Entry # 46: Beautiful Illusion (Romance/Spiritual)

1K 4 7
                                    

Everyone hates me. Kahit ang sarili kong mga magulang kinasusuklaman ako. Hindi ko naman kasalanan na maging ganito ang itsura ko. Isang babaeng uling na may sibilisasyon ng mga tigyawat sa mukha.

Walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa tindi ng mga panlalait at panunuksong naririnig ko tungkol sa akin. Minsan nga naiisip ko, napaka-unfair ni Lord. Bakit hindi niya na lang ako binigyan ng normal na itsura? I’m not asking for a very beautiful body or face but I just want to live normally, ‘yung lumalabas ako na hindi nahihiya at lumalakad akong hindi nakayuko at takot na makutya ng mga tao.

Mahirap ba para sa kanyang gawin iyon?

Sa tuwing nabu-bully ako at pinapahiya ng mga kaklase ko, takbuhan ko ang malaking puno ng acacia sa likod ng eskwelahan namin. Doon ako umiiyak at inilalabas lahat ng hinanakit ko.

“Napaka-unfair mo! Masaya ka na ba? Ano pa ba?” I screamed on the top of my lungs while crying. He’s so unfair. Napaupo ako at napasandal sa puno. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa may kamay na may hawak na panyo ang tumambad sa harap ko. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lalaking nakangiti sa akin.

“’Wag ka na umiyak.”

That day changes my life, when I met Jomari. Siya ang tumulong sa akin para maiangat ang sarili ko. Siya ang tumulong para magkaroon ako ng tiwala sa sarili at higit sa lahat siya ang tumulong sa akin para mas makilala ko pa ang Panginoon and His plans for me.

I feel comfortable everyday when I’m with him at kung pwede lang na hindi kami maghiwalay ay gagawin ko na. Siya lang ang naging kakampi ko, at siya lang ang naging sandalan ko hanggang sa hindi ko namalayan ay nahulog na pala ang loob ko sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya ang nararamdaman ko hanggang sa isang araw ay hindi ko inaasahan ang naging pagtatapat niya.

“I love you Gem! Matagal na simula pa lang nang nakilala kita.” Walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ko no’n dahil sa wakas may isang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na kailanman ay hindi ko naramdaman.

“Mahal din kita Jom!” I cried. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya, walang paglagyan ang tuwang nararamdaman ko at nang bumitaw kami sa pagkakayakap ay napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo.

“Mahal kita! Please wag kang bibitaw sa kanya.” narinig kong wika niya pero pagdilat ng mga mata ko ay wala na siya sa harap ko. I looked for him pero hindi ko siya makita hanggang sa sumuko ako at doon nag-sink-in lahat ng nangyayari. The Lord used Him as an instrument to give me strength, to be loved and to trust Him. Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil kait papaano’y may kirot pa rin sa puso dahil ang taong tanging kakampi ko at nagmamahal sa akin ay isa lang palang ilusyon, isang magandang ilusyon.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon