi na lang niyang sinisigawan yung mga taong nadadatnan niya dito sa office ko.

"What?!" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Babe, samahan mo naman ako sa mall." Sabi niya at nagulat na lang ako nang bigla siyang umupo sa lap ko at kumapit siya sa leeg ko.

Pwede ko ba siyang itulak? Masyado kasi kung makadikit eh.

"What time?"

"Now, let's go." Masayang sabi niya at tumayo. Hihitakin na sana niya ako patayo pero agad ko siyang pinigilan.

"I can't, I still have a meeting to attend." Iritang sabi ko sa kanya at nag-focus na lang sa mga papers na kailangan kong pirmahan.

"So what? Remember Luis, I am Terese Vasco, your fiancée. So whether you like it or not sasama ka sakin." Sabi niya.

Napa-buntong hininga na lang ako at tumango sa kanya. Kung pwede lang manuntok ng babae kanina ko pa ginawa.

"By the way may nagustuhan akong restaurant. Gusto kong mag-dinner tayo mamaya sa restaurant na yon, okay babe?"

Tumango na lang ulit ako at agad na iniligpit yung mga papers.

Siguro kung hindi ako araw-araw na ginugulo ni Terese dito sa office, baka natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin.

♡°♡°♡°♡

Lavinia's POV

"Hyssst! Lunch time na agad? parang busog pa yata ako dahil sa kinain natin kaninang vacant time." Sabi ni Meriza habang tinititigan yung pag-kain niya.

"Eh bakit nag-order kapa kung hindi mo naman pala kakainin." Sabi ko naman sa kanya. Ang dami kaya niyang inorder, tapos hindi naman pala niya kakainin.

"Sus, problema ba yan? De ako ang kakain niyan lahat." Sabi naman ni Safina at agad niyang kinuha yung pag-kain ni Meriza.

"Oo nga pala. Sasamahan niyo ba ako sa restaurant ni papa mamaya?" Pagtatanong ko sa kanila at agad naman silang tumango.

"Oo naman. Wait change topic nga tayo. Ano bang itsura ni Terese Vasvo? Lagi kong naririnig yung name niya tapos hindi ko naman siya kilala."

Agad akong napatigil sa pag-kain ko dahil sa tanong ni Meriza.

"Seriously?! Sa lahat ng pwedeng i-topic si Terese pa talaga? Pero curious din ako. Ano nga bang itsura niya Vinia?" Sabi naman ni Safina at ngayon nakatingin sila sakin, naghihintay sa sasabihin ko.

"Si Terese? Maganda, sexy, mayaman, matalino at magaling sa lahat ng bagay."

"Hindi siya mabait?!" React ni Safina sa sinabi ko kaya agad akong tumango.

"Pano mo naman nasabi? Baka hindi ka lang nabaitan sa kanya kasi siya ang gusto at mahal ni Luis." Sabi pa ni Meriza kaya agad ko siyang tinaasan ng isang kilay.

"Are you sure Meriza? Mabait ba yung taong gusto mong ingudngod sa sahig ng mall noon?"

Dahil sa sinabi ko ay agad na nanlaki yung mga mata nila.

"What?! Totoo?!" Sabay na sabi nila, tumawa na lang ako habang tumatango.

°•○•°°•○•°°•○•°

"Vinia table 1 and 5, Safina table 8 and 10, Meriza table 12 and 15. Linisin niyo na agad dahil padami nang padami yung mga customer natin." Sabi ni papa. Agad naman akong pumunta sa table 1 at nilinis yon pagkatapos ay agad akong pumunta sa table 5. May naka-upo na agad kahit hindi pa nalilinis yung table.

"Wait lang po ma'am, linisin ko lang po yung table niyo." Sabi ko at agad na nilinis yung table 5.

"Omg Lavinia? Is that you? I didn't know na nagta-trabaho ka pala and dito pa talaga sa gusto kong restaurant, what a coincidence."

Agad akong napa-tigil sa paglilinis ng table 5 at napatingin ako sa katabing table ng table 5 which is yung table 6.

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Kino.

"My loves diba sabi ko magpahinga na kayo nila Meriza at Safina. Ako nang bahala diyan." Sabi ni Kino at agad niyang kinuha sakin yung mga maruruming pinag-kainan na hawak ko at bumalik na siya sa loob ng kitchen.

"Woah? And hindi ko din alam na may boyfriend ka pala." Dagdag pa ni Terese sa sinabi niya.

"It's none of our business Terese. We don't have a care even if she has a boyfriend." Cold na sabi naman ni Luis. Hindi siya tumitingin sakin.

"Excuse me, ma'am, sir." Sabi ko at ngumiti ako ng pilit sa kanila bago ako umalis at magpunta sa kitchen.

°•☆•°☆°•☆•°

"Vinia saan kaba nag-punta?" Tanong ni tita nang makita niya ako, kaka-uwi ko lang kasi.

"Sa restaurant po ni papa, tumulong po kasi ako." Sagot ko kay tita.

Magsasalita na sana si tita nang biglang sumarado ng sobrang lakas yung front door, kakadating lang din ni Luis.

"Tumulong kay tito o nakipaglandian lang kay Akino?"

Dahil sa sinabi ni Luis ay agad akong humarap sa kanya.

"Anong problema mo?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

"Magka-iba ang tumulong at nakipag-landian. So ano sa dalawa?" Sarcastic na sabi niya.

Ano bang gustong niyang palabasin? Na malandi ako?

"Bakit Luis?! Ikaw lang ba ang pwedeng makipag-landian? Eh diba nakikipag-landian ka din kay Terese kanina? At tsaka never akong nakipag-landian kay Kino!"

"Omg?! B-bakit kayo nag-aaway? Kinikilig ako!!!! para kayong mag-asawa." Dahil sa sinabi ni tita ay agad kaming napatingin ni Luis sa kanya kaya napa-peace sign siya.

"No! We're not!" Sabay na sabi namin kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin lang siya ng masama sakin at agad siyang naglakad paalis.

Anong problema niya? Siya lang ba ang pwedeng maging masaya? At tsaka hindi nanan ako nakikipag-landian kay Kino.

****

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon