Lavinia's POV"Eh ikaw Safina? Nadalian ka ba?" Tanong ko kay Safina ng hindi humaharap sa kanya.
Hindi siya nag-respond sa tanong ko kaya agad akong humarap sa kanya pero agad niya akong pinigilan at pinatalikod niya ulit ako.
"Come here Meriza!" Tawag niya kay Meriza. Kaya naman agad lumapit si Meriza sa kanya. Ako naman pilit kong tinitingnan kung ano yung tinitingnan nila sa likod ko pero pareho silang nakahawak sa magkabilang balikat ko.
"Ano ba?" Naiiritang sabi ko kaya agad nila akong binitawan.
Humarap ako sa kanila at tinaasan sila ng isang kilay.
"Ang landi mo best!" Sabi ni Safina, kumunot naman ang noo ko. Ano bang sinasabi niya?
"Sobra! Kaya pala ang laki sayo ng p.e uniform na suot mo dahil kay Luis yan."
"Huh? Pano mong nalaman?" Gulat na tanong ko kay Meriza.
"Gaga! Nakalimutan mo yata na may surname ni Luia yang suot mong p.e uniform." Masungit na sabi ni Safina. Agad naman akong pumunta sa malapit na mirror dito sa pool area at tiningnan yung likod ko.
Omg? Meron nga. Bakit hindi ko man lang to naisip kanina? Kaya siguro pinag-uusapan ako nung mga tao kanina dahil dito at syempre alam nila agad na kay Luis tong suot ko. Dahil si Luis at Jelo lang naman ang may surname na Valtimontar dito sa university namin.
"Tapos ka nang titigan yung surname ni Luis sa salamin? Tara na at marami kang kailangan i-explain samin!" Masayang sabi ni Meriza sabay akbay sakin.
▪︎◇▪︎◇▪︎◇▪︎
"So anong nangyari sa inyo ni Luis matapos niyang ipahiram sayo yung p.e uniform niya?"
"Nagpunta kami ng cafeteria at nilibre niya ako ng ice cream." Sagot ko sa tanong ni Safina. Nasa cr kami ngayon, actually wala naman na kaming gagawin dito sa cr nagtagal lang kami dito dahil ang dami nilang tanong.
"Ice cream? So it means yung kinain namin kanina ni Safina na ice cream galing kay Luis?" Tumango nalang ako sa tanong ni Meriza at nagulat nalang ako nang bigla nila akong yakapin.
"Anong problema niyo?" Natatawang tanong ko sa kanila, para kasi silang mga tanga. Bigla bigla nalang nangyayakap.
"Nakakatuwa lang kasi yung ginawa mo kanina. Kahit kay Luis pa galing yon ibinigay mo pa din samin." Masayang sabi ni Safina. Napangiti nalang ako at niyakap ko din sila. Ang sarap talaga magkaroon ng mga bestfriend na medyo traydor.
"Syempre bestfriend ko kayo, mahal ko kayong dalawa kaya kahit importante sakin ibinigay ko pa rin sa inyo kapag kailangan niyo."
"Awww? Napaka-swerte talaga nam-." Hindi na natuloy ni Meriza yung sinasabi niya nang biglang bumukas ng sobrang lakas yung pinto ng cr kaya agad kaming napabitaw sa yakapan naming tatlo at bumungad samin si Mika na pagod na pagod.
Tumingin lang siya samin saglit bago pumasok nang tuluyan sa loob ng cr at agad siyang pumasok sa unang cubicle at nilinis ito.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Nafe-feel ko na parang parepareho lang kami ng naiisip.
Tumango ako kaya tumango din sila at agad akong pumasok sa katabing cubicle na nililinis ni Mika, ganon din sila Safina at Meriza. Sakto may apat na cubicle dito sa cr.
At eto ang naisip namin kanina, ang tulungan si Mika. Kawawa naman kasi siya, kitang kita sa mukha niya na pagod na pagod na siya.
Natapos ko nang linisin yung pangalawang cubicle, ganon din sila Safina at Meriza pero si Mika? Hanggang ngayon nililinis parin niya yung unang cubicle.
"Bakit?" Walang ka ene-energy na tanong niya at humarap samin. Siguro na feel niya na pinapanood namin siya.
"Tayo." Sabi ko, agad namang kumunot yung noo niya pero agad din siyang tumayo. Agad kong inagaw sa kanya yung brush na pinanglilinis niya at sinimulan ko nang linisin yung unang cubicle. Nang matapos ko na itong linisin ay agad akong naghugas ng mga kamay ko.
"So anong next?" Nakangiting tanong ko kay Mika. Bigla naman siyang napa-yuko.
"Thank you and sorry sa nagawa ko. lalo na sayo Meriza, sorry kung pinatid kita." Hindi ako nag-respond sa sinabi niya, pero nagulat nalang ako nang biglang hampasin ni Meriza yung likod ni Mika.
"Ano ka ba?! Wala yon! Okay lang yon! So ano na next?" Masayang sabi ni Meriza. Agad na napangiti si Mika at tumingin na ng deretsyo samin.
"Nakakahiya man pero please tulungan niyo akong mag-collect ng mga garbage. Sa sobrang laki ng university natin baka hindi ko na kayanin."
Ngumiti lang ako sa kanya, it means na okay lang sakin. Tumingin naman ako kay Safina na ngayon ay walang expression ang mukha. Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung okay lang, tumango siya kaya muli akong tumingin kay Mika. Tumango ako kaya agad kaming lumabas ng cr at sinimulang mag-collect ng mga garbage bag sa bawat rooms at bawat sulok ng campus.
♣︎◆♣︎◆♣︎◆
"Thank you talaga sa inyo, ingat kayo." Masayang sabi ni Mika kay Meriza at Safina.
"Kayo ang mag-ingat, mauna na kami, bye!!!" Sagot naman ni Meriza at agad silang umalis ni Safina. Naiwan naman kaming dalawa ni Mika dito sa pathway.
"Nagugutom ka?" Tanong niya, tumango lang ako sa tanong niya at ngumiti.
"Let's go somewhere, libre ko, masarap to promise." Sabi pa niya at agad niya akong hinitak kahit hindi pa naman ako pumapayag.
☆▪︎•☆▪︎•☆▪︎•
"Saan ba tayo pupunta? Medyo madilim na tong dinadaanan natin ah?" Tanong ko kay Mika. Malayo na din yung nalakad namin, malayo na kami sa university at ang dilim ng lugar nato.
"Pupunta kasi tayo ng park at nag-short cut tayo. Pero mukang namali yata tayo ng daan, kinakabahan ako." Napa-sapo nalang ako sa noo ko nang sabihan yon ni Mika. Hindi ko din kasi alam kung nasaang lugar kami.
"Wag ka ngang kabahan, kinakabahan na din tuloy ako dahil sayo. Tara na nga dito nalang tayo magdaan sa right." Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.
"Wag, baka mas lalo tayong maligaw, may tao don oh? Magtanong tayo." Sabi niya sabay hitak sakin.
Paglapit namin sa apat na lalake ay agad kaming napahinto ni Mika sa paglalakad at agad din akong nakaramdam ng kaba. Nag-iinuman sila at nakakatakot yung mga muka nila. Gusto ko sanang hitakin paalis si Mika pero huli na ang lahat, napansin na nila kami.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanficWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss