Entry # 62: Letter for Him (Romance/Tragedy)

967 1 8
                                    

“Kailan mo nga ba masasabing mahal mo na ang isang tao?”

Paulit-ulit ko yang itinatanong sa ’king sarili mula no’ng makilala kita. Hindi ko lubos maisip na sa isang buwan mo’ng hindi pagpapakita, makakaramdam ako ng labis na kalungkutan.

Isang araw, pinuntahan kita sa inyo, ngunit hindi na kita naabutan no’n.

“Pasensya ka na, Lara ibinilin kasi ni Marcus na bawal naming ipaalam sa’yo kung nasaan siya,” malungkot na sabi ng kaibigan mong si Bryan nang tinanong ko ito tungkol sa’yo.

Sinubukan kitang hintanyin sa inyo, ngunit pinayuhan ako ng mga kaibigan mo’ng umuwi na lang. Baka daw kasi kailangan mo ng oras para makapag-isip isip. Sumang-ayon naman ako sa kanila kahit na gustong gusto na kitang makita.

Pauwi na ako no’n ng biglang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.

“Bakit ako nakakaramdam ng ganito, Marcus?” paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.

Pagkatapos mong aminin na nahuhulog na ang loob mo sa’kin, saka ka naman biglang mawawala. Alam ko’ng nalilito ka sa nararamdaman mo, kahit ako rin naman, kasi nga bawal tayo, di’ba?

Pero sa simula pa lang alam mo nang bawal, pero bakit mo ako hinayaang mahulog sayo, Marcus?

Naalala ko pa no’ng una ko’ng makita ang pangalan mo, alam kong iba ka sa karamihan. Mahigit ilang araw ko rin pinagmamasdan ang bahay mo sa ‘di kalauan. Hanggang isang araw, may nakita akong lalaking nakatambay sa labas ng bahay mo. Kahit na hindi pa kita kilala no’n, alam kong ikaw ‘yon.

Nilapitan kita no’n at nagpakilala. Nagulat ka pa nga nang napagtanto mo’ng ikaw pala ang kinakausap ko.

Simula no’n, lagi na kitang dinadalaw pagkatapos ng klase ko. Mahigit dalawang oras lang tayo madalas na magkasama, ayaw kasi ni papa na nagtatagal ako sa lugar ninyo. Pero kahit napanadalian lang, ginagawa mo namang makabuluhan ang mga oras na iyon.

Pero alam mo ba, ang hinding-hindi ko makakalimutan ay ‘yong araw na napagdesisyonan mo’ng pagpakita ulit sa’kin. Nagulat ka pa nga no’ng nakita mo’kong nagdadasal sa loob ng simbahan. Alam mo kasing hindi ako naniniwala sa Diyos.

“Pasensya ka na, Lara at ngayon lang ulit ako nagpakita sayo. Kailangan ko kasi ng oras para makapag-isip isip,” pagpapaliwanag mo sa ’kin no’n.

Agad ‘din kitang pinatawad, dahil sa mga panahong iyon, isang bagay lang ang nais kong pag-usapan natin. Bago ko pa man mabigkas ang mga katagang gusto kong sabihin, bigla kang nagsalita.

“Hindi tayo pwede, Lara. Tao ka at kaluluwa ako, hindi ka sasaya sa piling ko, Lara,” maluha-luha mong sabi. Mabilis rin’g nagbagsakan ang mga luha ko no’n, ngunit hindi gaya ng lagi mong ginagawa, agad kang nawala sa paningin ko.

Tatlong taon na ang nakalipas at hindi ka na ulit nagpakita sa ‘kin. Siguro nga hindi tayo para sa isa’t-isa, pero alam mo ba kung ano ang pinalangin ko noong pumunta ako ng simbahan?  Nagpasalamat ako sa Diyos, dahil kahit hindi man si mama ang nakita ko, nahanap naman ng puso ko ang lalaking nagpatibok nito. Nahanap kita sa sementeryo, ang tirahan mo.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon