Entry # 106: MALAMIG MONG KAMAY (Romance/Tragedy)

885 0 4
                                    

Nanlalamig ang aking mga kamay. Sabi ko naman sa iyong ayaw kong sumakay rito pero mapilit ka. At worse, hindi kita matiis. Nakaupo na tayo sa upuan na pandalawahan at ikinabit ang bakal na nagsisilbing parang seatbelt natin. Maya-maya ay naramdaman kong umaandar na ito pataas. Ipinikit ko ang mga mata ko, kahit ang bading tingnan na natatakot ako rito.

“You know what? Life is a roller coaster. Pa’no mo mae-enjoy ang ride kung palagi kang nakapikit? Dali na, open your eyes, Gab,” bulong mo sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko sa batok. I felt like I was hypnotized by that soft whisper of yours that it made me do what you told me. I opened my eyes slowly. You taught me how to open my eyes. And upon watching the view, I was dumbfounded with awe. City lights. Green forestry. Busy streets. Whole city. Whole beauty of it. The best part of riding the roller coaster. “Awesome, right?”

I smiled at you, the genuine one. I kissed your forehead and closed my eyes and uttered a silent prayer in my mind, “This girl is an angel. Please let her be my forever.”

You smiled back at me and pulled me closer to you and again you whispered, “Sige na nga. Sinasagot na kita.”

You never failed to surprise me. My jaw dropped but I’m almost smiling because of happiness. I pulled you into the tightest hug. Finally, after three months! This is what euphoria feels like. Tapos pababa na ang roller coaster, naradaman kong bumaliktad ang tiyan ko. I felt like I was going to vomit at kasabay nito ang pagkagising ko.

 

Napanaginipan ko na naman ang nangyari sa araw na ‘yon. Napangiti ako. Pupuntahan kita. Dala dala ko ang librong rini-read aloud ko sa iyo, pumunta ako sa iyo.

Sinalubong ako ng mama mo, si Tita Claire at binigyan ako ng ngiting ‘di umabot sa mata. Pumunta ako sa iyo, natutulog ka pa pala. I didn’t bother to wake you up, nakuntento akong pagmasdan ang mahahaba’t makurba mong pilikmata, matangos na ilong, mapupulang labi. You look just like an angel. My angel.

Maya-maya’y tumikhim ako at binuksan ang huling pahina ng libro para basahan ka, “You don’t get to choose if you get hurt in this world, old man, but you do have some say in who hurts you. I like my choices. I hope she likes hers.”

Pinagmasdan ko ang maganda mong mukhang nakatingin sa akin, nakikinig at nakangiti ka. Napangiti na rin ako. Hinawakan ko ang kamay mo. Malamig ang mga malalambot niyang kamay. Ilang minuto kitang pinagmasdan habang nakangiti. Kinakabisa ang bawat features ng mukha ng anghel na ‘to.

“Binuksan mo na naman ba?” Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Tita Claire. Nginitian ko siya bilang sagot ko at napatingin ako sa labas. Dumidilim na pala ang paligid kaya nagpaalam na ako sa inyo dahil uuwi na ako.

Naglakad na ako palayo sa lugar na iyon...

Palayo sa iyo...

Palayo sa punerarya.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon