Entry # 158: 1901 (Romance/Tragedy)

749 3 9
                                    

“Labinglimang taon ang nakakalipas nang tayo ay unang nagkakilala.

 

Klasmeyt kita sa elementarya. Ikaw ‘yung tahimik na bagong lipat na estudyante. Walang pumapansin sa’yo, wirdo ka daw kasi. Pero nagmagandang loob ako at kinaibigan ka.

 

Simula noon ay hindi na tayo nagkahiwalay pa. Naging matalik tayong magkaibigan. Naging kasangga ng bawat isa.

 

Hindi ko na maalala kung kailan ba ako tuluyang nahulog sa’yo, o kung bakit nga ba minahal kita. Siguro dahil na din sa pagpaparamdam mo sa akin na importante ako. O baka dahil pinaramdam mong ako ang prinsesa ng buhay mo.

 

Ako ang unang nagtapat sa’yo, at hindi naman ako nabigo dahil sinabi mo din na mahal mo ako. Sinabi ko sa sarili ko noon na, 'Ito na ang simula ng habangbuhay ko'.

 

Pero nagkamali ako..

 

Hindi biro ang mga pinagdaan nating mga  unos sa relasyon natin. Mga hindi mabilang na paghihiwalay, pag-aaway, iyakan at tampuhan.

 

Sa lahat ng kakulangan at pagkakamali mo, pinatawad kita. Kahit na ilang beses mo akong sinaktan, pinagtaksilan at binalewala, inintindi pa din kita.

 

Sa loob ng labinglimang taon, madami ng nagbago. Madaming bagay ang natutunan at naunawaan. Napaglipasan na tayo ng panahon.

 

Ngayon, nakatayo tayo sa harap ng Diyos, sa harap ng mga mahal natin sa buhay. Mangangakong magmamahalan habangbuhay.

 

Labinglimang taon kong binigay ang buong buhay ko sa’yo. Ngayon, oras na siguro para ibalik mo ang buhay ko na sinayang mo. Dahil hindi ko na kayang mabuhay sa ilusyon na maibabalik pa natin ang dati.


Patawad.. pero hindi ko na kayang ituloy ito. Ayoko na.”

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon