Entry # 126: Maling, Maling Akala (Romance/Non-Fiction)

664 3 3
                                    

For the past three years, my heart has been at ease. Hindi nai-in love at hindi rin nasasaktan. Chill lang. Walang pino-problemang heart ache, hindi natatakot sa heart break. Yeah, this may sound ridiculous and pretentious at the same time. But believe me when I say, I’ve never fallen in love ever since that day. It’s not like, wala akong nagugustuhan sa mga lalaking nakikilala ko. Hindi rin dahil hindi ako naa-attract sa kanila. Hindi naman ako bulag. It’s just that my attraction to them only stays in my eyes and does not reach my heart.

 

Kahit ako, nagtataka kung bakit ganoon. Kung bakit kusang nagsara ang puso ko sa posibilidad ng pag-ibig na pwedeng ibigay ng mga lalaking nakikilala ko. Dumating pa nga sa point na inakala kong nagiging lesbian na ako dahil in-entertain ko yung thought na magkagusto ako sa kapwa ko babae. Pero hindi rin. Again, that was only attraction and admiration dahil sa mga ginagawa niya na mas dapat na lalaki ang gumagawa. For three years, I thought my heart was at ease. But then again, I was wrong.

 

It started right after I clicked on the ‘Add Friend’ button on his Facebook account. And when I wrote my last poem for him, ang sabi ko sa sarili ko, “Okay, umpisa na ‘to. Simula ngayon, magmu-move on na tayo at kakalimutan na natin siya.” Sa tulang iyon, nagpaalam na ako sa kanya at sa lahat ng feelings ko para sa kanya. Hindi ko maiwasang mapahinga nang maluwag at maging proud sa sarili ko dahil at last, after a decade of crushing on him, I decided to accept the fact that the ‘we’ I’ve been dreaming of is too far away from reality. And that I chose to finally move on from his memories.

 

My heart and brain complied. Their compliance lasted for three years. For those three years, inilaan ko ang oras at atensyon ko sa mga kaibigan ko. inilaan ko ang puso ko sa pagsusulat. Ginawa ko ang lahat ng bagay mawala lang siya sa sistema ko. Kahit ano, malimutan ko lang siya.

 

Akala ko, okay na. Akala ko sobrang naka-move on na ako sa kanya na hindi na ako maaapektuhan ng presence niya. Kasi kaya ko nang tingnan ang pictures nila ng girlfriend niya sa Facebook. Kaya ko nang basahin yung sweet wall-to-wall posts nila para sa isa’t isa. Yung tipong halos puro pangalan ng girlfiend niya ang nasa timeline niya. Kaya ko na noon e. Kinakaya ko na. Akala ko, kaya ko na. Until that incident came, the incident that left my heart confused and my mind haywired.

Mali pala ako. Mali ang mga akala ko. Hindi pa pala ako tapos na pangarapin siya. Hindi pa pala ako totally nakapag-let go sa feelings ko sa kanya. Dahil noong isang beses na makita ko siya, after thirteen long years, my heart started racing again. And the worst part is, he’s with his girlfriend, so my heart raced along with its broken pieces.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon