Entry # 63: Whogoat Mula Sa Balon (Romance/Tragedy)

1K 8 12
                                    

Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko ang mga salitang 'yon. Pinilit ko ring ipinaiintindi sa kokote ko ang kahulugan no’n. Pero heto ako ngayon, punong-puno ng pait at pighati tuwing nakikita kitang masaya sa piling ng iba.

Alam kong ako rin naman ang pumutol ng mga bagay na meron tayo. Ang dami ko kasing katwiran na walang katuturan. Sa bagay, magaling ako ro’n. Sa dami siguro ng katwiran na nagawa ko, nagtataka na tuloy ako kung kailan ang huling beses na naging totoo at tapat ako sa’yo. Mga lima na yata—hindi, sampu—ewan!

Matapos ang aking pagbabalik-tanaw, pinanood ko kung paano nagliwanag ang iyong mga mata at lumaki ang ngiti mo nang malaman mong parehas kayong mahilig sa bandang pinakilala mo sa’kin noon. Sinabi rin niya na may sobra pa siyang ticket sa concert ng bandang iyon kung sakaling gusto mong pumunta. Siyempre umoo ka. Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi rin siguro ako tatanggi.

At no’ng naghawak ang mga kamay niyo, gumuho na ang mundo ko.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na tinik sa dibdib ko at para bang gusto niyang lumabas sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pinanood ko kayong lumabas ng eskuwelahan at lalong sumakit ang dibdib ko nang bigla ka niyang halikan sa pisngi. Pinitk mo lang ang noo niya sabay mabilis na halik sa kanyang labi. Naglagay ako ng isang kamay sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan.

Sinabi ko na noon na mas makakabuti kung hindi tayo magkasama. ‘Pag magkasama lang tayo, sasaktan lang natin ang isa’t isa. Pero bakit gano’n? Hindi na nga tayo magkasama pero hindi pa rin ako masaya, lalo na ngayong masaya ka sa iba.

Ano ba ‘tong pakiramdam na ‘to? Hindi ko alam at wala akong balak alamin.

Ayoko kasi na sa bandang huli ay kakainin ko rin pabalik ang mga salitang binitawan ko at amining hanggang ngayon ay mahal pa rin kita.

Royal Rumble Season 2: Round One EntriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon