Chapter 25: Singing club

61 13 0
                                    


Lavinia's POV

"Okay last, Lavinia Kleus." Banggit nung teacher sa name ko.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at dahan dahan na naglakad papunta sa gitna ng music room.

"So before you start, may I ask kung bakit singin club ang napili mo?" Tanong nung teacher.

"K-kasi I love singing po." Nauutal na sabi ko, nagsimula namang magtawanan yung ibang girls na nadito sa loob ng dance room.

"So anong kakantahin mo?" Tanong pa niya.

"Love moves in mysterious ways po by M.Y.M.P." Dahil sa sinabi ko ay nagtawanan na naman sila.

"Seriously? Kakantagin niya yon? Kaya ba niya yon?" - Girl1

"Yeah right, baka nga hindi pa niya kaya yung mga notes don eh." -Girl2

"Bakit niyo ba siya pinag-uusapan ng masama, ni hindi pa nga siya nags-start eh. Tsaka hindi niyo ba siya kilala? Matagal na siya dito." -Girl3

"Duh, kilala namin yan simula elem, highschool and senior high, puro kapalpakan kaya yan." -Girl2

Tsk ang a-arte ng mga to akala mo naman maganda yung pagkakakanta nila.

"Quiet! Okay you may start now." Sabi ni teacher kaya agad kong hinawakan yung mic.

"Fighting." Bulong ni Safina, napangiti nalang ako at napatingin sa gawi nila Luis, nakatingin lang siya ng seryoso sakin habang iniirapan naman ako ni Mika.

Natahimik ang lahat ng marinig na nila yung beat ng kanta.

Kaya nagsimula na akong kumanta.

"Who'd have thought this is how the pieces fit
You and I shouldn't even try making sense of it."

Napapalakpak ang lahat nang kantahin ko na yung verse, yung iba naman speechless pero tutok na tutok sakin, gaya nalang ni Luis, si Mika naman nakasimangot.

"I forgot how we ever came this far
I believe we had reasons but I don't know what they are
So blame it on my heart."

"Go my loves!" Nang marinig ko yung boses nayon ay agad akong napatingin sa pinto pero patuloy parin ako sa pagkanta, bwisit talaga si Doyoung bigla biglang sumusulpot, tsaka anong ginagawa niya dito?

"Oh love moves in mysterious ways
It's always so surprising
When love appears over the horizon
I'll love you for the rest of my days
But still it's a mystery
Of how you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways."

Nang matapos akong kumanta ng hanggang chorus ay agad akong nag-bow sa harap nila.

Napangiti nalang ako nang magsimula silang magpalakpakan at mas lalo akong napangiti nang makita kong pumapalakpak si Luis.

"Good job Ms. Kleus." Sabi nung singer.

"Thank you po." Sabi ko nalang at agad na umupo.

"Tapos na yung audition, ngayon niyo din malalaman kung makakasali ba kayo sa singing club. Kapag binanggit ko yung name ibig sabihin member na kayo ng singing club." Sabi ni teacher, agad siyang nagbanggit ng mga names, natawag na niya si Luis at Mika.

"Girl, don't worry, sure ako na mapipili ka." Tumango nalang ako sa sinabi ni Meriza. Sana nga masali ako.

"Last but not least Lavinia Kleus, so that's it for today. See you tomorrow, and by the way makikilala niyo yung president ng singing club bukas."

"Yes!" Sabay sabay na sabi naming tatlo habang tumatawa.

"Congratulations girl! Ang galing mo." Masayang sabi ni Safina.

"Hindi naman kayo naman masiyado kayong believe sakin, thanks sa pag-support sakin. Dahil diyan kakain tayo ngayon sa restaurant ni papa."

"Yes! Gutom na gutom na ako, kailangan na namin makakain ni Safina." Tumatawang reaction ni Meriza sa sinabi ko, napatigil nalang kami sa pagtawa nang lumapit samin si Luis.

"Congrats." Maikling sabi niya, napangiti naman ako at inabot ko yung kamay ko sa kanya.

"Congratulations din Lui-." Hindi kona natuloy yung sasabihin ko nang biglang dumating si Mika at kumapit na naman siya sa braso ni Luis. Agad kong inalis yung kamay ko at itinago sa likod ko.

"Let's go Luis." Sabi niya at agad niyang hinitak si Luis paalis, nakakainis na talaga siya, lagi niyang nilalayo sakin si Luis.

"Baliw talaga yung Mika nayan! Feeling maganda! Nakakainis." Naiinis na sabi ni Meriza.

"Okay lang yon, mukhang gusto naman siya ni Luis eh." Sabi ko at agad na kinuha yung bag at water bottle na kanina ko pa hindi naiinom.

"Oo nga okay lang yan ang isipin nalang natin kakain tayo ng masarap ngayon." Dahil sa sinabi ni Safina ay agad kaming napangiti ni Meriza, iba talaga tong si Safina eh, laging happy.

Paglabas namin ng music room ay agad kong nakita si Kino.

"Galing mo ah." Sabi niya at agad na pumagitna sa pagitan namin ni Safina at agad niya akong inakbayan. Sus if I know sobrang ganda din ng boses nitong si Kino.

"Thank you, pero ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nabanggit ko kasi kay papa na may audition ka ngayon kaya eto pinapunta niya ako dito para video-han ka."

"Si papa talaga ang kulit, oo nga pala kakain kami sa restaurant ni papa, sama ka?" Tanong ko, napangiti naman si Kino at tumango.

Pano kaya kung bigyan ko ng chance tong si Kino, feel ko naman na seryoso siya sakin. Pero naiisip ko palang na sasagutin ko siya parang hindi ko kaya, hindi naman sa ayoko sa kanya, pero... Si Luis lang talaga yung gusto ko, kahit ilang beses pa niya akong sungitan at hindi pansinin hindi talaga nawawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero kung sakali man na may relasyon sila ni Mika baka pilitin ko nalang yung sarili ko na kalimutan siya. Anong mapapala ko sa taong may iba namang gusto.

"Hoy! Nakikinig ka ba?!"

"Huh?" Gulat na tanong ko kay Safina.

"Sabi ko bumili muna tayo ng donuts bago pumunta sa restaurant ni tito, bingi lang?" Sabi niya, napa-peace sign nalang ako sa kanya, kanina pa pala niya ako kinakausap pero hindi ko man lang naririnig.

***

Unforgettable KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon