Entry # 155: Nararapat (Romance/Humor)

702 3 8
                                    

Para silang nabasang Gremlin kung sila'y dumami.

 

Silang mga babaita, mapa-dalaga o "dala-na", na naka-autopacute 'pag haaandiyan nah siyaaah. Mayroon pang masyadong enjoy sa pagpapa-charming kaya kung minsa'y saan-saan sila nakakaabot. 'Yung mga kamay nilang imbes na bumitaw, lumilingkis pa sa braso niya. 'Yung mga naglalagkitang titig, ima-Mighty Bond na yata nila sa kanya. 'Yung mga mahaharot na dialogue kapag napapasarap ang kanilang hiritan. At kung anu-ano pang ika nga'y mga ninja moves para masiguradong sa kanila matututok ang atensyon niya. Eye patches kontra-distraction na lang ang kulang, kabayo na ang peg ni Koya!

 

Bilang ganti, nakikipaglandddd—este nakikipagkulitan naman siya sa kanila. Galawang kilabots lang; walang supladuhan.

 

Samantalang ikaw...

 

Ikaw itong nananatiling behave kahit bumabanat-banat ka na rin 'pag may time. Bentang-benta ka naman sa kanya, everytime.

 

Ikaw itong dumidistansya nang mga 2.54385037593 feet mula sa kanya kahit na nilalanddddd—este pasimpleng nilalambing ka na niya. Kung 'di pa siya ang lalapit, 'di malalampasan ang 2.54385037593 feet na pauso mo.

 

Ikaw itong 'di nagte-take-advantage sa pagkakataong ma-chokaran siya kahit na Feeling Close na siya sa iyo. Ano ba, napapaghalataan niyang nagpipigil ka na lang, bhe.

 

Ikaw itong pa-demure ngunit actions-speak-louder-than-words ang effect. Ang lakas pa ng signal; sa simpleng sulyap o ngiting pagsaluhan ninyo, one message received na, agad-agad!

 

Oo nga't dumadagsa ang mga Gremlins na napapagtuunan niya ng pansin. Kung 'di ba naman makipag-agawan ang mga lola ninyo sa atensyon niya?

 

Pagdating sa iyo...

 

Papalapit ka pa lang, kahit lampas pa sa layong 2.54385037593 feet, nasusulot mo na ang atensyon niya. Wala siyang kawala sa pagbalot ng aura mo sa paligid 'pag magkaharap na kayo. Kaya siguro kung minsa'y napapanganga na lang siya sa presensyang hatid mo. Take that, Gremlins. Taob ang pinagvolt-in na mga beauty ninyo!

 

Gets naman niya ang pa-behave na arrive mo. Umaayon ka lang sa kung ano ang nararapat—DAW—ever since the world began. Pero leche, naaamoy na niyang “IT'S A TIE!!!” ang saloobin ninyo para sa isa't isa. Kaya kung 'di rin siya nasasakop ng nararapat na 'yan, aba'y magpapaka-wapakels na siya dito, gaya ng kawalan niya ng sapat na keber para sa mga Gremlins.

 

Sa kanyang bonggang pagninilay, umentrada ang mga flashbacks. Inunahan nito ang Thursday sa pagthrowback ng bawat pa-demure na sulyap, mala-musikang pagtawa, at mabentang pagbanat na natamo niya sa 'yo, pati ang pagbilis ng heart rate  at pagslow-mo' ng oras na idinulot ng mga 'yun sa kanya. Hanggang sa napagtanto niya: hindi na niya ma-take na tumagal pa ang anu mang distansya sa pagitan ninyo. Feeling niya'y unti-unti siyang nate-teggybambam dala ng tumitinding pagnanasang makapiling at mas makilala ka pa. Mukhang may something nga sa 'yo para muli siyang tablan ng ganitong naghuhuramentadong mga damdamin. Yeeeees, naghuhuramentado. Tissue muna, please?

 

Kaya nga't nakapagdesisyon na siya. Nakahanda siyang sumugal. Ipupush niya ang lahat ng keri niyang ipush... Para sa 'yo. Sapat na ang ilang panahong nagkalandiaaaa—nagkasama kayo para masabi niyang wala nang ibang mas nararapat kundi ikaw. Ikaw at ikaw lang.

 

Haba ng hair! Pasabunot nga, bhe?



Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon