Entry # 38: Ang Ikakasal, Di Kinasal At Sinasakal (Romance/Non-Fiction)

1.1K 10 8
                                    

"Will you marry me?" Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin habang nakaluhod at inilahad ang isang singsing. Napakatagal kong hinintay iyon, buong buhay ko. Sino ba ako para tumanggi? Pangarap ito ng lahat ng babae, pinangarap ko ito buong buhay ko. Gusto kong magtatalon pero masyado akong masaya para makahanap tamang salita at kilos sa mga nangyayari.

"M-Mae?" Tinitigan ko siyang muli at iginala ang aking paningin sa loob ng Restaurant, lahat sila ay nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. Umuulan ngayon at pakirandam ko perfect ang lahat, napakaromantic dahil kahit hindi magarbo ang dekorasyon katulad ng nakikita ko sa ilang couples sapat na ang taong nakasaksi kung gaano niya ako kamahal para iharap at sumumpa sa Diyos ng aming wagas na pag-iibigan. Muli kong itinuon ang mga mata ko sa kanya. Nakita ko ang panunubig ng kanyang mga mata, natawa ako ng mahina mukhang ito pa ang mas emosyonal kaysa sa akin. Hinawakan ko ang aking tiyan. Sa wakas anak, ikakasal na ako, sa wakas Lyn magiging Maid of Honor ka na.

=

Mula sa loob ng Restaurant na iyon ay saksi ako sa mga nagaganap. Isang lalaki, nakaluhod sabay lahad ng singsing sa isang babae. Hinihintay ng lahat ang kanyang sagot at kitang-kita ko ang lungkot sa mata ng lalaking iyon katulad na katulad ang mga matang iyon sa mukha ng babaeng papakasalan ko sana, nagkaiba lang kami ng posisyon. Nagsimulang tumulo ang luha ng lalaki, nakangiti ito. Ngiting hindi umabot hanggang sa mga mata, gusto ko siyang suntukin. Sadista ba siya? Bakit niya sinasaktan ang sarili niya kung hindi niya naman gustong magpakasal at bakit kinakailangan niyang haluan ng ilusyon ang lahat sa babaeng lubos na nagmamahal rito? Naawa ako sa babae kapag nalaman lang nito ang totoo magiging katulad ko ito. Isang taong nakatanggap ng "oo" at kapag dumating na ang araw ng kasal, marerealized na lang nito na ang buhay pala minsan ay isang mahika. Akala mo totoo pero ilusyon lang pala ang lahat. Ilusyon lang ang lahat.

=

Tila nakikiramay ang ulan sa aking kalungkutan. Tumulo ang luha ko pero ngumiti ako ng pilit, hinihiling ko na sana humindi siya pero base sa nakikita ko sa kanyang mukha ay hindi ito mag-aalinlangan na umuo. Hindi ko talaga inakala na ang isang gabing iyon ay magbabago sa buong buhay ko. Hindi ako handa ng sabihin niyang buntis ito, gusto ko siyang takbuhan pero nakiusap si Lyn, ang kaibigan nito at wala akong nagawa para takbuhan ang responsibilidad na ayaw kong akuin.

"Yes, I will marry you. " Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.

Hindi pwede, doon na ako umiyak at tumayo, tinitigan ko itong umiiyak na rin at parang mawawalan ako ng balanse kaya napayakap ako rito at yumakap rin ito. Hindi ko ito ginusto, hindi talaga. Iba ang gusto kong pakasalan pero pinakiusapan niya ako ng ilang beses.

"Naluluha rin ako sa kaligayahan, tulad mo," Sabi nito.

Lyn, sorry nakuha niya man ako sa iyo pero hindi ang puso ko.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon