Chapter 49: Late night talks.

60 11 1
                                    


Lavinia's POV

Kanina pa ako nakahiga sa kama, pero hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Naiisip ko kasi si Luis, baka mamaya masakit na pala yung katawan niya hindi lang niya sinasabi.

"Luis sure ka ba talagang okay ka lang diyan?" Tanong ko sa kanya. Actually hindi yan ang first time, kanina pa ako tanong nang tanong sa kanya.

"Can you please stop asking me? Matulog kana lang diyan." Masungit na sabi niya kaya naman umakto ako na parang isini-zipper yung bibig ko.

"Eh giniginaw? Hindi ka ba giniginaw diyan?" Sabi ko nga, hindi kaya ng bibig ko na manahimik.

Hindi siya nag-respond sa tanong ko, siguro tulog na siya.

○▪︎○▪︎○▪︎○

Luis's POV

Akala ko kapag hindi na ako nag-respond sa mga tanong niya titigil na siya, pero hindi parin pala.

"Pssst, Luis? Tulog kana ba?"

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa kakulitan niya at agad akong bumangon at humiga sa tabi niya. Kitang kita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat.

"Now, sana naman tumahimik kana." Sabi ko at agad na pumikit. Naramdaman ko naman ang pagtalikod niya sakin.

Ilang minutes na akong naka-pikit pero hindi parin ako makatulog. So I decided to ask her some questions about herself.

"Lavinia, Are you still awake?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Yes po." Sabi niya sabay harap sakin kaya humarap na din ako sa kanya.

"Bakit ang happy go lucky mong tao?" Tanong ko. Agad namang kumunot yung noo niya pero agad din niyang sinagot yung tanong ko.

"Yon kasi yung way ko para matakasan yung mga problems ko. Ayoko kasi na nadadamay pa yung mga kaibigan ko sa mga problema ko, so kahit anong mangyari sakin dapat laging positive lang ako. Pero syempre may mga times na hindi ko kinakaya. Eh ikaw bakit ang sungit mo?" Sabi naman niya.

"Ayoko kasi sa mga taong maingay, kagaya mo."

"Wow, grabe ka naman sakin." Natatawang sabi niya.

"Yung mama mo, bakit wala na siya?" Dahil sa tanong ko ay nawala yung mga ngiti sa labi niya at napaderetsyo siya ng higa.

"Si mama? Kapapanganak palang sakin ni mama binawian na siya agad ng buhay. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya eh. Pero sabi ni papa, magkamukhang-magkamukha daw kami ni mama at magkasing ganda pa. Sobrang insecure ko dati sa mga batang may mother pa, pero simula nung tumira kami sa inyo at nakilala ko si tita nawala lahat ng insecurities ko. Hindi ako tinuring na iba ni tita, tinuring niya ako na parang anak niya na din, same with tito, kaya thankful ako na nakilala ko yung family mo. Kahit ang sungit niyong dalawa ni Jelo sakin." Mahabang sagot niya sa tanong ko at tumingin sakin kaya naisipan ko na magtanong ulit sa kanya. Feeling ko kasi ayaw niyang pag-usapan yung tungkol sa mother niya, pero still nagkwento parin siya sakin.

"One more question, ano bang dream job mo?" Kanina lang kasi nalaman ko na kung ano ba yung gusto kong gawin in the future.

"Dream job ko? Ang maging taga laba ng mga damit mo, ang maging taga pag-alaga ng mga anak mo at ang maging taga timpla mo ng coffee sa umaga, in short dream kong maging asawa mo." Dahil sa sinabi niya ay sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang tumawa at nag-peace sign.

"Joke lang. Sa ngayon hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko. Matagal pa naman bago tayo grumaduate so hindi ko muna iisipin yon, eh ikaw?" Tanong niya, napa-ayos naman ako ng higa at napatitig sa kisame.

"Kanina lang na realized ko na kung ano ba talaga yung gusto ko. Nung makita ko yung condition ni Jelo kanina sa hospital, sobrang nasaktan talaga ako. Alam ko naman kasing sakitin si Jelo pero wala man lang akong nagawa para sa kanya, so na realized ko na may mga bagay pa pala akong hindi kayang gawin. Yon ang protektahan yung mga taong mahal ko, kaya Lavinia gusto kong maging doctor." Sabi ko sabay tingin sa kanya, pero nakapikit na siya. Nakatulog na pala siya. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa kanya.

Bakit ko ba sinasabi sa kanya yung mga bagay na to?

°○°○°○°

Lavinia's POV

Kahit na sobrang puyat at pagod na pagod ako, pinilit ko parin na bumangon ng maaga. Ipinagtimpla ko kasi ng coffee si Luis at tsaka gusto kong mabantayan agad si Jelo sa hospital. Lahat ng messages ko kila tita nag-send na kaninang madaling araw, kaya agad silang naka-bili ng ticket pabalik.

Ngayon nandito ako sa bahay nila Luis para kumuha ng mga damit ni Jelo at syempre para makapag-palit na din ako ng damit.

Habang inaayos ko yung damit ni Jelo ay hindi ko mapigilang ngumiti. Naisip ko kasi bigla yung nangyari kagabi. Sobrang kilig na kilig ako nung tumabi siya sakin tapos ngayon alam ko na din na gusto niyang maging doctor. Kahit na nakapikit na ako nung time na yon, rinig na rinig ko parin yung mga sinabi niya kaya lang antok na antok na talaga ako that time.

▪︎¤▪︎¤▪︎¤▪︎

Pagdating ko sa hospital ay nadatnan ko si Nurse Anne na pinapalitan yung dextrose ni Jelo.

"Good morning maam." Bati niya nang makita niya ako.

"Good morning nurse Anne, kamusta na po si Jelo? Nagsungit po ba siya dito?" Tanong ko sa kanya kaya naman natawa siya.

"Sa ngayon maam medyo bumaba na yung lagnat niya, don't worry malakas na bata po si Jelo, medyo masungit nga lang."

"Sige po, thank you po." Sabi ko. Agad naman siyang lumabas kaya agad kong inayos yung mga fruits at pugo na binili ko sa mall kanina at inilagay yon sa side table.

Since tulog na tulog naman si Jelo, matutulog nalang din muna ako.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon