Entry # 8: Haunted Love (Romance/Mystery)

1.1K 12 25
                                    

"Baka nalulungkot ka pa rin sa mga nangyayari ngayon." Napalingon ako sa taong nagsalita-Lara, kaibigan ko.

"Hindi na ganoon kaya huwag mo ng ipaalala." Mariin na sambit ko.

Sabay kaming naglalakad dito sa bukid, ito ang madalas naming libangan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang ako'y nakatingin pa rin ng sa aming dinadaanan.

"Kung saan tayo dalhin ng ating mga paa." Diretsong sagot nito.

Pero habang kami'y naglalakad ay dumako ang mga mata ko sa isang napakalaking bahay.

Wala naman ito dati ah?

Nagkatinginan kami ni Lara, mukhang alam din niya ang nasa isip ko.

Malaki ang bahay na ito, may kulay na pula, parang sira-sira na ang istraktura ng bahay, at mukhang luma na rin ito.

"Pumasok tayo?" Pag-aaya ko rito, pero nung nakita ko ang kanyang mata ay hatala rito na siya ay natatakot.

Si Lara-siya ang naging kaibigan ko, dalawang taon na rin ang nakakalipas kaya may kakaiba akong lahing nararamdaman sa kanya-pagmamahal, simula nung iwan ako ni-napailing nalang ako.

"Sige, ako nalang ang papasok." Masayang wika ko at akmang kakatok na ng pigilan ako ni Lara.

"Sasama na ako." Sabi niya na may himig ng pagkakatakot.

Sa bagay, mukhang nakakatakot nga talaga 'tong kakatukan namin.

Pinagmasdan ko muna ito sandali at tsaka na ako kumatok ng tuluyan.

"Tao po?" Wika ko habang ako ay patuloy lang sa pagkatok.

"Mukhang wala namang tao." Ani Lara.

nag-kibit balikat ako, mukhang wala ngang tao.

Dahil wala namng tao, binuksan ko nalang ang pinto.

Tumalikod ako saglit at sinenyasan si Lara na sumunod sa akin.

Sabay kaming pumasok ni Lara sa bahay, isasara ko na sana ang pinto ng kusa itong sumara.

Dahan-dahan kaming naglakad, parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon.

"Ano 'yun?!" Galit na tanong ko ng may marinig akong pagbagsak.

Nangangatog na ang tuhod ko habang naglalakad-dahil sa sobrang takot.

"Aaaaah." Nanlaki ang mata ko ng may marinig akong pag-ungol.

Napatakbo kami ni Lara sa taas, papunta sa isang kuwarto.

Pero no'ng ako'y nasa kuwarto na ay nawala bigla si Lara.

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapansin kong ito'y naka-lock.

"LARA!!" sigaw ko, pero mas ikinatakot ko ng mayroong kamay na humawak sa aking paa.

Napatakbo ako papuntang bintana, pero pinagsisihan ko dahil nakakita ako ng demonyong puro dugo.

"Ayoko na!" Naiiyak na sigaw ko.

Naramdaman kong may manikang lumalakad papunta sakin, mas napahiyaw ako sa nakita ko.

Ito 'yung manika namin ni Lawta-boyfriend ko na namatay na.

Biglang nagbukas ang pinto at tumakbo si Lara sa gawi ko.

Yinakap ko agad siya ng mahigpit dahil sa takot.

"Ako si Lawta." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Nagpapanggap lang ako na si Lara, gumawa lang ako ng katawan para makasama pa kita... at ito na ang huli." Napaiyak ako sa kanya.

"Mahal kita.. kaibigan at kasintahan.." Sambit niya at tuluyang naglaho isa-isa.

Nawala si Lara... pati na rin si Lawta.

Nawala na rin ang bahay na ito, parang panaginip lang lahat, na nakilala ko pa sila noon.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon