Chapter 11: Reading the unread Love letter

65 13 0
                                    


Luis's POV

"Ikaw ah! Magkasama pala kayo ni Kleus sa iisang bahay, hindi mo man lang sinasabi samin, tapos tinulungan mo pa siyang magreview sa math, yieeee." Pang-aasar sakin ni Wency habang naglalakad kami sa hallway, after school na kasi at sobrang dilim na din ng paligid, 7:40 pm na.

"Tumigil ka nga Wency! Para kang bakla, walang namamagitan samin nung babaeng yon kaya tumigil kana diyan!" Inis na sabi ko at nauna nang maglakad sa kanila, hindi sana ako maiinis kaya lang paulit-ulit nalang niya saking sinasabi yan.

"Pikon talaga." Rinig ko pang sabi niya, tsk pahamak talaga yung babaeng yon lahat ng mga kaibigan ko tinatanong kung may relasyon ba kami, pati yung teacher ko ganon din yung tanong. Kung hindi siya yung nagkalat ng mga pictures nayon, eh sino?

***

Nasa bahay na ako, hindi na ako kumain ng dinner dahil busog pa naman ako.

"Kuya bakit ngayon ka lang? Magpapaturo sana ako sa assignment ko eh." Sabi ni Jelo nang makita niya akong pumasok sa kwarto ko.

"Mamaya na, maliligo muna ako." Sabi ko at agad na kumuha ng towel at pumunta sa cr sa labas, ewan ko ba kasi kay mama kung bakit yung kwarto lang nila ni papa yung may cr, kailangan ko pa tuloy lumabas. Nagsha-shampoo palang ako ng buhok ko nang biglang may kumatok.

"Anak! Dalian mo diyan nang makaligo din si Vinia, tawagin mo nalang siya sa kwarto niya kapag tapos kana."

"Yes, Ma!" Sigaw ko naman, tsk hanggat dito sila nakatira hindi talaga mapuputol yung ugnayan namin ni Lavinia.

***

Matapos kong maligo at magbihis ay agad akong kumatok sa kwarto ni Lavinia, pero walang sumasagot kaya naman pumasok na ako kahit walang paalam.

"Im don-." Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko nang makita kong mahimbing siyang natutulog sa study table niya. Hindi ko alam pero kusang lumakad yung mga paa ko palapit sa kanya, mas okay pala kapag tulog siya, hindi maingay.

Napangiti nalang ako at aalis na sana nang mapansin ko ang isang pamilyar na envelope, agad ko itong kinuha at binuksan, ito yung Love letter niya sakin.

"Dear Luis Valtimontar, Ako nga pala si Lavinia Kleus, you can call me Vinia for short. First time ko lang gumawa ng love letter kaya sana maintindihan mo kung may mali man sa love letter na ito. Gusto ko lang na malaman mo na crush na crush kita, simula palang noong highschool crush na kita, ang cool at ang ang talino mo kasi, sobrang kinikilig ako sa tuwing nakikita kita." So? sobrang tagal na pala niyang may gusto sakin. Napa-smirk nalang ako at agad na lumabas sa kwarto niya.

♡◇♡◇♡

Lavinia's POV

"Good morning Papa, good morning Tito, good morning Tita!" Masayang bati ko nang madatnan ko sila sa dining room na kumakain na, wala si Luis at Jelo siguro pumasok na sila.

"Good morning anak, kumain ka na dahil malalate kana." Sabi ni papa matapos niya uminom ng tubig, umiling naman ako.

"Sa school nalang po ako kakain! Bye!." Sabi ko at agad na umalis, pag hinintay ko pa yung sasabihin ni papa for sure magtatagal lang ako sa bahay.

***

7:30 na siguro noong makarating ako kanina dito sa school, medyo malayo kasi yung bahay nila Luis at ngayon gutom na gutom na ako. Lunch time na kasi wala naman kaming ginawa mula kaninang umaga kundi ang mag-complete ng mga kulang namin.

"Tara na sa cafeteria! Nagugutom na talaga ako." Naiinis na sabi ko kay Meriza, pano ba naman kasi hanggang ngayon gumagawa ng project, hindi kasi siya gumawa ng mas maaga ayan tuloy rush siya.

"Sige na kumain na kayo ni Safina, mamaya nalang ako."

"Sure ka?" Sabay na tanong namin ni Safina kay Meriza, tumango lang siya kaya naman nagkatinginan kami ni Safina. Siguro naiisip din niya yung naiisip ko, na ilibre namin ng lunch si Meriza.

Agad naming kinuha yung bag namin at pumunta sa cafeteria, for sure walang masyadong tao ngayon doon. Pag kasi april na, yung mga may kulang nalang sa quizzes, project o di kaya yung mga may gusto lang pumasok ang pumapasok. Pagpasok namin sa cafeteria ay automatic na napahinto yung mga paa namin ni Safina sa paglalakad.

"Ano wala kabang sasabihin?! O hindi mo narinig yung mga sinabi ko?! Ang sabi ko layuan mo si Lavinia!" Sigaw ni Kino kay Luis, tumayo naman si Luis mula sa kinauupuan niya para harapin si Kino.

"Bakit ako sinasabihan mo? Bakit hindi mo sa babaeng yon sabihin yan? Tutal siya naman yung lapit nang lapit sakin." Mapang-asar na sabi ni Luis at tinap niya yung braso ni Kino. Halata naman sa mukha ni Kino na inis na inis na siya.

Bago pa man tuluyan na sumabog si Kino, umalis na agad si Luis kasama yung mga kaibigan niya. Agad namin siyang nilapitan at binatukan siya ni Safina

"Para ka talagang ewan Kino." Inis na sabi ko, nakakainis naman kasi talaga siya, baka lalong magalit sakin si Luis dahil sa ginawa niya.

"Sorry my loves, napakayabang lang talaga kasi nung Mr. Genius na yon! Sasapakin ko na talaga siya next time!"

"Gawin mo! Hindi yung puro ka lang salita diyan! Tara na nga Lavinia mas-stress ka lang diyan kay Akino." Sabi ni Safina at hinitak na niya ako papunta sa counter para makabili na kami ng lunch.

***

Maaga akong umuwi ngayon dahil nag-text sakin si papa kanina sa school, sabi niya magluluto daw kami para sa dinner.

"Pa! Ilalagay ko na to sa dining room ah?" Paalam ko kay papa. Tapos na kasi kaming magluto, kaya ihahain ko na, gutom na din kasi ako.

"Sige lang anak, ikaw na bahalang mag-ayos sa dining room." Sagot naman ni papa.

Nang maayos ko na yung table ay agad kong tinawag sila tito at tita para maka-kain na kami.

"Thank you Ray nag-abala pa kayo ni Lavinia. Sa amoy palang ng mga luto niyo siguradong masarap na, mag dasal na tayo at nang makakin na." Masayang sabi ni Tita, agad kaming nagdasal at nagsimula nang kumain.

*****

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon