Lavinia's POVDahil sa sobrang sakit nung isang paa ko ay hinubad ko yung sapatos ko at chineck yung paa ko, namamaga siya.
Bago pa man sila maka-lapit sakin ay agad kong na-manage na maka-tayo. Pero hindi ako maka-takbo kaya kahit sobrang sakit ng paa ko pinilit ko parin na maglakad. Iniwan ko na yung partner ng sapatos ko dahil sobrang sakit talaga ng paa ko at hindi ako makapag-isip ng tama.
Pero hindi parin naging enough yung ginawa ko para matakasan sila, alam kong malapit na sila sakin.
Napa-iyak nalang ako nang maramdaman kong may humawak sa magka-bilang braso ko at hinitak ako na mas lalo kong kina-iyak. Kaladkarin ba naman ako nang dalawang malaking lalake tapos may injured pa yung paa ko.
"Akala mo matatakasan mo kami ah?! Ngayon makikita mo hinahanap mo!" Galit na sabi nung lalake na sinampal ko kanina. Gusto ko man silang batukan dahil sa paghitak na ginagawa nila sakin pero hindi ko magawa, sobrang nanghihina na ako.
"Tama na po, please." Umiiyak at nagmamaka-awa na sabi ko sa kanila. Hindi ko na kayang maglakad, feeling ko anytime pwede na akong bawian ng buhay.
Hindi nila ako pinansin, patuloy lang sila sa paghitak sakin hanggang sa makarating kami sa madamong gilid ng kalsada.
Agad akong binitawan nung isang lalake at yung isa naman tinulak ako, kaya na out of balance ako at napa-upo na lang ako sa damuhan.
"Pano tol? Hihintayin pa ba natin sila?"
"Hindi na tol, simulan na natin to. Baka kasi may makahuli pa satin. Sigurado ako nagpapakasaya na yung dalawang yon sa kaibigan ng babeng to."
Tumango sila sa isat-isa at agad akong nilapitan nung isa. Hinawakan niya yung pisnge ko habang dahan dahan na binubuksan yung bitones ng uniform ko. Nang mabuksan na niya yung dalawang bitones sa taas ay tumigil siya at hinawi niya yung mga buhok ko na nakaharang mula sa mukha ko.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Don't worry Ms. Beautiful mag e-enjoy ka." Nakakatakot na sabi niya kaya agad ko siyang dinuraan sa mukha. Gustong gusto ko siyang sipain ngayon pero wala na talaga akong sapat na lakas para gawin yon kaya dinuraan ko nalang siya.
"Bastos ka talaga noh?!" Sigaw niya sakin at nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin ng sobrang lakas. Napa-hawak nalang ako sa pisnge ko at umiyak nang umiyak, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatikim ng sampal.
"Siguro kapag sinampal kita ulit mawawala na yang katapangan mo noh?" Sabi pa niya at nakita kong itinaas na niya yung kamay niya kaya agad akong pumikit.
Hinihintay ko na dumampi ulit sa mukha ko yung malaki niyang kamay pero wala, imbis na sampal ang matanggap ko ay nakatanggap ako ng isang napaka-higpit na yakap na nag-pawala ng kaba at takot na nararamdaman ko. Feeling ko napaka-special kong tao para sa taong to at feeling ko na mahal na mahal niya ako.
Not until I smelled his perfume.
Amoy pa lang niya alam na alam ko na agad kung sino siya.
"Shhh don't cry. I'm here, you're safe now." Bulong nito sakin. Niyakap ko nalang din siya pabalik sabay dilat at bumungad sakin yung dalawang lalake na naka-handusay na sa sahig.
Pipikit sana ulit ako nang makita kong tumayo yung isang lalake at may kinuha siya sa bulsa niya.
"Luis..." Nanghihinang sabi ko at pilit na humiwalay sa yakap niya.
°•●•°•●•°•●°
Luis's POV
"Luis..." Nanghihinang bulong niya sakin at naramdaman kong gusto niyang kumawala sa pagkakayakap ko kaya agad ko siyang binitawan.
Bigla naman akong naka-ramdam ng masama, kaya agad akong lumingon sa likod ko at bumungad sakin yung lalakeng sinutok ko kanina na may dalang kutsilyo na papalapit na samin.
Agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko pero biglang hinawakan ni Lavinia yung kamay ko kaya hinawakan ko din ito.
"Anong gagawin mo?" Tanong niya kaya yumuko ako para tingnan siya at bumungad sakin yung nag-aalalang mukha niya. Ngumiti lang ako sa kanya at pinisil ko yung kamay niya bago ko ito tuluyang bitawan at walang sabi sabi ay agad akong naglakad palapit sa lalakeng may hawak ng kutsilyo.
"Matapang ka bata ah? Eh kung hinayaan mo na lang sana kami sa gagawin namin kay Ms. Beautiful eh di sana sisikatan ka pa ng araw bukas." Galit na sabi niya at tumakbo na siya palapit sakin at tsaka niya ako inambaan ng saksak pero agad kong nahawakan yung kamay niya at tsaka ko siya hinampas sa adam's apple niya dahilan para mabitawan niya yung kutsilyo at mamalipit sa sakit kaya habang iniinda niya yung sakit na nararamdaman niya ay agad ko siyang sinutok sa mukha at bumagsak na siya.
Sisipain ko pa sana siya nang makaramdam ako ng yakap mula sa likod ko.
"Ta-tama na." Umiiyak na sabi niya. a
Agad akong humarap sa kanya at niyakap din siya.Ilang minutes din kaming magkayakap sa gitna ng kalsada hanggang sa hindi ko na marinig yung hikbi niya.
"Lavinia?" Tawag ko sa kanya. Hinimatay na pala siya kaya agad ko siyang binuhat at kasabay non ang pagdating ng mga pulis at ambulansiya. Sinabihan ko kasi si Mika kanina na tumawag ng mga pulis at ambulansiya incase na may mangyaring masama.
Agad na kinuha sakin nung mga medical team si Lavinia at isinakay sa ambulansiya kaya agad akong naglakad pabalik kung saan ko iniwan yung kotse ko at nakasalubong ko si Mika kaya huminto ako sa paglalakad.
"Si Lavinia?" Umiiyak na sabi niya.
"Samahan mo siya sa ambulansiya." Sabi ko at tinap ko na lang yung balikat niya.
Nang makarating na ako kung saan ko iniwan yung kotse ko ay agad akong sumakay dito at pinaharurot ito.
Habang nagda-drive ako ay biglang tumawag sakin si mama, kaya agad ko itong sinagot.
"Anak?! Nakita mo na ba si Lavinia? Anong oras na! 10:45 PM. Kanina pa kami nag-aalala dito ng papa at tito mo." Bungad sakin ni mama. Napa-buntong hininga naman ako bago magsalita.
"Mamaya ko na sasabihin kung anong nangyari, pumunta na lang kayo sa hospital. Ite-text ko kung saan." Sabi ko. Magsasalita pa sana si mama pero agad kong in-end yung call.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss