Chapter 73: A Fork in the Path of Love

56 7 19
                                    


Luis's POV

*Kringgggg! Kringgggg!*

"Tita, tito, excuse me po tumatawag po kasi si Kino and kailangan ko na po kasing mag-pahinga." Dahil sa sinabi ni Lavinia ay agad akong napa-tingin sa kanya. Agad siyang tumayo at ngumiti kay mama.

Teka? Bakit namam tumatawag si Akino sa kanya?

"By the way my name is Terese, Terese Vasco. Nice to meet you Lavinia." Sabi pa ni Terese. Ngumiti lang si Lavinia sa kanya at agad na umalis dito sa living room. Ganon din si mama nag-walk out na lang bigla. Ang sama ng tingin niya kay Terese.

"Luis susuyuin ko lang ang mama mo. Ija pasenya kana sa mama ni Luis. Gustong gusto kasi talaga niya si Lavinia para kay Luis. But don't worry magugpustuhan ka din niya." Sabi ni papa.

"Okay lang po yon tito, at least ako yung gusto ni Luis."

Tumango na lang si papa sa naging sagot sa kanya ni Terese at agad na umalis kaya naiwan kaming dalawa ni Terese dito sa living room.

"I'm glad to know na hindi mo siya gusto babe. Well... magugulat pa ba ako? Eh I know naman na hindi siya pasok sa standards mo. By the way sobrang sama ng loob ko kay daddy nung nalaman ko na ini-arrange marriage niya ako, pero nung nalaman ko na ikaw pala yung pakakasalan ko sobrang saya ko. Kaya sana wag mo akong biguin Luis." Masayang sabi niya at kumapit siya ng mahigit sa braso ko kaya agad akong tumango.

"Yeah." Tipid na sagot ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya pero biglang dumating yung driver niya.

"Ma'am Terese, pinapauwi na po kayo ni Sir Zach."

Agad na sumimangot si Terese dahil sa sinabi ng driver niya at hinitak niya ako patayo.

"Arghh, I'm so sorry babe kailangan ko nang umalis."

Tumango ako at sinamahan ko siya palabas ng bahay.

"Bye babe, don't forget na may date tayo bukas."

Tumango ulit ako sa sinabi niya. Akala ko sasakay na siya sa kotse niya pero hindi pa pala.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang ihawak yung dalawang kamay niya sa batok ko at hinalikan ako sa pisnge.

Buti na lang, akala ko hahalikan niya ako sa labi. Kasi itutulak ko talaga siya kapag ginawa niya yon.

"Gusto kong ibigay sayo yung first kiss natin sa wedding day natin. So sa pisnge muna ako hahalik, bye babe, good night."

Pagka-sabi niya non ay agad siyang sumakay sa kotse at umalis na.

Papasok na sana ako sa loob ng mapa-tingin ako sa balcony ng kwarto ni Lavinia.

Agad siyang tumalikod at pumasok sa loob ng kwarto niya nang makita niyang tinitingnan ko siya.

Nakita kaya niya yung ginawa ni Terese kanina? Tama kaya na pumayag ako sa arrange marriage? Tama kaya na isinakripisyo ko ang lahat para lang sa company?

Gusto ko mang kontrahin lahat ng sinabi ni Terese kanina about kay Lavinia pero hindi ko magawa.

Please Lord, give me a sign kung mali ba yung decision na ginawa ko sa buhay ko.

Napa-buntong hininga na lang ako at agad na pumasok sa loob at sinalubong ako ni mama na umiinom ng tubig.

"Luis ganong klaseng babae ba yung gusto mo? Yung gusto mong pakasalan? Wala siyang manners Luis. Nakita at narinig mo ba kung paano niya nilait si Vinia kanina?"

"Honey! That's enough!" Suway naman ni papa kay mama.

Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nadatnan ko si Jelo na naka-upo sa study table ko.

"Kuya gusto mo ba talaga siya?" Tanong niya. Tumango ako at agad kong hinanap yung mga binili kong books about sa pagiging doctor pati na din yung regalo sakin ni Lavinia. I think kailangan ko nang itapon yung mga librong ito, pero hindi ko itatapon yung regalo ni Lavinia sakin.

"Pero kuya. Ano yung nakita ko sa hospital? Akala ko ba si Stup-."

"Mabait si Terese. Magugustuhan mo din siya, matulog kana." Sabi ko at ginulo ko yung buhok niya. Napa-tango na lang siya kaya agad akong lumabas para itapon yung mga libro ko na kahit kailan hindi ko naman magagamit.

Nang matapon ko na yung mga libro ko ay agad akong pumunta sa kitchen. Nagulat na lang ako nang makita ko si papa na umiinom ng wine.

"Anak, sure ka bang gusto mo siyang pakasalan?"

Tumango ako sa sinabi ni papa.

"Sure na ako papa. Don't worry papa pagkatapos ng kasal babalik na sa dati yung company."

"Okay Luis. Please don't disappoint me." Sabi pa ni papa at tinap niya yung balikat ko, tumango naman ako kaya agad siyang umalis.

☆○☆○☆○

Lavinia's POV

Agad akong napa-tayo mula sa pagkaka-higa ko at tiningnan yung itsura ko mula sa salamin. Namamaga yung mga mata ko tapos yung ilong ko pulang pula, siguro dahil sa kakaiyak ko.

Feeling ko nga uhaw na uhaw at natuyuan ako ng tubig sa katawan ko dahil sa pag-iyak na ginawa ko. Kaya agad akong lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kitchen.

Pero agad kong pinagsisihan na pumunta pa ako ng kitchen. Kasi nandito siya, nandito si Luis.

Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan yung braso ko.

"Lavinia." Tawag niya sakin kaya agad akong humarap sa kanya at tinitigan yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.

Agad naman niya akong binitawan nang ma-realized niya yung ginawa niya.

Sobrang tahimik ng paligid, gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi pa nga ako nakaka-inom ng tubig pero feeling ko naiiyak na naman ako.

Aalis na sana ako pero muli niyang hinawakan yung braso ko.

Napa-buntong hininga na lang ako at kinagat ko yung lower lip ko. Pinipigilan ko na namang umiyak.

Ano ba kasing ginagawa niya? Gusto ba niyang lalo ko siyang hindi makalimutan?

"I'm so sorry, I'm so sorry for using you."

Rinig kong sabi niya.

Napa-ngiti naman ako ng pilit. Gusto lang pala niya mag-sorry.

"Okay lang, by the way congrats." Mahinang sabi ko. Kasabay non ang pagbitaw niya sa braso ko. Kaya agad akong umalis at bumalik sa kwarto ko kahit uhaw na uhaw na ako.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon