Entry # 116: Magkikita pa tayo (Romance/Tragedy)

874 8 5
                                    

"Magkikita pa tayo. Puwedeng sa langit. Puwedeng after reincarnation. Malay mo, maging kamukha ko si Brad Pitt 'pag na-reincarnate ako. Tiba-tiba ka n'on kung saka-sakali. May syota kang ubod ng guwapo!"

Kumurap-kurap si Ali nang maalala ang mga sinabi ni Ver kagabi. Mahigit tatlong taon na rin sila nitong mag-on. Nagkakilala sila nito sa unibersidad, sa South Cotabato. Naging magkaklase sila sa ilang subjects.

"AllahuAkbar!" Nagulat siya nang marinig ang sigaw na iyon. Tumingala siya, pigil-pigil ang mga luha. Matingkad ang sikat ng araw na lumalagos sa pagitan ng mga dahon. Nasa pusod sila ng kagubatan.

Nakita niyang dumura ang lalaking sumigaw. Duguan ang hawak-hawak nitong itak. Nakahilera ang limang hostages, nakaluhod sa damuhan, nakatali ang mga kamay sa likod, may busal sa mga bibig.

Umiiyak ang mag-asawang Aleman. "Have mercy! Please... please, don't do it."

Napalunok si Ali. Nadudurog ang puso niya sa nasasaksihan. Nag-iwas siya ng mga mata. Muli niyang hinayaang tangayin ang utak ng mga gunita.

Kailan ba siya na-inlab kay Ver?

'Di naman talaga ito ang gusto niya n'ong una. Si Jun, na best friend nito ang kinahuhumalingan niya noon.

Naging sila ni Jun. Ang 'di niya alam, pabling pala at two-timer ito. Nawasak ang puso niya nang masaksihan ang pakikipaglampungan nito sa kama sa isa pang syota nito, nang minsang dumalaw siya sa apartment ng lalaki.

Para siyang pinagsakluban ng langit n'on, lalo pa't naibigay niya na ang puri dito.

Kinumpronta niya si Ver kinabukasan. Tinanong niya ito kung may alam ito sa pinaggagawa ni Jun. Bugbog-sarado ang lalaki sa kanya nang umaming ito may alam nga sa mga kalokohan ng kaibigan.

Na-guilty yata si Ver, kaya mula n'on, 'di na siya nito iniwan. Lagi itong nakabuntot sa kanya, kahit ilang beses niya pa itong pinagtabuyan. Naging sandigan niya ito, naging iyakan ang balikat.

Isang araw, nagulat  na lang si Ali nang magtapat ng pag-ibig sa kanya ang binata. Binasted niya ito. Pero makulit si Ver, nagpatuloy ito sa panliligaw. Hanggang sa unti-unting nahulog na rin ang loob niya rito.

Hindi naman kasi mahirap mahalin si Ver. Mabait ito, maalaga, sweet. Higit sa lahat, 'di ito nagkulang sa pagpaparamdam na mahal siya nito.

Nang maka-graduate sa kolehiyo ay napag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Nagpaplano na sana silang bumuo ng pamilya, nang mangyari ang 'di inaasahan. Na-kidnap sila ng mga rebelde.

At ngayon, heto sila... 'Di niya inaasahan na sa ganitong paraan pa sila maghihiwalay.

Isa na lang ang natitirang hostage.

Lumapit ang rebelde, ibinibigay nito ang itak sa kanya.

"H-hindi ko kaya," umiiyak na iling niya.

"Kayanin mo!"

"Hindi ko kaya, kuya!"

"Suwali, ito lang ang paraan para mapatawad ka ng grupo," tigas na sabi ng Kuya Abdul niya. "Inabandona mo ang grupo. Inabandona mo si Allah! Mamamatay ka 'pag hindi mo pinatay ang lalaking 'yan."

Nagtama ang mga mata nila ni Ver. "Gawin mo," ang basa niya sa sinasabi ng mga mata nito.

Nalasahan niya ang alat ng luha sa kanyang dila. Mabigat ang kilos na kinuha niya ang itak.

 

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon