Entry # 23: Failing Tale (Romance/Spiritual)

1K 2 14
                                    

Bakit  ba ganon? Tuwing nakikita kita, kakaibang saya yung nararamdaman ng puso ko, para bang mag-isa siyang ngumingiti? May sarili siyang utak, nagdedesisyon siyang matuwa sa tuwing nasisilayan ka.

Yung mga ngiti mong nakakadala, para bang pati yung mga mata mo, tumatawa. Mahal na nga ba kita? Pero teka, BAWAL ‘di ba? Dati nangangarap ako na maging si Cinderella, pero nang makilala kita, oo nga pala, walang ‘And they live happily ever after!’ sa lahat ng storya.

“Kumain ka na ba?” tanong mo noon sa ‘kin tuwing gabi, at ako naman, sinasagot ka ng “Oo, ikaw ba?” habang kinikilig-kilig pa. Di nagtagal, lumalim ang pag-aalala natin sa isa’t-isa, na humantong pa sa mensahe mo na “Bakit gising ka pa? Gabi na ah! Gabi gabi ka na lang nagpupuyat, akala mo ba nakakaganda yan sa katawan mo? Matulog ka na nga.” Nangingiti ngiti pa ako, habang hinahandang ipadala sa ‘yo ang mga salitang, “Oo na po itay.” Habang hindi mapakali ang puso ko sa kakatawa, at kung totoo man yung mga paru—paro sa tiyan pag kinikilig ka? Naku, kanina pa sila nagwawala.

Naaalala ko noon, walang araw na di tayo magkausap, ilang beses na nga akong nasabihan ng baliw ng kapatid ko kasi ngumingiti ako mag-isa, at alam na niya kung sino ang dahilan, kaya lagi na lang niyang sinasabi, “Ka-text mo na naman si Kuya Kyle, ano?” at ngingiti lang ako.

Lumalim pa yung kung anong meron tayo, dahil halos araw-araw tayong magkasama, nagkikita, nagkakausap at tumatambay sa simbahan, di ba nga kasi parehas tayong naglilingkod noon?

Hanggang sa lagi nang napagkakamalan na may “Tayo” sa pagitan natin. Pero wala. Alam mo ba na ilang beses akong umasa? Na kahit konti man lang, may naramdaman ka para sakin out of friendship?

At first there was this unusual na pahaging, we were on the parish and your playing the guitar while I sing, and out of the blue, you said, “Alam mo ba? Kapag may gusto ako sa isang tao, I give them other names, Para unique, gusto ko ako lang tumatawag sa kanila ng ganon.” And I was like, “Ah ok.” Kasi as far as I remember, you call me by my first name, WALANG KAKAIBA DON. It was two sleepless nights because you still bother me in my dreams, and then the next morning. I remembered that you used to call me Air. Kasi ‘di ba? Di tayo madalas magkasama, pero ang friendship natin, palagi mong dama. And a few days later, my heart broke. Then, I just found out that somebody else has caught your attention. The same routine happened again three times, papaasahin ako, at aasa ako sa wala. Then school days came, you’ve changed.

You didn’t talk to me again, and left me hanging. Dun lang ako natauhan. Bawal nga pala tayo, kasi committed ako.

Oo, may boyfriend ako.

10 years had passed at pagbalik ko sa lugar na pinagsimulan ng pagtingin ko sa ‘yo.

Hindi ka na sakristan, kasi ikaw na yung pari mismo.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon