Lavinia's POVNang makarating kami sa hospital ay agad na pinark ni Luis yung kotse niya. Agad niyang binitawan yung kamay ko at bumaba na siya sa kotse. Bubukasan ko na sana yung pinto ng kotse para bumaba na din nang bigla itong bumukas at bumungad sakin si Luis.
Agad naman akong bumaba at hindi ko na inisip yung pagiging gentleman niya ngayon. Dahil nag-aalala din ako para kay tito, next time ko na lang iisipin yung kilig.
Sobrang nakakatakot talaga sa hospital kapag ganitong oras. Nasa third floor pa naman yung room ni tito so kailangan naming mag-elevator.
"I'm nervous." Out of nowhere na sabi niya nang maka-sakay na kami sa elevator at nagulat na lang ako nang muli niyang hawakan yung kamay ko.
"Magiging okay din si tito." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero huminto na yung elevator at bumukas ang pinto nito kaya agad naming hinanap yung room ni tito at nadatnan namin si tita at papa na naka-upo sa mga upuan na nasa tapat ng room ni tito. Agad namang nabaling yung tingin nila samin dahil rinig na rinig yung mga foot steps namin ni Luis.
"Anak!" Umiiyak na sabi ni tita at sinalubong niya ng yakap si Luis. Kaya agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko at nilapitan ko si papa.
Gusto kong magkaroon sila ng time para mag-usap.
"Gising naba si papa, ma?" Tanong ni Luis habang naka-tingin siya sakin.
Bumitaw naman si tita sa pagkakayakap niya kay Luis kaya nabaling na ang tingin niya kay tita.
"Oo anak at gusto kang maka-usap ng papa mo. Kanina ka pa niya hinihintay."
Tumango si Luis sa sinabi ni tita at tumingin muna siya sakin saglit bago sila tuluyang pumasok sa room ni tito.
"Nakita ko yon. May relasiyon ba kayo?" Biglang tanong sakin ni papa. Agad naman kumunot ang noo ko at naalala ko na magka-holdings hands nga pala kami ni Luis nung dumating kami dito sa hospital.
Ngumiti na lang ako kay papa at agad na umiling.
Wala naman kasi talaga eh. Wala kaming relasiyon, no label din kami. Ang alam ko lang umamin siya sa pamamagitan ng truth or dare.
°•☆•°☆°•☆•°
Luis's POV
"Pa, okay na ba yung pakiramdam mo?" Agad na tanong ko kay papa nang maka-pasok na kami sa room niya. Agad siyang napatingin sakin at pinilit niyang umupo kaya agad ko siyang nilapitan at tinulungan ko siya.
"Anak may kailangan tayong pag-usapan." Seryosong sabi ni papa. Nanatili akong tahimik at hinintay lang yung susunod niyang sasabihin.
"Nalulugi na yung company natin at gusto ko sanang ikaw na ang mag-handle ng lahat. Gusto kong ipamana sayo yung company habang nabubuhay pa ako. Luis hindi ko sinasabing mamatay na ako pero life is too short, hindi natin alam kung kailan ako kukuhanin ni Lord. Ayokong mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko. Gusto kong ikaw na ang mag-handle ng company dahil alam kong kaya mo. Aasahan kita Luis at sana pag-isipan mo nang mabuti to, gusto kong malaman agad yung sagot mo mamayang gabi."
Dahil sa sinabi ni papa ay agad akong nakaramdam ng lungkot. Paano naman yung mga pangarap ko? Paano nalang yung pangarap ko na maging doctor? Sana hindi ko na lang nahanap yung pangarap ko, sana hindi ko na lang nahanap yung mga bagay na gusto ko.
"I'm so sorry anak." Sabi ni mama at hinawakan niya yung balikat ko. Tumango na lang ako at agad na lumabas ng room ni papa.
Bumungad naman sakin si tito na umiinom ng coffee pero hindi niya kasama si Lavinia.
Itatanong ko na sana sa kanya kung nasaan si Lavinia pero biglang dumating si Lavinia na may dala na dalawang cup of coffee. Ngumiti siya sakin at agad niyang ibinigay sakin yung isang coffee.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong napa-ngiti kahit na ang lungkot lungkot ko ngayon.
°•▪︎•°•▪︎•°•▪︎•°
Lavinia's POV
Nilibot namin ni Luis yung buong hospital habang umiinom kami ng coffee at ngayon nasa rooftop kami. Actually ubos na nga yung coffee namin eh, kanina pa kami magkasama pero walang umiimik ni isa samin.
Kaya nag-decide ako na magsalita na.
"Luis."
"Lavinia."
Sabay na tawag namin sa isat-isa. Nakita ko naman na ngumiti siya. Pero bakit ganon? Feeling ko ang lungkot niya. Hindi kaya dahil sa pinag-usapan nila ni tito? gusto ko man siyang tanungin about don pero I think hindi niya gustong pag-usapan yon.
Natahimik ulit kami matapos naming tawagin ang isat-isa.
Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa dahil bigla niya akong niyakap, yung sobrang higpit na yakap. Halos manghina ako ng makaramdam ako ng basa sa balikat ko.
Umiiyak siya, why?
"Why? Tell me, makikinig ako." Sabi ko. Agad naman siyang humiwalay sa yakapan namin at pinunasan niya yung mga luha niya.
Ito yung unang beses na nakita ko siyang umiiyak. Hindi ko alam na bukod pala sa pagiging cold, masungit at snobber niyang tao, may side pala siyang ganito.
Sobrang nanghihina ako dahil sa nakikita ko ngayon. Kahit anong punas niya sa mga luha niya patuloy pa rin ang pag-agos nito, patuloy parin ang paglabas ng mga luha mula sa mga mata niya.
"I-i can't be a d-doctor Lavinia."
Sobrang nagulat ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit?" Gulat na tanong ko.
"Si papa, gusto niya na ako na mag-handle ng company niya at sobrang nalulugi na daw yung company. Binigyan niya ako ng time para pag-isipan ko yung sinabi niya. And I think mas makakabuti kung isasangtabi ko na lang yung mga pangarap ko. Do you think tama yung decision ko?"
Agad akong tumango at niyakap ko siya. Agad ko namang naramdaman na niyakap na din niya ako. Naiiyak na ako dahil sa situation niya, gustong gusto niya na maging doctor pero hindi pwede.
"Luis hindi ko masasabi na tama yung decision mo, pero kung yon talaga ang gusto mo at sa tingin mo na makakabuti para sa inyo nila tito, handa akong suportahan ka."
"Thank you so much." Bulong niya sakin at mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin.
"Let's go, ihahatid na kita sa bahay. You need to rest." Sabi pa niya at agad naming binitawan ang isat-isa.
***
BINABASA MO ANG
Unforgettable Kiss
FanfictionWhat if you were rejected and humiliated by a handsome and intelligent creature with an IQ of 200 in front of a crowd? cause you to be even more bullied by the students on your campus. Inspired by: Mischievous kiss/ Itazura na kiss