Entry # 33: Ikaw (Romance/Spiritual)

1K 6 8
                                    

I always wanted him. Mag mula pa n'ong mga bata pa kami. And he's really different from other guys. Nasa kanya na ata lahat nang hihilingin mo sa isang lalake. O baka sa'kin lang, kasi 'di ba, kapag mahal mo ang isang tao, lahat nang mali sa kanya ay gusto mo, at lahat nang maling 'yon ay nagiging tama sa paningin mo.

Naalala ko tuloy n'on, kung pa'no ko siya nagustuhan. Actually, si mama talaga ang may gusto sa kanya para sa'kin, at hindi ko talaga siya gusto. Pero akalain mo nga namang nagustuhan ko siya, kahit na hindi siya ang tipo ko. Masyado kasi siyang mabait, God-oriented, matalino, masipag, etc. Samantalang ako, kabaliktaran niya. He's too good for me. We're the opposite. 

Pero hinding hindi ko makakalimutan 'yong araw na binago niya ako. Binago niya 'yong mga pananaw ko sa buhay. Sa isang simpleng quote at bible verse lang.

Malakas ang ulan, tila ba sinasabayan ang pag agos nang aking mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, masyado kasing malaki ang expectation ng mga magulang ko sa'kin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mga pinapagawa nila. Hindi ba nila nakikita? Iba ang mga hilig ko, arts ang hilig ko, at ayokong mag Doctor, tulad nang gusto nila. Masyado silang mahigpit. Kaya nga nag-rerebelde ako ngayon e.

Sa kalagitnaan nang pag iyak ko, biglang tumunog ang aking telepono, may nag message, at kay Ejay galing. Agad ko namang binasa ang message:

"Is it really hopeless? No, not if you ask God, to take over the bits and pieces of your fragmented life. And put them back together again. The failures may still hurt, and the troubles may not all go away, but the failure may not be hopeless. With God all things are possible!"

At sa ibaba ay isang bible verse.

"A righteous man may have many troubles, but the Lord delivers him from them all." -Psalms 34:19

Good evening!" 

Nakaramdam ako nang kakaiba, lalo akong naiyak. Hindi ko alam pero saktong sakto ang mensahe na 'to para sa pinagdaraanan ko ngayon. Bakit hindi ko naisip si God, bakit puro sarili ko nalang? 

Nangangatog akong nag reply sa kanya ng 'salamat' at nag tuloy tuloy na ang paguusap namin, at napag desisyunan kong sundin ang mga magulang ko this time. Ngayon iga-guide ako ni God sa tamang daan. Iyon na din ang naging daan para magustuhan ko si Ejay.

Ang taong nag hihintay sa harapan ko ngayon, na may malapad na ngiti sa kanyang labi. Hindi ko 'man inaasahan, pero labis akong natutuwa, dahil siya rin pala ang taong ibibigay sa'kin ni God sa huli.

Nakangiti akong nag lakad papalapit sa kanya, hawak hawak ang kamay ng papa ko. Nang makarating ako sa harap ng simbahang ito, at nang maibigay na ni papa ang kamay ko sa kanya, ngumiti ako sa kanya at bumulong.

"Ikaw, mahal na mahal kita."

"Dr. Cerezo. Mahal na mahal din kita at pangako sa Diyos, ikaw lang."

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon