Chapter 72: Meet the fiancée

80 10 19
                                    


Lavinia's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko kaya agad akong bumangon at naghanap ng susuotin ko. Gagawa kasi kami ng project sa bahay nila Safina, kaya kailangan ko nang maligo kahit inaantok pa ako.

Paglabas ko ng kwarto ko ay agad akong naglakad papunta sa cr. Pipihitin ko na sana yung doorknob nang bigla itong bumukas.

Halos hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko dahil sa kanya. Akala ko aalis na siya pero hindi, nakatingin lang siya sakin. Yung tingin na akala ko hindi na mauulit, yung tingin na sobrang cold.

Dati okay lang sakin na tingnan niya ako ng ganyan. Pero bakit iba ngayon? Bakit parang this time sobrang sakit? Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya na affected ako, na sobrang affected ako dahil sa ginawa niyang pag-gamit sakin.

"Kuya! May caller ka!"

Dahil sa sigaw ni Jelo ay agad na umiwas ng tingin si Luis sakin at umalis na siya.

Napa-buntong hininga na lang ako at agad na pumasok sa cr.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag-bihis. Nag-ayos lang ako ng konti at agad akong pumunta sa dining room para mag-paalam kay tita na aalis ako.

"Vinia, kumain kana. Pinagluto kita ng favorite mong bacon." Masayang sabi ni tita nang makita niya ako.

"Sorry po tita, pumunta lang po ako dito para mag-paalam na aalis po ako ngayon. Gagawa lang po ako ng project."

Dahil sa sinabi ni tita ay agad siyang napatayo at lumapit sakin.

"Kumain kana please? Ilang araw ka nang hindi sumasabay samin mag-breakfast. Please Vinia?"

Napa-tango na lang ako dahil sa pangungulit sakin ni tita. Pupunta na sana ako sa tabi ni Jelo pero bigla akong hinitak ni tita at pina-upo ako sa tabi ni Luis.

Hinayaan ko na lang since ayoko namang mahalata nila na hindi kami okay ni Luis.

"Luis, bakit hindi mo lagyan ng rice yung plate ni Vinia." Dahil sa sinabi ni tita agad akong napa-tingin sa kanya.

"Bakit? Wala ba siyang kamay para lagyan ng rice yung plate niya." Sagot naman ni Luis sa sinabi ni tita.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumayo si Jelo at nilagyan niya ng rice yung plate ko.

"Wag na kayong maingay, okay?" Sabi niya at agad na bumalik sa upuan niya. Palihim naman akong napangiti dahil sa ginawa niya.

♥︎●♥︎

"Finally! Thanks sa cooperation niyo guys. Natapos agad natin yung project dahil lahat kayo tumulong. Thank you din Safina dahil pumayag ka na dito na lang tayo gumawa ng project. By the way kailangan ko nang umalis dahil nandiyan na yung boyfriend ko sa labas, bye." Sabi nung leader namin at sinamahan namin siya palabas ng bahay nila Safina. Ganon din yung iba pa naming members umalis na. So ako na lang at si Safina ang natira, hindi kasi namin ka group si Meriza.

"Uuwi kana din ba?" Tanong sakin ni Safina. Tumango naman ako since 7:30 PM na.

"Oh sige, gusto mo bang pahatid kita kay daddy?"

"Wag na, magta-taxi nalang ako. Paki sabi na lang kay tita at tito na aalis na ako." Sabi ko, tumango naman siya at sinamahan niya akong mag-abang ng taxi.

Wala pang two minutes ay nakakita agad ako ng taxi kaya agad ko itong pinara.

"Ingat ka ah? Text mo ako kapag naka-uwi kana." Sabi ni Safina at niyakap niya ako bago ako sumakay ng taxi.

♧☆♧☆♧☆

Pagdating ko sa bahay ay agad na kumunot yung noo ko. Bakit may kotseng pula dito? May bisita kaya sila tita?

Agad akong pumasok sa loob at pumunta sa living room.

Omg? May bisita nga sila tita.

Dahan dahan akong tumalikod at naglakad paalis. Baka kasi makita pa nila ako.

"Vinia, kanina pa kita hinihintay. Tara dito." Biglang sabi ni tita kaya agad akong napaharap sa kanila. Lahat sila nakatingin sakin kaya agad akong naglakad at tumabi ako kay Jelo.

"Who is she? Kapatid ni Luis?" Agad akong napatingin sa nagsalita.

Teka? Parang pamilyar siya sakin. Parang nakita ko na siya somewhere.

Tama! Nakita ko na nga siya.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung babaeng nakabangga kay Meriza sa mall. Don't tell me siya yung fiancée ni Luis?

"She is Lavinia. Siya lang naman ang gusto ko para sa anak ko at hindi ikaw."

Dahil sa sinabi ni tita ay agad akong napatingin sa kanya.

Ngayon sobrang sama ng tingin sakin nung fiancée ni Luis.

"But don't worry, I don't like her." Sabi naman ni Luis na nagpakirot sa puso ko. Sobra na! Kailangan ba niya talagang ipamukha sakin na kahit kailan hindi siya magkakagusto sa isang tulad ko? Isang weird, stupid at happy go lucky na babae.

Napa-kagat na lang ako sa lower lip ko. Pinipigilan kong ipakita sa kanila na affected ako dahil sa sinabi ni Luis.

Magsasalita pa sana si tita pero pinigilan siya ni tito.

"Oh babe, I know. Based on her appearance alam ko na agad na hindi siya yung tipo mo, look at her babe. She's not even pretty, right babe?" Sagot naman nung fiancée ni Luis sa kanya at tumingin siya sakin, yung tingin na para bang nang-aasar.

Tumango naman si Luis sa sinabi nung fiancée niya.

Hindi ko na kaya to, kailangan ko nang umalis dito. Sobrang sakit na, gustong gusto ko nang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

*Kringgggg! Kringgggg!*

"Tita, tito, excuse me po tumatawag po kasi si Kino and kailangan ko na po kasing mag-pahinga." Sabi ko. Nakita ko naman yung nag-aalalang mukha ni tita kaya agad akong ngumiti at tumayo.

"By the way my name is Terese, Terese Vasco. Nice to meet you Lavinia." Sarcastic na sabi niya. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya at agad akong umalis sa living room.

Actually alarm clock lang talaga yung nag-ring kanina. Wala talagang tumawag sakin.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko at pumikit.

Nagsisimula na namang umagos yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I guess kailangan ko nang sumuko, kailangan ko na siyang kalimutan. Pero paano? Sobrang hirap para sakin.

Sana hindi na lang talaga siya, sana hindi na lang ako yung ginamit niya, sana hindi ko na lang siya naging crush, sana hindi ko na lang siya minahal, sana hindi ko na lang siya nakilala, sana si Kino na lang.

Sana pag-gising ko wala na yung feelings ko para sa kanya, Sana mabura na siya sa puso at isip ko...

Ang dami kong sana sa buhay na alam ko namang malabong matupad.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon