Meriza's POV"Lagot tayo kay Vinia, sinabi natin kay Luis yung about sa proposal ni Akino." Kinakabahan na sabi ko habang tinatawagan ko si Vinia. Kanina pa siya hindi sumasagot sa mga tawag namin, pati sa text hindi nagre-reply.
"Ikaw lang noh! Ikaw kaya tong nagsabi kay Luis. At tsaka ano naman kung nalaman niya? Eh pare-pareho naman nating alam na wala siyang gusto kay Vinia at wala siyang pake kahit magpakasal pa si Vinia kay Akino kasi ikakasal din siya remember?" Sagot naman ni Safina sa sinabi ko.
Kaya tinigilan ko na yung pag-contact kay Vinia at tumango tango. May point naman kasi siya sa mga sinabi niya.
"Safina, sa tingin mo ano magiging sagot ni Vinia sa proposal ni Akino?" Out of nowhere na tanong ko.
"I don't know? Alamin na lang natin bukas. Siguro sa mga oras na to sobrang dami nilang ginagawa sa restaurant kaya for sure kapag nag-close na yung restaurant tsaka palang sasabihin ni Vinia yung sagot niya kay Akino."
Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating yung boyfriend niya, si Roi.
"Hi girls!" Sabi niya at agad na umakbay kay Safina.
Napasimangot nalang ako dahil magka-away nga pala kami ni Wency ngayon.
"Bawal PDA!" Masungit na sabi ko sa kanila.
"Bitter! Nag-away kasi sila ni Wency." Mapang-asar na sabi naman ni Safina. Kaya inirapan ko na lang siya at naglakad na palabas ng university.
Papara na sana ako ng taxi nang biglang may humawak sa kamay ko.
"Wency?" Gulat na sabi ko. Hindi siya nagsalita at hinitak niya ako pabalik sa loob ng university.
°•▪︎°•▪︎°•▪︎○▪︎•°▪︎•°▪︎•°
Luis's POV
Pagpasok ko sa office ko ay agad na bumungad sakin yung pagmumukha ni Terese.
"Babe! Finally you're back! I miss you, kanina pa kita hinihintay. Kasi magpapasama sana ako sayo para bumili ng dress na isusuot ko para sa engagement party natin bukas." Sabi niya at niyakap niya ako kaya agad kong inalis yung pagkakayakap niya sakin at umupo sa swivel chair ko.
Agad namang kumunot ang noo niya at humarap siya sakin.
"So now?!!! tinatanggihan mo na yung mga yakap ko?! How dare you Luis! Sobrang daming boys ang nagkakagusto sakin pero ikaw ini-ignore mo lang ako?! siguro pinuntahan mo yung malanding babaeng yon noh?! Siguro nilandi ka na naman niya! Tandaan mo Luis. Nakasalalay sakin yung company mo! Subukan mo lang hindi tumuloy sa kasal natin at sisiguraduhin ko na babagsak nang tuluyan tong company mo! Idadamay ko na din yung cheap na restaurant nung papa ni Lavinia."
"Tapos kana?! So ano naman sayo kung pinuntahan ko siya? Bakit? Selos ka?" Cold at sarcastic na sabi ko sa kanya. Agad naman siyang sumimangot at umalis sa office ko.
Napa-buntong hininga na lang ako at tiningnan yung oras sa phone ko.
It's already 8:30 PM. Ano kayang ginagawa ngayon ni Lavinia? Gustong gusto kong malaman kung ano ba yung sagot niya kay Akino.
Umaasa ako, umaasa ako na sana tanggihan niya yung proposal.
Kahit hindi niya sabihin alam kong gustong gusto niya parin ako.
Pero anong dapat kong gawin?
*Knock knock!*
Agad akong napatigil sa mga iniisip ko nang biglang may kumatok.
"Come in." Sabi ko kaya agad na pumasok yung kumatok.
Yung secretary ko lang pala.
"Mr. Valtimontar tumawag po si Mrs.Valtimontar, may emergency daw po."
Agad akong napatayo dahil sa sinabi ng secretary ko at nagmadaling pumunta sa parking lot.
Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko silang lahat sa bahay. Nandito din si tito.
So it means si Lavinia at Akino lang ang magkasama ngayon sa restaurant?
"Anak! Pigilan mo naman ang tito mo." Umiiyak na sabi ni mama kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko na magtanong.
"Tito bakit po?"
"Luis, aalis na kasi kami ni Lavinia ngayon." Sagot ni tito sakin.
"What? Pero bakit po biglaan?" Biglang tanong naman ni Jelo na kakadating lang.
"Ikakasal na kasi si Luis at alam naman namin ni Lavinia na sobrang makakasikip na kami sa bahay niyo lalo na pagkatapos ng kasal ni Luis. Kaya gusto ko sana na umalis na kami dito since may naipon naman na ako at nakabili na ako ng bahay namin."
"Aalis lang po ako." Nagmamadaling sabi ko sabay labas ng bahay at sumakay sa kotse ko pero ayaw mag-start.
Bahala na, maglalakad na lang ako.
Basta ang alam ko lang may kailangan akong gawin.
°•○°•○○•°○•°
Lavinia's POV
"My loves ready kana bang matikman yung napakasarap kong luto?" Tanong ni Kino kaya agad akong tumango.
Actually kaming dalawa nalang dito sa restaurant. Maaga kaming nag-sarado ngayon kasi yon ang bilin ni papa samin kanina.
"Sobrang sarap niyan my loves, tikman mo dali!" Sabi pa niya kaya agad kong tinikman yung niluto niya.
"Grabe sobrang sarap nga. Maalala ko tuloy bigla si Luis kasi mahilig siya sa seafoods." Masayang sabi ko.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hampasin ng sobrang lakas yung table.
At ngayon ko lang na realized na binanggit ko pala si Luis.
"I'm so-."
"Luis nanaman Vinia? Kailan moba siya makakalimutan huh? Ano bang meron sa lalakeng yan na wala sakin Vinia?! Ngayong araw dapat alam ko na yung sagot mo sa proposal ko eh! Pero hindi mo man lang naisip na sabihin sakin. Bakit? Kasi puro si Luis lang laman ng utak mo! At ngayon sisiguraduhin ko na magbabago na yung isip mo! Sisiguraduhin ko na ako na lagi ang laman niyan!" Putol niya sa sinasabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat ko at pilit niya akong hinahalikan kaya agad ko siyang sinampal.
"Kino ano ba?! Dahil sa ginagawa mo binigyan mo ako ng dahilan para i-reject ko yung proposal mo! Sorry pero hindi talaga kita kayang mahalin Kino! I can't! Kahit halikan mo pa ako ng paulit-ulit hindi kita kayang mahalin! Hindi mo kayang baguhin yung nararamdaman ko, hindi mo kayang palitan si Luis dito sa puso ko!" Sabi ko at tumakbo ako paalis sa restaurant.
Napatingala na lang ako nang bigla akong makakita ng shooting star.
"Sana maging masaya naman ako." Naiiyak na sabi ko at bigla na lang bumuhus ang isang napakalakas na ulan.
Wala naman akong masisilungan kaya nagpa-ulan na lang ako.
Nakakita ako ng malaking puno kaya agad akong umupo sa ilalim non pero nababasa pa rin ako ng ulan.
"Ganito ba talaga ako kamalas?" Bulong ko sa sarili ko habang nakapikit pero agad din akong dumilat nang wala na akong nararamdaman na pumapatak na ulan sakin pero kitang kita ko na umuulan pa kaya agad akong tumingala.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss